Pueblo 2

38 2 1
                                    

"AKO ba ang hinahanap niyo, mga itinakda?"

Halos lumabas ang kaluluwa naming dalawa ni Lyzza nang makarinig kami ng isang boses mula sa aming likuran. Napahawak sa dibdib niya si Lyzza samantalang ako naman ay napasinghap. Nang lingunin namin ang pinaggalingan ng boses ay ganun na lamang ang pagkagulantang ko nang malaman ko kung kaninong boses 'yun.

Si Mrs. Avelino lang pala. At mukhang seryoso ang mukha niya as usual. Well, weird pa rin naman siya. Nakapusod ang medyo puti na niyang buhok at nakasuot siya ng malaking salamin at kulang na lang ay sakupin ang buong mukha niya. Malalaki ang mga mata niya pero hindi ko naman masasabing hindi bagay sa kanya. Sa unang tingin ay aakalain mong istrikta itong si Mrs. Avelino at talagang matatakot ka sa kanya. Weird rin kasi siyang manamit eh.

Nakasuot naman siya ng prescribed uniform ng mga staff ng Vonmojar University pero ang pinagkaiba nga lang ay naglalagay siya ng panuelo sa kanyang balikat at medyo mahaba ang kanyang manggas. 'Yung tipong niluwagan siya na abot lagpas ng kanyang siko. Mahaba rin ang palda niya na halos lampas na sa tuhod at malapit nang humalik sa kanyang talampakan. Aakalin mong para siyang nabubuhay noong unang panahon. See? Weird talaga itong si Mrs. Avelino. Pinaglipasan na yata siya ng panahon.

"K-Kayo lang po pala, Mrs. Avelino. G-good morning po.", kaagad na bati ko sa kanya pero ang totoo niyan, kinakabahan ako sa kanya.

"Good morning din po,", bumati naman sa kanya si Lyzza.

"Bakit tila parang kinakabahan kayo?", seryosong tanong sa amin ni Mrs. Avelino.

"Hindi po. Nagulat lang po talaga kami.", bawi ko. Baka mamaya niyan, ilabas niya ang kanyang mga orasyon at gagawin kaming palaka ni Lyzza.

Hinagod niya kami ng tingin ni Lyzza at sinuri kami mula ulo hanggang paa. Geez! Nakakatakot talaga siya.

"Bueno. Hali kayo't sumunod kayo sa akin.", wika niya tapos tinalikuran na niya kami at nagsimula na siyang maglakad. Nagkatinginan muna kami ng bestfriend ko saka sumunod sa kanya.

Huminto naman si Mrs. Avelino sa isang pintuan. Mukhang opisina yata niya. Binuksan niya ang pintuan at sabay kaming tatlo na pumasok. Pagpasok namin ay hinagod ko ng tingin ang kabuuan ng opisina niya. Classic ang style at awra ng opisina na ultimo'y aakalain mong pumasok ka sa isang silid noong panahon ng mga Kastila. Ang kisame ay gawa sa kahoy at may nakasabit na 'di kalakihang chandeleir. Ang mga gamit ay makaluma din. Ang mga sofa ay gawa sa kahoy at rattan pati na ang mga silya. Ang mini-table naman ay gawa rin sa kahoy pati ang front desk ni Mrs. Avelino. May mga paintings pang nakasabit sa mga dingding. Sa front desk niya ay may signage. Buong pangalan ni Mrs. Avelino.

Marcelina Corazon L. Avelino

Librarian

"Umupo kayo", sabi ni Mrs. Avelino.

Umupo naman kami ni Lyzza sa dalawang magkaharap ng silya sa harap ng front desk. Nakita kong naglakad papunta sa isang bookshelf si Mrs. Avelino at may kinuha siya doon.

Isang libro.

Baka Book of Spells 'yung kinuha niya at pag-aaralan niyang mabuti kung paano niya kami isusumpa ni Lyzza ngayon din. Iniisip ko pa lang kung isusumpa niya kami, gawin na lang niya akong pusa. Syempre 'yung cute na pusa para meron akong siyam na buhay. Chos lang! Ang wide ko naman kung mag-isip.

Napatayo kami ng tuwid ni Lyzza nang makita naming tumutungo na siya sa direksyon namin at mukhang pupunta na siya ngayon sa kanyang desk. Feeling ko pinagpapawisan na ako ng bonggang-bongga. Sus kung hindi lang talaga sa assignment na 'yun ay hindi talaga ako makikipag-usap sa weird na matandang hukluban na'to. Nakakatakot talaga siya.

Recordando El Pueblo De Estonina (Remembering Pueblo De Estonina)Where stories live. Discover now