Kabanata 3

1.1K 15 0
                                    

Nakasunod pa rin siya sa akin.Wahhhh!!!!! Ano na gagawin ko? Hihinto ba ako o diretso lang?

Kung hihinto ako, baka may dala siyang kutsilyo at saksakin ako. No!!! Ayoko non. Kung diretso at naka-turbo mode ako, baka maaksidente at mamatay ako.

Calm down, Hellish. Kaya mo ito at malalampasan mo yong halimaw na nakasunod sa iyo.

Oh no!!!!! Naka sunod na nga siya. Naka turbo mode din siya. Para tuloy kaming nag racing.

Dahil mas mabilis pa ang kanyang kotse sa akin, naabutan niya ako at naharangan ulit. As in naharangan niya yung buong kalsada. At wala na akong madaraanan.

Babalik na sana ako ng..........

"SANDALI!!!!!!!!" mabilis siyang bumaba at sumigaw.

"Huwag kang lalapit sa akin. Binabalaan kita" Umatras na ako at lumayo ng dahan-dahan.

"May tanong lang ako, kambal mo ba to?" Tanong niya at may ipinapakita siyang picture.

"Oo, bakit mo ba siya kilala?"-ako. Tumingin-tingin ako sa paligid para maka-tyempo ako kung paano makatakas sa kanya.

"Sandali lang, bakit ka ba lumalayo sa akin? Hindi naman kita sasaktan at kakagatin ah. Ikaw, kanina ka pa hindi nakikinig sa akin. Alam mo bang may importante akong sasabihin sa iyo? Alam mo bang naaksidente ang kuya mo at nagparecover pa siya hanggang ngayon? Hayyyyyy!!!!!!" hinihingal na sabi niya.

Nagulat na lang ako sa mga sinasabi niya. Hindi pala siya mandurukot o kidnapper, mabait pala siya. Naku po!, akong lang pala ang nag-iisip ng masama sa kanya. Ang sama ko namang tao.

"Ano? Saan siya ngayon? Bakit ngayon mo lang sinabi? Bakit siya naaksidente? Okay na ba......"

"Chill lang, mag-usap nga tayo ng matino" putol niya sa sinabi ko.

"OK" pumwesto kami doon sa ilalim ng puno upang magkwentuhan.

"Huwag munang mag-react hah? Dahil may sasabihin ako"

Tumango ako in response.

"Ang aming kompanya ay nangangailangan ng bagong member ng Mighty Boy. Ang bagong member ay dapat marunong kumanta, music lover at may sex appeal. Napagdesisyunan ng manager na ang pipiliin niya ay ang kuya mo na nasa USA ngayon. Nakitaan ng potensyal ang kuya mo dahil magaling siyang kumanta. Ang kuya mo na raw ang bubuo sa Mighty B. Kaso lang, nagpapagamot pa siya at nagpapahinga. Hindi pa pwedeng makakauwi ang kuya mo dito. Kaya ang tanging pag-asa ko lang ay ikaw." Sabi niya in a long speech.

"Ako? Hahahaha Bakit naman ako? Wala naman akong maitutulong dyan." Tawang tawa ako dahil madre ako at walang alam sa makabagong teknolohiya.

"Meron Blizzard kung papayag ka. Magpapanggap kang Dark Blizzard. Magpapanggap kang ikaw siya." Sabi niya.

" Ano? Ayoko, paano ko naman gagawin yon? Hindi po ako lalaki, babae po ako Mr.?" I said and cross armed.

"Mr. Mint" pangalan niya yon.

"Mr. Mint, Big NO period." Diniinan ko yong salitang NO dahil ayoko ko naman talagang pumayag sa alok niya.

"Sige na Hellish, ikaw lang ang makakatulong sa akin." Nakaluhod pa siya nga yon.

"Ayoko nga" Tinalikuran ko na siya.

"Yung mama mo? Hindi mo ba siya hahanapin? Listen Hellish, ito na ang pagkakataon na mahanap mo ang mama mo. Kapag papayag ka, magiging sikat ka at maka-ipon ng pera para sa mama mo. Diba ito rason kung bakit ng-artista ang kuya mo? Nag-artista siya para mahanap niya yong importante niya sa buhay. It's your turn para ikaw naman ang maghanap dahil ang career ng kuya mo ay nakasalalay sayo. Just pretend to be a guy" Sabi niya. He really convince me.

Ang hirap kayang magpanggap ng lalaki.

Maniniwala ba ako sa kanya? Matagal ko nang pinapangarap na makita ulit si mama. Pero kung papayag ako, paano na sila sister Elmie, Father Cisco at ang kumbento? Makaya ko bang mamuhay ng wala sila?
At naawa na rin akong Kay kuya dahil palagi na lang siya ang humahanap ng paraan. Baka oras ko na akong naman ngayon ang hahanap Kay mama.

"Sige, pero sa isang kondisyon." Sabi ko

"Ano yon?" -Mr. Mint

To be continued...........

*NhixxWP*

Pretend To Be A GuyWhere stories live. Discover now