Pinapangarap ko talagang maging madre dahil maganda sa loob ko na makarinig ng musika ng diyos, mga huni ng ibon sa kumbento at isa pa, dito ako lumaki.
Kanina, pinagsabihan ako ni Sister na huwag na iyong uulitin dahil malaking kahihiyan iyon sa buong kumbento. Nakapag-desisyunan niya na mag-aaral daw ako sa kursong pagiging madre dahil hindi ko pa raw alam ang mga rules at regulations sa simbahan."Sister, sorry po kanina" nagpapacute pa ako para hindi niya ako mapagalitan.
Bumuntong-hininga siya."Huwag mo nang ulitin yon" sister Elmie
"Opo" sabi ko at yumuko.
"Angel, Gusto mo bang mag-aral?"hinawakan niya ang kamay ko. Oo, tama ang narinig niyo na Angel ang tawag niya sa akin. Ayaw niya kasing Hellish ang itawag niya sa akin dahil parang masama sa pandinig niya ka ayun.
"Ayoko ko po, malayo po ako sa inyo at sa kumbento. Sino na ang mag-aalaga sa akin doon kung magkasakit ako? Wala na akong mayayakap kung may problema ako. At wala na akong nanay at tatay na gagabay sa akin. Wala pong makahihigit sa pagmamahal ko sa inyo Sister Elmie." I said and she chuckles.
"Angel, malaki ka na at isa pa ang diyos ay palaging gagabay sa iyo. Palagi mo lang iisipin na ako ay nandiyan sa puso mo palagi. Kaya wag ka ng matakot. Hindi ka na baby, Angel." Sabi ni Sister at yumakap ako sa kaniya ng mahigpit. I am really comfortable with her.
"Anak sige na, may pupuntahan ka diba?" - sister"Opo, mamasyal muna ako doon saglit." Gagamitin ko yung motorbike na regalo sa akin ni Sister Anna na kapatid ni Sister Elmie.
Isinuot ko na ang helmet at pinaandar ang motorbike."Mag-ingat ka Angel" Sabi in Sister Elmie.
"Opo, bye po" sabi ko at umalis na.
SOMEONE'S POV
"Sir, parang nakita ko na po siya" may katawag ako sa cellphone.
"Siguraduhin mong madadala mo siya dito" sabi ng katawag ko.
"Opo sir, sinusundan ko na po" binaba ko na ang cellphone.
"Humanda ka na Dark Blizzard"HELLISH'S POV
"Lalalalalalalalalala" kumakanta ako.
Hay ang sarap ng ihip ng hangin. Para kang sumasayaw sa langit. Enjoy lang akong pumapasyal sakay sa aking motorbike.
Pagkatingin ko sa side mirror ay may sumusunod sa aking kotse."Mauna ka na" lumiko ako sa gilid para maka-distansya siya.
Sinundan niya pa rin ako. Kapag lumiko ako ay liliko din siya. Seriously? Ano na trip nito? Bakit sunod ng sunod sa akin?"Mauna ka na" lumiko ako.
Yes, dumiretso na siya. Nainip siguro siya sa kaliliko.Akala ko didiretso siya pero hinarangan niya ako kaya napahinto ako.
Buti nga naka-brake ako agad kundi masasagaan ko talaga tong magarang kotse niya. May bumaba na lalaking medyo matanda na. Siya yung humarang sa akin. Parang 35's na yata siya."Excuse me, ikaw ba to?" Sabi nong lalaki at sinuri niya talaga ng maigi ang mukha ko. May ipinakita siyang litrato na kamukha ko.
"Sino ka? Bakit ka sunod ng sunod sa akin? Stalker ka ba? Bakit may litrato ka ng kambal ko? Sagot!!! Kapag hindi ka sasagot, tatawag ako ng police" matapang na sabi ko.
Lumapit siya sa akin.
"Hindi sa ganoon pero............Array!!!!!!"
Daing niya.Dahil hindi ko siya kilala, sinipa ko yung sexual organ niya. Baka kidnapper siya or holdaper. Wala pa naman akong dala na pang self-defense.
Nang sinipa ko, dali-dali akong sumakay at umandar ng mabilis.Lumingon ako sa kanya at nakita kong pinilit niyang makatayo patungo sa kotse niya. Hahabulin niya ata ako. Magdasal na lang ako para sa kaligtasan ko.
"Lord, gabayan ninyo po ako sa mga masasamang nilalang. Kasalukuyan po akong hinahabol ng masamang tao na parang may masamang intensyon po siya sa aking kambal. Lord iligtas niyo po ako sa kapahamakan. At nawa'y makauwi na po ako sa kumbento." Nagdadasal ako pa ulit-ulit.
Paglingon ko, wahhhhhhhhhhh!!!!!!!, nasa likuran ko na siya.
End of my world na ba? Huhuhuhuh Gusto ko ng umuwi..
To be continued.........
*NhixxWP*
