Pueblo 3

59 3 3
                                    

1886

PARA kaming nanigas sa kinatatayuan namin ni Lyzza. Seriously? Nasa taong 1886 kami?

"Manong, nagbibiro ka ba? Papa'nong naging 1886 ang taon ngayon eh 2019 na kaya.", reklamo ko. Para kasing ginogoyo kami ng manong na'to. Masyadong excited sa Buwan ng Wika.

"A-Anong twenti nayntin?", naguguluhang tanong sa amin ni manong.

"Ang ibig ko pong sabihin ay taong dalawang libo at labing-siyam na po ngayon, hindi po isang libo walong daan at walumpu't anim.", dagdag ko pa.

Tila parang na-weirduhan sa amin si manong.

"Tila parang nagkakamali kayo ginoo at binibini. Taong isang libo walong daan at walumpu't anim talaga ang taon ngayon. Papa'no naging taong dalawang libo at labing-siyam ngayon eh hindi pa nga dumarating ang taon na 'yan at sa tantiya ko ay mahigit isang daang taon pa ang lilipas bago dumating ang taon na 'yan.", bulalas ni manong.

Nagsimula na akong kabahan. Paano nangyari 'to? Paano kami nag-time travel?

"Lyzza, parang may mali eh.", binalingan ko si Lyzza na hindi rin makapaniwala.

Hindi na namin pinansin 'yung manong at kaagad kaming napatakbo. Hindi ko alam pero parang nanindig ang mga balahibo ko. Ibig sabihin ay nandito kami ngayon sa panahon ng mga Espanyol? Na kung saan marami sa ating mga kababayan ang dumanas ng kalupitan at karahasan ng mga mananakop? Ang panahon kung saan hindi pantay-pantay ang karapatan ng bawat isa? Kung saan marami ang nag-aaklas laban sa pamahalaan? Na kung saan ang sistema ng hustisya sa Pilipinas ay hindi makatarungan? Mygosh! I can't believe this! Gusto kong maiyak. Natatakot ako sa panahong 'to.

Sa kakatakbo namin ay narating namin ang parang isang arko.

Bienvenido A Pueblo De Estonina

'Yun ang nakalagay sa arko. So ibig sabihin, hindi nagbibiro 'yung mama? Nasa Pueblo De Estonina nga talaga kami?

"Mygosh Kyle! Anong kababalaghan 'to? Bakit nandito tayo sa bayang wala na sa Philippine History?", gumagaraltal ang boses ni Lyzza.

Parang nanuyo ang lalamunan ko. Tiningnan ko ang wristwatch ko. Alas kwatro na ng hapon. Kinuha ko naman mula sa bulsa ko ang cellphone ko. Buti na lang dala ko ang pocket wifi ko. Pero lalo akong na-shock nang makita ko ang date sa cellphone ko.

4:00 PM

March 3, 1886

"L-Lyzza, tingnan mo rin ang date sa cellphone mo.", gumagaraltal na rin ang boses ko.

"What the actual fuck?! March 3, 1886? Kyle! Ano bang nangyayari?!", maiyak-iyak na si Lyzza.

I'm still gasping. Hindi uma-absorb sa utak ko ang mga nangyayari. Para kaming pinaglalaruan. Pa'no kami napunta sa panahong ito?

Nagpatuloy nkami ni Lyzza pero this time ay lumakad na kami. Palinga-linga kami sa paligid. Maraming tao. Mga sinaunang tao. Maraming dumadaan na mga kalesa, mga kababaihang naka-baro't saya, mga lalakeng naka-barong tagalog at 'yung iba naman ay nakasuot ng camisa de chino. Ang mga bahay naman ay gawa pa sa kahoy. 'Yung mga bintana ay gawa pa sa capiz.

Alam kong pinagtitinginan na kami ng mga tao dito. Ibang-iba kasi ang kasuotan namin ni Lyzza.

"¿Quienes son? ¿Por qué tienen ropa diferente?" (Sino sila? Bakit iba 'yung kasuotan nila?).

"Se ven como extraños" (Para silang mga dayuhan).

"Creo que no son del Pueblo De Estonina" (Mukha hindi sila tagarito sa Pueblo De Estonina)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 26, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Recordando El Pueblo De Estonina (Remembering Pueblo De Estonina)Where stories live. Discover now