Moving on

210 0 0
                                    

Mula sa garden nakita niya ang paghatid ng ngayon tatawagin na niyang ex husband,masaya naman sila,wala naman siyang nakitang pagpapanggap o anuman mukha naman mahal niya si Amanda,sa mga titig nito at gigil nito sa kanya.

Paano naman yung sa kanya? Ang lahat ng iyon kasinungalingan lang pala,isa lang akong kati na dapat kamutin, ang akala ko mamahalin din ako pero isang maling akala lang pala iyon,dapat noon ko pa tinanggap ang katotohanan na kahit kailan hindi ako kayang mahalin ni Ariant. Ito ang mga naglalaro sa isip niya sa mga oras na iyon,wala siyang gustong gawin kundi umalis na lang at hindi na magpakita sa kanila,ito nga ang una niyang gagawin bukas na bukas din.

Isang gabi ang nagdaan ngunit tila ilang taon ang tagal nito bago dumating ang umaga,hindi nakatulog si Che ng maayos,sa dami ng iniisip,saan nga ba siya pupunta,uuwi ba siya sa mg magulang niya?o magpapalipas muna siya ng nararamdaman bago harapin ang kinabukasan na walang kasiguraduhan.

Ayaw niyang idamay ang pamilya sa kanyang kalungkutan, napagdesisyonan niya na manatili muna sa isang lugar kung saan payapa at maaring kalimutan ang dapat kalimutan.

Madaling araw ng bumaba siya mula sa kanyang kuarto bitbit na niya ang isang bag na damit ang laman,hindi niya alam kung saan pa siya papunta,alam lang niya gusto na niyang umalis dito sa lugar na ito, bitbi ang pasaporte niya na laking pasasalamat niya at dahil maipluwensiya ang pamilya ng dating asawa ay naging diplomat na ang hawak nitong passport,may roon din siyang kahit papaano naitabing salapi suweldo niya sa pag papart time sa wine factory.

Lahat kasi ng natanggap niya mula sa divorce settlement ay binigay niya sa mga magulang niya inilaan niya sa kani kanilang bank account.

Unti unti niya itong binuksan ang pintuan ng may marinig siyang boses,ang ex mother in law niya,gising na ito." Che,where areyou going anak?"malumanay na tanong nito. " Mother",hinrap niya ang kanyang mother in law." I don't know,far from here,as soon as possible",sagot niya. Sa lahat lahat ang mother in law niya ang unang unang nakakaintindi ng punagdadaanan niya ngayon,kahit kailan nakasuporta ito sa kanyasimula pa lang,kaya ang laki ng respeto at pagmamahal niya dito. "I'm sorry for what he did to you, I have no idea that he is going to do that,"paliwanag ng in law niya.

Nagyakapan sila at nagpaalamanan sa isat' isa,bago siya lumabas ng mansyon sumaglit ang in law niya sa kanyang study nang bumalik ito ibinigay ito sa kanya ang isang papel na may nakasulat na address,

"They can help you, I will not tell a single soul, I promise."pangakong binitawan ng in law niya,nagpasalamat na ito at naglakad na siya palabas ng mansyon,palabas ng gate kung saan nag hihintay na ang sasakyan na maghahatid sa kanya sa may sakayan ng tren, mabuti na lang at nakausap niya kagabi bago umalis ang kanilang kasambahay at pumayag na ihatid siya.

Hindi niya alam kung paano mapupuntahan ang lugar na iyon kaya nag tanong siya sa security na mabuti na lang at marunong mag ingles. Ito ay malayong lugar na kailangan sumakay ng tren at pag karaan ay bus, naintindihan niya ang binigay na direksyon sa kanya at bumili na ito ng ticket patungo sa lugar na malayo kay Ariant.

Napadami ang inum ni Ariant kagabi kaya tanghali na ito ng magising, agad bumaba ito para kumain dahil kumakalam na ang sikmura nito. Nadatnan niya ang kanyang mama sa hapag kainan kasama si Kim at pinaguusapan ang kanyang schedule ng araw na iyon. Kulang ang tao napansin niya wala si Che,nag babad na naman sa factory isip niya.

Kumain sila,habang nagkwentuhan about sa kanilang bussiness,ngunit hindi pa din dumating si Che,nagtaka ito,gusto niyang magtanong pero hinayaan na lang niya dadating siya kung kelan niya gusto sabi na lang nito sa sarili.

The Ex WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon