Chapter1
My name is Christine Samantha Guivarra, a 3rd year student from National Teachers College. And no, I’m not taking up Education. I’m a Bachelor of Science Business Administration student, oha! Ang haba ‘no? BSBA nalang for short. Kung nagtataka kayo kung paano naging madrama ang buhay ko, malalaman niyo rin yun, soon!
“Hey baby, how was school?” wag kayong excited dahil si mommy yan. I don’t have a boyfriend. Ewan ko ba kung bakit hanggang ngayon ay wala paring pumapasa sa’kin, eh may itsura naman yung mga nanliligaw sakin. Maganda naman ako, mabait, nasa highest section, ano pa bang kulang? Heto nanaman ako. I always overreact kapag nababanggit ang usapang boyfriend. Ako nalang kasi ang wala pang boyfriend sa aming magkakaibigan.
“Okay lang po, mmy. Nothing new.” I smiled.
“Oh magbihis ka muna para makakakain na tayo. Ipapatawag nalang kita kay Manang pag ready na ang dinner.” I ran up to my room to take a quick shower. Bago ako bumaba, nagonline muna ‘ko. I received a message from Jacob. Wala akong boyfriend pero that doesn’t mean na bawal na ‘kong magentertain ng guy. I like him, but not that much. Pa-demure muna ‘ko, siyempre.
“Hi Chris!” he said.
“Oh hi.” I said, nililigawan ako nito pero hindi ko pa siya sinasagot kasi baka hindi pa siya yung ‘the one’ for me. Although he is a hunk, varsity player, and most of all, My dream guy. High school palang ako, may gusto na ko sakanya. Pero baby sister lang daw yung tingin niya sa’kin nun. Ewan ko ba kung anong nangyari sa kanya at isang araw ay nainlove siya sa kagandahang taglay ko.
“Tinatawagan kita kanina, pero busy yung line.” he said. Kausap ko kasi si Mommy kanina sa phone! I said in my mind. Mapagtripan nga ‘tong kupal na ‘to.
“May kausap ako kanina eh. Sorry”
“Sinong kausap mo? Lalaki?” Whooaaa nangangamoy selos! I chuckled.
“May problema ba dun?” I can’t help but giggle over this shit.
“Ah, wala naman.” He said. Waaah! Kulang nalang ay magtatatalon ako dito sa sobrang kilig. Bwisit na to! May paselososelos pang nalalaman, eh hindi nga marunong manligaw. He only talks to me through chat or kapag pumupunta siya dito sa bahay. His mom is friends with my dad. They’re business parters, actually.
“Teka, nagseselos ka ba?” I asked.
“Bakit, bawal ba?” OH MY GAHD! Ang puson ko! Ay este, puso pala. Ang puso ko! Baka lumabas na sa sobrang lakas ng kabog!
“Bakit? Tayo ba?” Waaahhh my goodness! Grabe na ‘toooo! Ang landiiii! “Sorry.” Aba? Mageffort ka kasi! Ang torpe naman nito! “It’s fine. :)” hindi ko na siya hinintay na magreply dahil tinatawag na ‘ko ni Manang.
~*~
Isang linggo nang hindi nagpaparamdam si Jacob. Kahit isang text o missed call, wala. Ano kayang nangyari dun? Siguro naaksidente at natuluyan na. That would be awesome dahil nabi-bwisit ako sa kaniya. PAASA! Ayoko namang ako yung gagawa ng first move kasi baka isipin niyang atat na atat ako na makausap siya. I’m not that kind of person. May dignidad naman ako, ‘no!
Kasalukuyang kumakain kami ng mga kaibigan ko sa cafeteria ng school. Ang cafeteria na mukhang restaurant. “Ano guys? Tuloy ba tayo sa Enchanted?” Elisa said, she’s my bestfriend. “Tara, go ako. Kayo?” I said. Kahit gaano kalaki pa ang gastos, keri ko. Kailangan ko lang talaga ng mapaglilibangan dahil naii-stress ako kay Jacob. Ilang araw din akong ‘di makatulog dahil sa kaniya ah!
