Class N65

2 0 0
                                    

Ella

Hindi mapakali si Ella sa upuan nya. Pakiramdam nya ay kanina pa may nakatingin sa kanya. Kahit na nakayuko sya sa kanyang desk ay malakas ang pakiramdam nyang kanina pa may nakatingin sa kanya. "hays. Anong oras na. Wala bang prof na darating? Unang araw ng klase wala pa ni isang prof na dumarating."

Maya maya ay narinig nyang may bumukas ng pintuan. "sa wakas naman."

Dahan dahan nyang iniangat ang ulo nya. Pero para syang binuhusan ng malamig na tubig sa nakita nya.  Si Carl. Ang taong pinaka ayaw nyang makita. Sobrang lakas ng tibok ng puso nya. Hindi nya alam kung ano ang tamang dahilan. Dahil ba sa galit? O dahil sa kaba? Sa lahat lahat naman ng lugar ay hindi nya inaasahang dito pa sila magkikita sa classroom. 

Hindi nya alam kung ano ang dapat nyang iasta. Ngingitian nya ba ito o babalik sa pagyuko sa upuan nya. Pero sa halip ay napatingin sya sa isa nyang kaklase, nginitian ito at sumigaw ng "Uy kaklase pala kita!"


Liam

Kanina pa tinititigan ni Liam si Ella. Marahangnapasinghap si Liam. Nabaling ang tingin nya ng bumukas ang pintuan na sya ring mabilis na pagbalikwas ni Ella. Napansin nyang matagal na nagkatitigan ang dalawa. Ng aaktong hahakbang ang lalaki ay syang malakas na pag sigaw naman ni Ella.

"Uy kaklase pala kita!" Mabilis na tumayo si Ella at huminto sa harapan nya.

Litong napatingin si Liam sa likuran nya. "Sino bang kausap nito?" sa isip isip nya.

Marahan syang tinapik ni Ella at pinandilatan ng mata. Ayaw na nga lang sana nyang pansinin ito pero binatukan sya ni Ella. 

 Kahit na lito ay alam nya ang ibig sabihin ng akto nito sa kanya. Kaylangan nito ng tulong.  "Oo nga e." Sinenyasan nya ito na umalis na at bumalik na sa kinauupuan nito.

Pero sa halip na bumalik sa upuan nito ang babae ay tumabi ito sa kinauupuan nya at bumulong ng "Maya maya."

Wala na syang nagawa kundi ang tingnan ito habang nakangiti sa kanya. At muli, napatitig na naman sya sa maliit nitong muka.


Carl

Hindi inaasahan na makikita ni Carl si Ella sa class room na ito. Hindi  rin naman nya sinadya na maging kaklase nya ito. Pero mukang umaayon nga sa kanya ang tadhana.

Sa pagkakatingin sa kanya ni Ella, alam nyang apektado parin ito sa presensya nya. Marami syang gustong sabihin dito. Una ay ang humingi ng tawad sa nagawa nya rito. 

Pero bago pa man sya makalapit rito ay mabilis na tumayo ito at lumingon sa lalaking nasa likuran ng classroom.

"Uy kaklase pala kita!" -Ella

Tiningnan na lamang nya ang dalawa habang nag uusap.

Masaya na rin syang nakita nya sa malapitan si Ella ng nakangiti. Kahit pa hindi para sa kanya ang ngiti nito ngayon. 

Gustuhin man nyang lapitan si Ella, ay hindi pa yata dapat.



FOR YOU I WILLWhere stories live. Discover now