(Sa mura niyang edad, maraming mga bagay na gustong malaman si Nena. Lalo na noong dumating sa bayan nila ang bago, bata, at guwapong pari, si Father Bruno. Pero bawal. Masama daw pag-usapan at matutunan ang mga ganong bagay sabi ng kanyang ina. Buti na lang, nandiyan ang kalaro niyang si Paolo…)
“Ba’t ka nagpapatalo!” Bulyaw ni Paolo kay Nena. Walang pasok ngayon dahil araw ni Andres Bonifacio. Nagpaalam si Nena na pumunta sa bahay nina Paolo para gumawa ng assignments. Ang totoo ay naglalaro lang ang mga ito ng computer games sa kuwarto ni Paolo.
“E di ba napipikon ka naman pag natatalo kita.” Nakangiti si Nena. Hindi pa ito nagsuklay ng buhok bago pumunta doon.
“Wala ‘to!” Umiling-iling si Paolo. “Isa pa nga! Ayusin mo laro mo!”
“Ikaw na lang muna.” Iniwan ni Nena ang upuan at dumiretso sa kama ni Paolo. Nakangiti itong humiga at tumitig sa kesame.
“Meron ka ba ngayon?” Pinagpatuloy ni Paolo ang laro mag-isa. “Huwag kang hihiga sa kama ko kung meron ka!”
“Wala.” Mahinahon ang sagot ni Nena at nakangiti pa rin habang nakatitig sa kisame.
Napansin ‘yon ni Paolo. “At bakit parakang asong lasing diyan? Ano problema natin, Nenong?”
“Wala naman, Paulita…” At pakanta-kanta na si Nena. “Itong… pag-ibig kong umuusbong na parang bulaklak… sa… hardin. Buong daigdig ay bumubulong at humahalimuyak…”
“Nag-cheat ka na naman sa Math kahapon no? Na-perfect mo ba?” Hula ni Paolo.
“Hindi no!” Sumimangot si Nena saka biglang ngiti ulit. “Iniisip ko si Father Bruno. Ang guapo niya, ano?”
Kunot-noo si Paolo. “Ano kamo? Guapo si Paolo?”
“Si Father Bruno, ang guapo!” Sigaw ni Nena.