Recordando El Pueblo De Estonina

45 2 0
                                    

Labis na nawindang ang mundo ng magkaibigang Kyle at Lyzza dahil sa isang group assignment or let's just say by-partner assignment na binigay sa kanila ng History Professor nila. Sila ay nakatakdang magsaliksik sa isang makasaysayang lugar- ang Pueblo De Estonina. Subalit mukhang napaglipasan na ng panahon ang nasabing lugar dahil maski sa internet or any related articles ay walang Pueblo De Estonina. Mukhang ginogoyo yata sila ng History Professor nila. At upang mahanap ang kasagutan sa kanilang tanong ay nag-time travel sila- nang hindi sinasadya ngunit sinadya ng tadhana. Ano 'yun? 'Di sinasadya tapos sinadya? Ginogoyo rin yata kayo ng author eh. Hahahaha. 

Well anyways, napadpad sila sa taong 1886. You got it right. Year 1886. Panahon ng mga Espanyol kung saan buhay na buhay ang place of interest nila, ang Pueblo De Estonina. From year 2019 to 1886 real quick. Napadpad sila sa sinaunang panahon upang maisakatuparan ang isang misyon na isandaan at tatlumpu't tatlong taon ring hinintay ng kapalaran- at ito ang ibalik sa kasaysayan ng Pilipinas ang Pueblo De Estonina pero sa ibang identity- at hindi sila sina Kyle Henry Rueda at Lyzzabelle Marie Sandoval ng taong 2019, kundi sila ay ang magkapatid na sina Jose Ignacio Valderama at Maria Isabella Valderama, ang evil siblings ng 1886 na it happened na kamukhang-kamukha nila. Lahat ng tingin ng tao sa kanila sa panahong 'yun ay may galit sa kanila. Pero hindi sila 'yun. Mukhang mahihirapan pa silang makihalubilo sa mga sinaunang tao. 

At sa pamamalagi nila sa taong 1886 ay makikilala nila ang sinaunang tao. Una, si Gabriel, ang super hot at oh so yummy na may malaking galit kay Jose Ignacio dahil naniniwala siyang si Jose Ignacio ang pumaslang sa kanyang kapatid, dahilan upang maipit si Kyle sa sitwasyon. Hindi rin naman niya pwedeng sabihin kay Gabriel na hindi siya si Jose Ignacio dahil hindi rin ito maniniwala sa kanya. Kung bakit pa kasi kamukhang-kamukha pa niya ang evil na baklush na 'yun. Sa huli, mapoapatunayan kaya niyang hindi si Jose Ignacio- o siya ang pumaslang sa kapatid nito?

Si Lyzza naman ay makakatagpo si Damian, isa ring super hot and oh so yummy na sa tingin niya'y inlavavo  kay Maria Isabella, ang evil witch na kamukhang-kamukhang niya. At dahil nga sa magkamukha sila, napagkamalan siyang si Maria Isabella ni Damian sa unang pagkikita nila. And the two modern people ay naiipit sa sitwasyon ng nakaraan. Magtatagumpay kaya sina Kyle at Lyzza sa misyon nila?

Recordando El Pueblo De Estonina

Copyright: 2019 by MikeSuazo

NO COPYRIGHT INFRINGEMENT

Recordando El Pueblo De Estonina (Remembering Pueblo De Estonina)Where stories live. Discover now