Pueblo 1

56 2 1
                                    

2019

"KYLE! 'Yung kaibigan mo! Nakikipag-away na naman!", narinig kong sigaw ni Jess, kaklase ko.

Agad naman akong napatayo mula sa kinauupuan ko. My gosh! Si Lyzza, nakikipag-away na naman. Kahit kailan talaga basagulera 'tong friend ko! Kakaloka.

Kaagad akong sumunod kay Jess papuntang gymnasium ng Vonmojar University, ang paboritong wrestling-an ni Lyzza at ng mga nakakalaban niya. Pagdating namin doon, ay hindi na bago sa aking pananaw ang mga nakita ko.

Si Lyzza, nakikipagsabunutan kay Maricris, ang mortal enemy niya na feeling maganda kahit mukha namang paa. Pwe!

"Lyzza, tama na!", awat ko sa kanila nang makalapit ako sa kanila. Kaagad kong hinawakan si Lyzza at pilit na nilalayo kay Maricris.

"Bitch!!" sigaw ni Lyzza nang mabitawan na niya si Maricris.

"Hinding-hindi ko mapapalagpas 'to! Akin lang si Harry and don't you dare get him from me!", sigaw ni Maricris. Taray! Ikinaganda na niya ang linyang 'yun. Still, mukha pa rin siyang paa. Tsss!

"Eh 'di sa'yo na! Saksak mo diyan sa puke mo 'yang si Harry! At pwede, pakisabi rin diyan sa hilaw mong boyfriend na 'wag na 'wag na siyang lalapit sa'kin! Bitch!"

"Lyzza, ano ba! Tama na. Halika na.", pagpipigil ko kay Lyzza.

"Sabagay, pareho lang naman kayo ng bestfriend mong bakla! Mga malalandi! If I know, type rin ni Kyle ang boyfriend ko so hindi malabong lalandiin rin niya ito! Magkaibigan nga kayo!", sigaw pa ni Maricris.

Teka?!

Biglang pumantig ang tenga ko sa narinig ko ha! Ako? Type si Harry? Yuuuck! Kaderder! Nasusuka nga ako sa pagmumukha ng surot na 'yun tapos aakusahan akong type ko 'yun? Like eww!

Kaagad kong binitawan si Lyzza and with all my taas-kilay mode ay kaagad kong nilapitan ang haliparot na si Maricris.

"Anong sabi mo?", buong pagtataray kong tanong sa kanya.

"What? Are you guilty? 'Di ba type mo rin si Harry? I know you, Kyle. Since then—"

Hindi ko na pinatapos ang mga pinagsasabi niya dahil kaagad ko siyang ginawaran ng suntok sa mukha dahilan upang matumba siya sa sahig and instant knock-out siya. Napalakas ko yata ang suntok ko dahil nakatulog agad ang haliparot. Serves you well, bitch!

"Lyzza, tara na. Hayaan mong matulog ang pangit na 'yan diyan total ay bagay naman sa kanya ang matulog lang sa sahig.", sabi ko kay Lyzza na nakanganga pa rin.

"ANO ba kasi ang nangyari?", pag-i-interrogate ko kay Lyzza.

"Paano ba naman kasi eh bigla lang naman niya akong sinugod doon sa gym eh nag-aaral lang naman ako para exam natin bukas sa Philippine History.", sabi ni Lyzza.

I took a deep breath. Kahit medyo basagulera 'tong bestfriend ko, eh matalino naman ito. Oo nga pala, exam na namin bukas sa Philippine History. Final exams na namin dahil matatapos na second semester sa taong ito. Sa next na pasukan ay 4th year college na kami.

"Wait? Bago kita i-interrogate ulit tungkol sa nangyari kanina, natapos mo na ba ang assignment na pinagagawa ni Sir Aries sa atin sa Philippine History?", tanong ko kay Lyzza.

May assignment kasi na pinagagawa sa amin ng Prof namin sa history. Magsaliksik daw kami ng mga lumang lugar dito sa Pilipinas at alamin ang history nito. Kaso, nabago ang mechanics ng assignment. Binigyan na lamang niya kami ng mga pangalan ng mga lugar at 'yun ang isasaliksik namin. By partner kasi kaya kami ni Lyzza ang partner. Kaso, nahirapan kami sa lugar na binigay ni Sir Aries.

Recordando El Pueblo De Estonina (Remembering Pueblo De Estonina)Where stories live. Discover now