Si Nena Ay Dalaga Na (Pahina 4)

323 0 0
                                    

“Isa ka pa!” Pinabayaan na ni Paolo ang nilalaro. Bugbog-sarado na ang character niya sa computer game.

“Bakit?” Humiga si Nena patagilid kaharap si Paolo.

“Noong namalengke kami ni Inay, si Father Bruno rin ang usapan doon e.”Umayos ng upo si Paolo at humarap sa kausap. “Guwapo ba ‘yong dayo na ‘yon?”

“Oo ‘no.” Humagikgik si Nena. “Yong mga mata niya… parang kumikislap na-”

“Ewan ko sa’yo, Nenong! Ang landi mo. Magkaka-crush ka na nga lang , sa dayong pari pa.”

“E bakit?” Sumimangot si Nena. “Di ba marunong magmahal ang pari?”

“Kung magmamahal man ang pari, hindi sa kasinglandi mo!” Binato ni Paolo ng manika si Nena. Gumanti si Nena ng unan at humantong sa maingay na harutan. Tumigil lang sila nang dumating si Aling Sonia.

“Ba’t di niyo patayin ‘yang computer. Di nio naman ginagamit?” Nagpupunas ng basang kamay si Aling Sonia sa suot niyang daster. “Itong mga batang ito. Magastos sa kuryente ‘yang laro niyo. Ba’t di kayo lumabas sa kalsada at makipaglaro sa mga ibang kabataan? Hindi ‘yang nagkukulong kayong dalawa dito.”

“Inay, di na uso ang patintero ngayon.” Umakbay si Paolo sa ina. “Lahat na ay nasa loob ng bahay at naglalaro ng computer.”

“Oo nga!” Sabad naman ni Nena.

“At sumang-ayon pa itong isa.” Kunot-noo si Aling Nena. “Halina nga kayo. Paolo, hugasan mo ‘yong malaking kaldero. Nena, tulungan mo akong maglinis ng mais.”

“Yehey! Mais time!” Sabay na sigaw nina Nena at Paolo at itinuloy ang harutan palabas ng kuwarto.  

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 02, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Si Nena Ay Dalaga Na (Pahina 1) :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon