Chapter 3
I stared at him with disbelief painted on my face while he just smiled there like an idiot. Para kaming tanga dito kasi ang layo ng tingin niya at ang lapad ng ngiti niya samantalang ako naman ay nakatitig lang sa kanya. Shit ka Casey, bakit ang gwapo mo! I thought. Grabe, di ko mapigilang mapangiti. “Oh, baka mainlove ka naman sa’kin niyan. Easy-han mo sa pag titig.” He laughingly said. I tiptoed, our face was inches apart. “Alam mo Casey,” I said in a sexy voice. “Ang kapal kapal kapal kapal ng mukha mo.” Sabi ko at binatukan siya. Nagtawanan kami ng sobrang lakas, dahilan para pagtinginan kami ng mga tao. “Nakakahiya kang kasama.” Sabi ko habang naglalakad kami. “Wow ah? At ako pa talaga ang nakakahiya. Samantalang ikaw nga ‘tong kung makatawa eh, parang hindi babae.” He retorted. “Aba, okay nga yun eh. Hindi pabebe, hindi maarte. Di tulad mo, kalalaking tao, pabebe.” Sabi ko sabay belat. “Ewan ko sayo. Ang bitter mo sa ‘kin.” He laughed. Siraulo talaga tong kupal na ‘to. “Ako pa ang bitter? Ikaw kaya yun, hindi mo kasi maamin na may crush ka sa ‘kin.” This time, ako naman ang tumatawa. Grabe kasama ‘tong si Casey. Sasakit tang tiyan mo sa kakatawa, hindi dahil sa mga jokes niya kundi dahil sa ka-cornyhan niya. “Teka, kanina pa tayo lakad ng lakad dito, nasan na ba sila?” I asked. Kanina pa kasi kami kulitan ng kulitan dito, eh kanina lang nanjan sila sa likod namin. Biglang nawala. :3
“Oo nga ‘no? Teka nga tatawagan ko.” He said as he pulled his phone from his pocket then started typing names on his contacts. “Hello,” he said with his phone against his ear. “Nasan na kayo?” Para ‘kong aso dito na naghihintay dahil nakatango lang ako sa kanya habang siya ay nakapamewang sa harapan ko.
“Ano? Bakit?” he yelled. Makasigaw? Wala sa public? Leche to. Tinapik ko ng malakas ang braso niya, “Ano na?” I mouthed but he ignored me. I rolled my eyes heavenward then said, “Put it on speaker.” At ni-loud speaker niya naman.
“Hoy mga kupal! Nasan na kayo? Bakit bigla bigla kayong nawawala? Leche kayo! Nangiiwan kayong mga hayup kayo!” sunod-sunod kong sigaw. “Teka lang, easyhan mo Chris. Busy kasi kayo sa kakatawa at nakalimutan niyo yata na kasama niyo kami kaya umalis nalang kami. Nakakahiya naman kasi sainyo eh.” It sounded like Joyce. Argh! So, kami pa ang may kasalanan?
“Nasaan kayo? Susunod kami diyan.” I said. Siguro mga limang segundo bago sila sumagot, “Secret, walang clue.” Si Ella naman ngayon ang nagsasalita. Ano ba ‘tong mga ‘to! May sapak ata sa ulo. “Ano ba? Seryoso ko!” I yelled. Bakas sa boses ko ang inis. “Seryoso din kami.” Sigaw ni Lloyd.
Eto namang si Casey, natatawa tawa pa ang hayup! Lecheng ‘to. Pinagtitripan ata ako nitong mga ‘to ah. I rolled my eyes, “Shit kayo! Alam niyo yun?!” I said. “Give the phone to Casey, dali na Chris.” Elisa said. Wala naman akong nagawa dahil si Casey naman talaga ang may hawak ng phone. In-off speaker niya ang phone at inilagay ulit ito sa tainga niya.
Pagtapos niyang makipag-usap sa telepono ay ngumisi siya sa ‘kin. “Anong nginingisi-ngisi mo diyang kupal ka?” I asked then crossed my arms. “Tara, kain muna tayo.” Aba, anong shit ‘to? “Ano yun? Parang walang nangyari?” hindi na siya nagsalita at hinatak ako papunta sa Sbarro. “Teka, dito talaga tayo kakain?” I asked.
“Bakit, ayaw mo ba?” He asked. “Okay lang.” I said. He dragged his arm around my shoulder as we entered the restaurant. Pagkatapos naming kumain ay naglakad lakad muna kami sa mall. “May gusto ka pa ba puntahan, o gusto mo umuwi na?” Magse-seven o’ clock na rin kasi. “Hmm, daan muna tayong bookstore. Maghahanap lang ako ng bagong magandang libro.” I said. May pagka-bookworm din kasi ako. At na-adik na ‘ko sa amoy ng mga libro, lalo na yung mga bagong bukas palang.
I bought 3 new books, “Ako na magbubuhat niyan.” Casey said. “Thanks.” At naglakad na kami palabas ng mall. “Hatid na kita. May dala naman akong kotse eh.” He said. Sari-sariling ride kasi sila kanina at hinatid lang ako ng driver namin dito. “Wag na, magta-taxi nalang ako.” I said.
![](https://img.wattpad.com/cover/25261361-288-k946691.jpg)