(Sa mura niyang edad, maraming mga bagay na gustong malaman si Nena. Lalo na noong dumating sa bayan nila ang bago, bata, at guwapong pari, si Father Bruno. Pero bawal. Masama daw pag-usapan at matutunan ang mga ganong bagay sabi ng kanyang ina. Buti na lang, nandiyan ang kalaro niyang si Paulo…)
Hindi na nakipagtalo pa si Nena. Nagbihis na lang ito ng blusa at palda (kahit ayaw niya) para hindi na magalit ang ina.
Noong bata pa siya at noong nakakalakad pa si Lola Pura at buhay pa si Lolo Inigo, masayang sumasama si Nena sa simbahan tuwing Linggo. Kakain kasi sila sa restawran sa bayan pagkatapos ng misa. Ngunit umpisa noong mag- 13-anyos siya noong nakaraang taon, maraming nagbago. Namatay ang Lolo Inigo niya. Kasunod noon ay ang pagkaparalisa ni Lola Pura.
Mas gusto ni Nena na manatili sa bahay at bantayan ang Lola Pura niya kahit naririndi ang tenga niya sa kadadakdak ng ina. Hindi siya naglalakwatsa. Kung lalabas man siya ng bahay maliban sa eskuwelahan ay pupunta lang siya kina Paolo.
Kababata ni Nena si Paulo na mas matanda sa kanya ng isang taon. Noong araw, dalawang bahay lang ang meron doon sa kanila- ang bahay nila at kina Paolo. (Marami-rami na rin kasi ngayon.) Magkasabay sina Nena at Paolo na papasok sa eskuwelahan at sabay din uuwi.
Parehong walang ama sina Nena at Paulo. Pero magkaibang dahilan. Namatay sa sakit ang ama ni Nena noong 3 pa lang siya. Ang ama naman ni Paolo, ayon kay Tita Sonia, ay “… umalis dahil duwag. Kalabaw siya!”
Sa bandang likuran pumuwesto sina Nena at Paolo kasama si Lola Pura na naka-wheel chair. Ang mga nanay naman nila ay sa harapan pumuwesto. Parehong excited sina Aling Seling at Aling Sonia na makita ang bagong pari.
“Palibhasa sa mga biyuda…” Bulong ng isang nasa likuran.
Narinig iyon ni Nena at hindi niya nagustuhan. Sinenyasan naman siya ni Paolo na huwag nang pansinin. Maya-maya pa ay nag-umpisa na ang misa. Ang dati kasing pari ay naospital daw at may sakit sa puso. Ngayon, may bago nang pari na “…di hamak na mas bata at ang guwapo…” ayon sa mga tsismosa doon sa likuran.
Bruno Monteverdi ang pangalan ng bagong paro. Nasa humigit-kumulang 30 pa lang ito. At kahit nakadamit pangpari ay mapapansing matipuno ang pangangatawan nito. Hindi ito mestiso. Pero lumulutang ang kaguwapuhan nito habang nagbibigay ng sermon. Siya na marahil ang pinakaguwapong lalaki sa simbahan ngayon (E mga 40 lang naman ang nagsimba at kulang pa sa kalahati ang mga lalaki doon), o sa buong bayan, sa buong probinsiya at…”marahil sa buong Pilipinas” ayon ulit sa mga bumubulong na mga nanay na kahitmaagang dumating ay sa likod naupo.
Kunot-noo si Paolo nang mapansin niyang pigil-tawa si Nena.
“Bruno, e di ba pangalan ng pangit na askal ‘yon.” Bulong ni Nena kay Paolo. Pinipigil ng dalagita ang pagtawa. “Bakit siya pinangalanan ng mga magulang niya ng ganun?”
BASAHIN ANG PAHINA 3