Matapos ang klase nila ay madaling nagtungo si Ella sa canteen. Hindi sya mapakali sa presensya at sa kabang idinudulot ni Carl sa kanya. Matagal na silang wala pero may kirot pa rin sa puso nya. Ang buong akala nya ay tapos na para sa kanya kung ano man ang nararamdaman nya rito, pero heto sya ngayon. Parang isang criminal na nag tatago at umiiwas kay Carl.
"Mali to. Hindi dapat ganito." Ani ni Ella.
Ng makaramdam ng parang may sumusunod sa kanyang likuran ay binilisan nya ang mga hakbang nya. Napatalikod sya ng maramdaman nyang parang bumibilis rin ang lakad ng kung sino man ang nasa likuran nya.
"Ano ba Carl?!"- Sigaw ni Ella. Nanlaki ang mata nya ng makita kung sino ang sumusunod sa kanya.
Napahinto ang lalaking nasa likuran nya.
"Opps. Akala ko ba close tayo?" Si Liam. Si Liam pala ang nasa likuran nya.
Napabuntong hininga si Ella. "Bat mo ba ko sinusundan?" Iritang sabi ni Ella kay Liam.
"Hindi kita sinusundan. Sadyang mabilis lang ako maglakad. At bakit naman kita susundan? - Liam
Sasagot pa sana si Ella pero nauna ng maglakad si Liam at nilagpasan sya nito. Nagpatuloy nalang si Ella sa paglalakad.
---
Habang nakapila sa canteen ay nasipat nya ng kanyang tingin si Carl. Pinipilit nyang isiksik ang sarili sa babaeng nasa unahan nya. Hindi sa pag aassume, pero baka lang kase makita sya ni Carl at lapitan. At ayaw nyang mangyare iyon.
Ng makuha ang kanyang pagkain ay muli, nakita na naman nya si Carl, sa tagpong ito, nakatingin na nga ito sa kanya na syang ikinataranta nya. Agad syang umupo sa upuang malapit sa kanya. At unti unting iniyuko ang ulo.
"Mukang ikaw yata ang sumusunod sakin." Bigkas ng lalaking nasa harapan nya.
Dahan dahang iniangat ni Ella ang ulo sa lalaking nagsalita sa harapan nya upang makita nya kung sino ito.
"Ikaw? Hindi kita sinusundan. Wala lang akong makitang ibang upuan."-Ella
Nagpalinga linga si Liam sa loob ng canteen.
"Napakaraming bakanteng upuan." -Liam
Napatingin naman si Ella sa paligid ng canteen.
Oo nga. Tsk. Halos iilan palang ang occupied na upuan sa canteen. Sa dinami rami nga naman ng upuan at dito pa sa hambog na ito ako natapat. "Ahem. Hindi kita sinusundan. E sa nakakatamad maglakad kaya dito nalang ako umupo. Isa pa, May nakalagay ba na hindi pwedeng umupo dito?" -Ella.
Hindi na nagsalita si Liam. Bagkus ay ngumiti lang ito ng tipid sa kanya.
Sa isang banda, kahit na nakatingin si Ella kay Liam, ay hagip ng kanyang mata ang mga tingin ni Carl sa kanya. Mistula itong lito. Ng nakita nyang parang lalapit ito sa kinauupuan nya ay agad na hinampas nya si Liam at tumawa ng marahan. Na sya namang ikinahinto ng mga hakbang ni Carl.
CARL
Pagpasok palang ng canteen ay napansin na nya agad si Ella na nakapila. At halatang tinataguan sya nito dahil nakikita nyang naiinis na ang babaeng nasa harapan nya dahil sa pag gitgit nya dito. Ng mapansin ni Ella na nakatingin sya sa kanya ay ang mabilis na paglakad nito papunta sa lalaking nakaupo.
Napasingkit ang mga mata nya ng makilala kung sino ang lalaking tinabihan ni Ella sa upuan. Sino ba tong lalaking ito? Bakit laging kasama ni Ella. Sa tagal ng pinagsamahan nila ni Ella ay wala pa itong nakikilang kaybigang lalaki nito. Hindi pala-kaybigan si Ella. Kahit mag isa na lamang ito sa buhay ay wala syang naipakilalang kaybigan kay Carl. Napahinto sya sa paglakad ng nakita nyang tumatawa si Ella.
Mukang masaya ka na nga Ella. Pero hindi ako titigil hanggat hindi kita nakakausap.
----
"Anong ginagawa mo? Nababaliw ka na."- Liam. Nagulat si Liam ng hampasin sya ni Ella sa braso at biglang tumawa.
"Pasensya na. Haha. Pagbigyan mo na ko. Haha." Napailing nalang si Liam. Alam naman nya kung bakit ito ginawa ni Ella.
"Anong kapalit?" -Liam
"Kapalit saan?"-Ella.
"Sa pagtulong ko sayo. Alam ko kung bakit ka umaastang parang baliw. Nakita mo na naman sya?" - Liam
Napahinto si Ella sa pagkain.
"Oo." -Ella.
"Ano mo ba sya?" -Liam
"Close ba tayo?" -Ella
"Kung di tayo close bat mo ko biglang hinampas? Ginagawa lang yun ng mga magkakaybigan." -Liam
"Tsk. Ang dami mo namang pananaw sa buhay. Oo na sorry sa paghampas ko sayo. Ex ko sya." -Ella
Agad napansin ni Liam ang pagbabago ng reaksyon ng muka ni Ella at pag aalangan. "Iniwan ka? o iniwan mo?" -Liam
"Hindi naman siguro ako magtatago ng ganito kung ako yung nang iwan diba?"-Ella
"Hindi ko alam? Baka may utang ka sa kanya kaya mo tinataguan." -Liam
"Wala." Ella.
"Okay." - Liam. Alam nyang nagbago ang mood ni Ella sa usapan nila.
"Mauna na ko." -Ella. Hindi na nito tinapos ang pagkain nito at agad ng naglakad palabas.
Nang tumayo na rin sya para lumabas ng canteen ay napansin nyang nakatingin sa kanya si Carl.
At nilapitan sya nito.
YOU ARE READING
FOR YOU I WILL
RomanceSi Ella. Isang babaeng takot na muling magmahal dahil sa unang pagibig at kabiguan na naranasan nya mula kay Carl. Nagmahal, Nasaktan, nagbago. Hanggang sa may bumalik at dumating. Mapagbibigyan ba ulit nya ang puso na buksan muli? Si Carl. Basketba...