LIBRARY

3 0 0
                                    

ELLA'S POV

"Ella. Im sorry"

"Ha? Sorry saan? Anong sinasabi mo?" Hindi ko alam kung hindi ba ako nabulol sa pagsabi ko ng mga katagang yun. Alam ko kung anong ibig nyang sabihin. Pero gusto ko parin marinig. Alam kong masasaktan lang ako pero gusto kong marinig. Hindi pa man nya ko sinasagot sa una kong tanong, nagtanong ulit ako. Sinundan ko ng isa pang masakit na tanong ang naunang masakit na tanong. "Bakit?" Tiningnan ko sya sa mata. Pero wala akong makita sa mga mata nya kundi awa.. Awa para saan? Para sa pag iwan sakin? Ngumiti ako na akala mo hindi ako nasasaktan sa katahimikang sagot nya sa mga tanong ko. "Alam ko Carl. Matagal ko ng nararamdaman. Na ayaw mo na? Pero anong dahilan? Sana naman bigyan mo ako ng sapat na dahilan."

"Hindi na kita mahal."

Sana sinabi mo nalang na may mahal ka ng iba kesa sa hindi mo na ko mahal. Parang mas tanggap ko pa kung sinabi mong may iba ka na. Tanga na nga siguro ako. E parang parehas lang namang masakit. Ngumiti ako habang nakatingin pa rin sa kanyang mga mata. "Bakit?"

"Nakakasakal. Nakakapagod. Nakakasawa." Walang hintong sagot nya sa tanong ko. Para akong tinamaan ng bala ng tatlong beses. Ah hindi, ng anim na beses.

"Ah.." Sa dami ng gusto kong sabihin wala akong nasabi.. Sa huli, ako na nga ang iniwan ng pag ibig, ako pa ang iniwang mag isa kung saan nya sinabing hindi na nya ko mahal. Ganon nalang ba yun? Bat parang napakadaling sabihin nun? Tulalang hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha ko. Napayuko nalang ako sa desk sa library. Kung gaano kalakas ang paghikbi ko ay hindi ko alam.

First day of class. 2nd year college na sila ngayon. Mag iisang taon na rin pala ang lumipas simula ng iwan sya nito dito sa eksaktong pwesto na kinauupuan nya ngayon sa library. Napaaga sya ng pasok kaya naman tumambay muna sya dito. Hindi nya alam kung bakit dito pa rin sya umuupo kahit na ito na yata ang pinakamasakit na lugar para sa kanya. Sinarado ni Ella ang librong kanina pa tinititigan.

"Shoot naman na dahilan yun. Nakakasakal? Nakakapagod? Nakakasawa?". Unang boyfriend at kabiguan nya si Carl.

Una nyang nakilala si Carl noong nasa 2nd year highschool sila. Kilala si Carl sa campus nila dahil isang player sa basketball si Carl. Hindi naman nya talaga gusto ito. Bukod sa sikat sa campus e, sabi sabi pang babaero daw ito. Pero iba ang nakikita ni Ella kay Carl mula ng ligawan sya nito. Lagi syang pinagtatanggol sa mga babaeng walang ibang ginawa kundi ang pag usapan sya. Kung paano daw sya nagustuhan ni Carl? E hindi naman daw sya kagandahan at maputi lang naman daw sya. Lagi syang hinahatid sa bahay nila kapag uwian. Lagi syang hinihintay sa harap ng gate kapag pasukan. Hanggang sa unti unti na ngang nahulog si Ella kay Carl dahil sa mga simpleng effort na ginagawa nito para sa kanya. Pero unti unti ring nag bago ang pakikitungo nito. Habang tumatagal ang kanilang relasyon ay ang pagiksi ng pasensya nito sa kanya. Lalo na kapag nababanggit o natatanong nya si Mia. Na sinasabi ni Carl na kaybigan lang naman "raw" nito.

Pero hindi ba dapat si Ella ang magalit? Dahil ang sinasabi nyang kaybigan lang naman daw nya ay ang syang nakikita nyang lagi nyang kasama mula noon hanggang ngayon. At sa tingin nyang sya ring dahilan kung bakit iniwan sya ni Carl.

Matapos mag muni muni sa nakaraan ay tiningnan nya ang orasan. Nang makitang pasado alas nwebe na ay agad na tumayo siya para pumasok sa kanyang klase.



LIAM'S POV.

Kanina pa nya tinitignan ang babae sa tapat nya sa library. Hindi sya makapag focus sa binabasa nyang libro dahil nadidistract sya sa babaeng baliktad ang librong hawak. Tatayo na sana sya upang kalabitin ito at sabihing baliktad ang librong hawak nito ngunit mabilis na tumayo ang babae at agad na umalis. Sinundan nalang nya ng tingin ang babae. Nang tuluyan na itong nawala sa paningin nya ay napatingin sya sa orasan.

"Pasado alas nwebe na pala." Agad na rin nyang inayos ang mga gamit nya upang pumasok na sa klase.



CARL'S POV

Napahinto si Carl sa paglalakad sa loob ng library ng mahagip ng mga mata nya si Ella. Aminado syang maganda pa rin ito. Sa loob ng halos isang taon na makipag hiwalay sya dito ay ilang beses rin nyang sinubukang kausapin ito pero wala syang lakas ng loob. Alam nya kung gaano nya nasaktan ang babae. Iniwan nya si Ella para sa babaeng akala nya mahal nya. Para sa babaeng panandaliang saya lang pala. Dahil natukso lang pala sya sa isang taong ginamit lang sya. Iniwan sya ni Mia. Pero imbis na masaktan ay wala syang ibang naramdaman kundi ang kagustuhang kausapin at humingi ng tawad kay Ella. Alam nyang wala syang karapatan pero talagang mahal nya pa si Ella at handa syang gawin ang lahat mabuo lang muli ang tiwala at pag ibig ni Ella para sa kanya. Sising sisi sya sa nagawa nya kay Ella. Lalapitan nya sana si Ella sa kinauupuan nito pero bigla itong tumayo at lumabas.

FOR YOU I WILLWhere stories live. Discover now