Chapter 2

12 0 0
                                    

Chapter 2

“Are you okay?” he asked. “Do I look like I’m okay?” I asked in return. He chuckled before saying, “Ang saya mo nga tignan eh. Parang wala kang problema sa buhay.” I sighed. “No, seriously, I will listen. Whatever your problem is, I’m here. I’ll help you.”

“Thank you.” I faked a smile. “Bakit mo ko sinundan?” I continued. He glanced at me, “Kasi alam ko na kailangan mo ng kaibigan.” Whooaa kaibigan pala ang turing mo sa’kin? “Alam nilang sinundan mo ko?” I asked. “No, ang alam nila ay magc-CR ako.” Ang benta ng excuse mo ah! I chuckled. “Bakit mo ko tinatawanan?” he asked. Bakit nga ba ‘ko natatawa? Eh di naman siya nagpapatawa eh. Nababaliw na ata ‘ko! Haszxc Jacooooob! Iuuntog ko talaga yang ulo mo kapag nakita kitang hinayupak ka!

“Wala, I can’t believe you’re actually talking to me.” He arched a brow, shit, gwapo pala siya. Those dark brown eyes, I might melt. “Bakit? Kinakausap naman kita ah?” wow ah!  “Oh? Sa lahat nga ng TTC, ako lang ang di mo pinapansin eh” I rolled my eyes heavenward.

“Ay, nahihiya kasi ako sa’yo eh. Sorry ha.” He said. Nahihiya? Bakit nahihiya sa ‘kin ‘to? I arched a brow, “Bakit ka nahihiya? It’s not like I’m a stranger.” I asked in disbelief.—Stranger ba talaga ang turing sa’kin nito?-- “Ewan ko? Siguro kasi parang ang hirap mo maging kaclose.” What? Baliw ata ‘to eh. “Huh? Eh ang kulit-kulit at ang ingay ko nga kapag magkakasama tayo eh.” That’s true. Ako ang pinaka-hyper kapag kasama ko sila.

“Ewan ko talaga. Basta nahihiya ako sa’yo.” He smiled. “We’re friends na naman ‘di ba?” he said. “Matagal na tayong friends ‘no! Ikaw lang naman tong pabebe eh.” He laughed. “Bakit ka ba umiiyak kanina?” He asked out of nowhere. Sasabihin ko ba? Tingin ko kailangan ko ng masasabihan eh.

“Mayroon kasing gagong nagpa-asa sakin. Sa ganda kong ‘to? Papaasahin niya lang akong tarantado siya.” Sa sobrang asar ko kay Jacob, napapamura ako ng wala sa oras. “Grabe, baka sakin mo naman mabuhos yang galit mo ah. Wala akong ginagawa sa’yo!” he said, laughing. May pagka-siraulo din pala ‘tong kumag na ‘to eh. I chuckled, “Sorry, naiinis lang kasi talaga ‘ko sa sarili ko eh.” Naging seryoso ang itsura niya at tinitigan lang ako. Grabe naman ‘to makatitig! Wala nang bukas? Pistiii! “Why are you staring at me?” sabi ko. He tilted his head, parang ine-examine niya yung mukha ko. Shit, nakaka-conscious naman ‘to tumingin! Ngayon ko lang napansin na pogi pala siya.

“Maganda ka naman ah, you’re funny in your own stupid ways, matalino, mayaman, sikat, bakit ka niya kailangang paasahin? Wag kang mainis, kasi hindi naman ikaw yung nawalan eh. Kung may nawalan man sainyo, siya yun. Tanga siya at pinakawalan ka pa niya.” Woaaah! Grabe naman to! Ang deep! I smiled,

“Ang tanga ko kasi eh, umasa ko.” I said. He stared at me which made my cheek turn red. “Hindi ka tanga. Naniwala ka lang. Naniwala ka sa mga sinasabi niya.” I rolled my eyes heavenward. “Edi tanga nga! Anong tawag mo dun?” I retorted. “Hay naku, Kahit anong sabihin ko, may sagot ka din.” He said. “Basta hindi mo dapat siya iniiyakan. Hindi dapat babae ang umiiyak dahil sa lalaki.” Ang lawak naman ng isipan nito. “Yan na, wala na kong masagot sa’yo ah! Panalo ka na.” I said. He laughed, bihira siya tumawa pag buo ang TTC pero bakit parang ang happy niya ngayon at tawa siya ng tawa.

“You’re a really cool girl, Samantha” He suddenly became serious. Ano ba ‘to, parang babae, may mood swings. I smiled. “Thank you.” I said as I stood up. “Tara, balikan na natin sila dun.” I said then I reached for his hand.

~*~

“Okay guys, five-minute break muna.” Kuya Kevin, our choreographer, said. Unahan kaming umupo sa nag-iisang sofa na nakalagay sa basement kung saan kami nagpapractice ng Interpretative Dance para sa Foundation Month ng school namin. At dahil malapit lang ang pwesto ko sa sofa ay nakaupo agad ako. Tinabihan ako ni Casey. Simula nung sinundan niya ‘ko sa garden ay naging close na kami. Parang siya na nga ata ang pinaka-bestfriend ko sa lahat ng boys sa TTC.

Unsweetened Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon