"Ang booooring!"
Matapos ang halos dalawang oras ng pagso-scroll sa FB, binaba ko ang phone ko at tinitigan ang kisame ng kwarto ko. Gusto ko gumala, kaya lang wala naman akong kasama. If I remember correctly, may lakad si Ollie kasama yung pamilya niya (nagpunta ata sa probinsya?) at si Ari naman, ayun. Hindi kami masyadong nagchichikahan, pero base sa mga post niya, mukha namang nagsasaya sila nung Cyriel na yun. May picture nga sila na magkasama eh.
Hmm, teka nga...
Grabbing my phone, I went back to Ari's post and checked if Cyriel was tagged in it, and it turned out he was. Pumunta ako sa profile niya (I'm not stalking, dammit!) at tinignan ang mga recent posts niya. Hah, hindi naka private ang mga posts ah. Lucky strike ata 'to, makakakuha ako ng chismis!
---
Cyriel Claridad (クラリダッド•シャイリエル)
28 April at 1:43 pm
天使に見守られている❤️👼
See translation
---
Tapos may picture ni Ari na nakangiti tas tamang tama yung sikat ng araw sa likuran niya, parang nilagyan ng filter... ang ganda naman!
Tinignan ko yung translation nung post at hindi ko mapigilang mapairap sa mensahe nito.
Watched by an angel❤️👼
Like, gusto kong matawa sa sobrang korni at sobrang cheesy! Sa bagay, mukha ngang anghel si Ari sa pic, pero... really, Cyriel? Ganun kalakas ang tama niya?
Wala na kong ibang makita sa posts maliban sa pagrereklamo niya tungkol sa school niya sa Japan (ang gondo ng uniform nila, in fairness!) at mga one month ago, ang tungkol sa pag-uwi niya dito sa Pinas. Other than that, puro mga game related posts at memes.
Inexit ko na yung FB ko nang biglang nagkaroon ng incoming call na galing kay Ari, kaya agad ko ito sinagot. "Ari?"
[Ni! Long time no... er, chat?]
Bumangon ako at sumandal sa headboard ko. "Kamusta ka na? Okay ka lang ba?"
[Oo naman! Eto, being a good host to Drei.] There was a short pause before she continued. [Ikaw ba? What's up with you?]
Kinagat ko yung dila ko dahil gustong gusto ko ikwento sa kanya ang tungkol sa kain namin sa labas ni Ollie one week ago, kaya lang naisipan kong wag na lang. Baka kasi magtampo siya sa amin dahil hindi siya inimbita. At hindi ko naman kayang diretsuhin sa kanya ang mga pinagsasabi ni Shay tungkol sa kanya. "Wala. Ang boring nga ng summer ko eh."
[Ahh... talaga?]
"Oo. Pero ayos lang yun! So, ba't napatawag ka?"
[Gusto mo pumunta dito sa bahay? Bonding naman tayo, Nina. Tsaka para maka-catch up tayo sa isa't isa.]
My brows raised at her invitation. Wow, this is rare. Yung galing kay Ari na imbitasyon, I mean. Usually kasi, ako ang nagiinitiate eh. Parang good mood ata siya at may gusto siyang i-share sa'kin? Ano kaya yun?
"Sige ba!"
An hour later, I was standing in front of their mansion's gigantic gates as I waited for someone to answer the door. Excited na ko sa bonding time namin ni Ari!
Kaya lang, at the same time, medyo nagi-guilty ako. Kasi last week lang, kami ni Ollie ang nagsaya nang wala siya. Sa bagay naman kasi, kahit na malaman ni Ollie na nagbonding kami ni Ari, hindi naman siya magaalala o kung ano. Pero pag nalaman ni Ari na kami ni Ollie ang nagbonding...
BINABASA MO ANG
My Second Lead
Novela JuvenilIn every love story, there will always be two main characters, also known as the couple who will gallop off into the sunset after conquering all the trials and consequences that fate or destiny has thrown their way. Mayroon ding mga kontrabida na si...