Ilang beses kong tinitigan ang araw na sign ng weather app ko, tapos sa mga madilim na ulap sa labas. Bakit ganun? Kakasimula pa lang ng summer eh, tapos biglang uulan? The sun was still peeking from behind the clouds, but just to be sure, I grabbed an umbrella before leaving my room.
Bumaba ako at nakita ko si mama na nagluluto ng tanghalian, at si papa naman nanunood ng drama. Sa sobrang focused niya sa drama, hindi niya napansin na malapit na mapuno yung sinasalinan niyang baso ng kape.
Ipinatong ko yung payong ko sa upuan ko at kumuha ng ubas sa fruit basket namin. "Pa, yung kape mo."
Mukhang bumalik naman siya sa wisyo at tamang tama ay itinigil ang pagsalin. "Nga pala." Inilapag niya ang thermos sa mesa at napatingin sa'kin, kaya kumunot ang noo niya. "May lakad ka, Icha?"
Nang sabihin niya yun, natigil sa paghihiwa si ma at tumingin din siya sa'kin. Nginitian ko lang silang dalawa.
"Ah, opo pa. Punta lang ako kina Ari," Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi, tapos ay ganun din ginawa ko kay mama. "Ma, sorry, di ako makakapaglunch dito. Mauna na kayo ni pa."
"Okay lang, anak, ano ka ba." Hindi ko alam kung ako lang yun, pero napansin ko na parang bumagal ang paghihiwa ni mama. "Siya nga pala, nabalitaan ko kina Archie na uuwi yung kababata ni Arianne galing Japan?"
I paused midway from eating my grape when mama mentioned that. "Ahm, yes, nakarating daw po sila kaninang madaling araw. Sabi ni Ari ipapakilala niya sa'min ngayon."
Ma and pa looked at each other. Tila nanuyot ang lalamunan ko sa kinikilos nila. Am I in trouble? I mean, it's rare for pa to miss his favorite drama just to have a staring contest with ma. "May problema po?"
Ma set down her knife and took a seat, so I did too. "Icha, hindi naman sa ayaw naming makipagkaibigan sa kababata ni Arianne, pero sana mag-iingat ka doon ah? Lalo na't, galing siya ng Japan. Hindi natin alam kung anong ugali niya."
"Ma, hindi porket galing siya abroad, ibig sabihin nun masamang tao siya."
"Hindi yun ang ibig sabihin ng mama mo, nak." Pagsingit ni papa. "Eh kasi, paano kung inuwi siya dito dahil na-expel siya sa school niya? Paano kung basagulero yun? Alam naming kaibigan mo si Arianne, pero hindi ibig sabihin nun magiging mabait din sa'yo ang taong yun."
"I am aware of that, pa, ma," I quietly replied. "Hindi ko naman ineexpect yun. Actually, wala naman po akong ineexpect na mangyari eh. Isa pa, knowing Arianne and her family, sigurado naman ako na lahat ng mga kakilala nila karespe-respeto katulad nila."
Tumayo ako at pumagitna sa kanila, wrapping my arms around them. "Wag po kayong mag-alala, ma, pa. If the guy looks sketchy and untrustworthy, babawas bawasan ko ang pagpunta kina Ari, okay?" Pangako ko at hinalikan sila sa sentido. "Thank you for worrying."
"O sige. Mag-iingat ka anak." Ma squeezed my hand before letting go.
"Yes, ma. Oh, and pa? Tapos na yung drama niyo."
"Ay oo nga pala!" Agad na kumalas si pa sa yakap ko at ibinalik ang atensyon sa TV, na ang pinapakita na ay ang abangan ng drama niya. "Anak ng tupa! Hindi ko na nakita kung nahuli sila!"
We laughed at him as he dejectedly watched the credits roll.
***
"Ang tagaaaaal Nina ha!"
Huminto ako saglit para habulin yung hininga ko. Sa sobrang pangangasar namin ni ma kay pa tungkol sa drama niya, hindi ko na namalayan yung oras! Kaya ayun, nagmadali akong sumakay ng jeep at tumakbo papunta dito kina Ari. Hindi ko naman inakala na aagahan ni Ollie ang dating. Psh, palibasa kinakabahan ang loko eh.
BINABASA MO ANG
My Second Lead
Fiksi RemajaIn every love story, there will always be two main characters, also known as the couple who will gallop off into the sunset after conquering all the trials and consequences that fate or destiny has thrown their way. Mayroon ding mga kontrabida na si...