Nag-usap usap muna sila kung sino ang sasama at sino ang hindi. At napagdesisyunan nila na sumama lahat. Parang tanga lang sila kasi papilit-pilit pa. Most of us are in a relationshit. Ay, relationship pala, sorry na?!--Ako na talaga ang ampalaya! Nakaka-GRRR!-- Tulad nila Joyce at John Rey, Leslie at Karl, Lovely at Laurence, Elisa at Lloyd. Ang dami ‘no? Idagdag mo pa si Ella , AJ, Casey, at ako na pareparehas single.
Ella and AJ are bestfriends kaya medyo imposibleng maging sila. Kami naman ni Casey, bihirang bihira kaming mag-usap. Tahimik lang kasi siya at pag ako ang kausap niya, parang ‘di siya komportable. Pero sinusubukan ko namang maging close kami eh. Kaso parang ayaw niya. Kung ayaw niya, edi wag. Nawawala kasi yung pake ko eh.
Naramdaman ko ang cellphone ko na nagvibrate sa bulsa ko, tinignan ko kung sino ang tumatawag. Oh? Buhay pa pala ‘tong kupal na ‘to.
“Oh, buhay ka pa pala, Jacob.”
“Oo naman.”
“Ah, akala ko nabundol ka ng 10 wheeler at natuluyan na kaya hindi ka nagparamdam ng isang linggo eh. Sorry.” I heard him laugh, “Ano ka ba? Grabe ka sa’kin ah. Sorry na.” Gusto kong sabihing, May magagawa pa ba ‘ko? Eh kausap na kitang hayup ka! Pero pinigilan ko ang sarili ko. “Oo na. Bakit ka pala tumawag?” He didn’t answer. Para bang nag-iisip siya ng kung ano’ng sasabihin niya. “Hmm, Chris, I need your help. Please?” Aba? Tatawag kasi may kailangan. Pota edi wow! “What do you need?” I said coldly. “Tulungan mo naman ako na gumawa ng surprise para kay Belle oh,” Loko to ah! Sino yang Belle na yan?! “Sino yun?” bakas sa pananalita ko ang pagka-irita.“Nililigawan ko.” NILILIGAWAN? Eh gago pala tong dugong na ‘to eh! Akala mo naman kung sinong gwapo! Leche! Mamatay ka nang paasa ka!
“Ah, teka lang ah, may mas importante pa kasi akong gagawin eh.” At in-end call ko na. Ayokong marinig ang boses niyang gago siya. Naiirita ‘ko. Pakiramdam ko ay umasa lang ako sa wala. Tarantado yun, Tapos akong pakiligin ay may liligawang iba? Nag-iinit ang dugo ko! Bwisit!
Sa sobrang asar ko, hindi ko sinasadyang napalo ng malakas ang lamesa. “Oh, okay ka lang Chris?” tanong ni Joyce sa’kin. I sighed deeply then cleared my throat, “I don’t freakin’ know.” Seryoso kong sagot. Lahat sila ay nakatingin sa’kin. Pati na rin ang ibang tsismoso at tsismosang studyante sa ibang lamesa. Jeez! I hate too much attention.
“You can tell us what it is, we will help you.” Ayokong sabihin sa kanila kasi baka asarin ako nila Laurence. At ako nalang ang nag-iisang babae sa grupo naming na hindi pa nila napapaiyak dahil sa pang-aasar. I don’t cry often, pero pag umiyak ako, one thing’s for sure, I’m broken. “No, I’m fine.” I smiled. “Guys, una muna ko ah. I think I need some time alone.” tumayo na ‘ko at naglakad patungo sa School Garden.
I sat on one of the benches then placed my hands on my face with my elbow on top of my legs. Feeling ko ang tanga tanga ko! Bakit ba kasi sobrang affected ako? Hindi dapat ako nagkakaganito! He’s not worth it. He’s an asshole. I heard footsteps coming close to me. Inangat ko ang ulo ko at doon ko na-realize na tumutulo na pala ang mga luha ko. Oh my gosh! I’m actually crying for that guy! This can’t be! Tinitigan ko lang ang lalaking nakatayo sa harapan ko. He smiled and handed me his handkerchief . “Thank you.” I smiled. He sat beside me and didn’t say a word.
“Anong ginagawa mo dito Casey?”
Magmag♥