"Saan niyo gusto kumain guys?"
Inikot ikot ni Ari ang tingin niya sa bawat fast food chain at family diner na madaanan namin. She linked her arms with my right and Ollie's left, so nasa gitna namin siya. At kinakaladkad kami, basically.
Kahit na ilang araw na lang bago magpasukan, hindi na kami nakapaghintay at nagkita kita kaming tatlo dito sa mall para kumain at mag-shopping. Okay, so we kinda forced Ollie into the shopping part, pero pag hindi daw kasi siya pumayag, mafi-feel 'left out' siya, kaya um-oo na lang ang loko.
"Dapat kumain muna tayo. Kanina pa ko nagugutom sa biyahe." Kumento ni Ollie habang bumuntong hininga. "Kailangan ko ng energy para pag kinakaladkad niyo na ko mamaya sa mga shops na yan."
Ari playfully nudged him. "Awsus! Kung ayaw mo, edi dapat di ka na lang sumama para kami na lang ni Nins ang nag girls' out." I chuckled in agreement as she nudged me.
Oh, Ari. Basta pag dating sa'y, hinding hindi ka matitiis ni Ollie. Just one word from you, and you'll have his whole attention. Pero sa hindi malamang dahilan, hindi mo yun napapansin. Bakit kaya, when it's as clear as day?
Pabiro lang siya inirapan ni Ollie, but I didn't miss the way his eyes softened at her. Pero dahil naghahanap si Ari ng makakainan, hindi niya ito napansin. I fought the urge to laugh at their predicament.
Hay. Itong dalawang ito talaga.
Why can't they notice it, but I can?
Naisipan namin na kumain sa isang family diner, at nang ni-lead kami ng waiter sa isang table, nauna na kong maupo. For some reason, Ari sat on the opposite side, which sort of leaves Ollie in an awkward situation.
Part of me wished that he'd sit next to me, pero sigurado ako na mas pipiliin niyang maupo sa tabi ni Ari. Kasi hello, ito na yung chance niya, papakawalan pa ba niya? I grabbed a menu and handed it to Ari, and I was about to hand Ollie another when I noticed him still standing. Ano pang ginagawa niya at ayaw niya pa maupo?
"Ollie, wala ka bang balak na umupo?" Tanong ko habang binuklat ko yung isang menu.
I looked up and saw him looking at me, then at Ari. Doon ko napagtanto na may ipinapahiwatig siya, at sa tingin ko tungkol sa upuan niya yun. Saglit kong tinignan kung nasa amin ang atensyon ni Ari, pero nang masigurado kong nakatingin na ulit siya sa menu, ngumuso ako sa direksyon sa tabi niya.
To which Ollie mouthed back with a, 'What? No.'
I raised a brow at him. 'Bakit?'
Umiling iling lang siya. Hay, nagiinarte pa.'Umupo ka na dun.'
'Ayoko!'
'Ollie, isa!'
I swear, mukha kaming mga mime dahil sa ginagawa namin. Yung isang matanda nga sa tabi naming table, tinitignan kami na para bang mga weirdo kami eh. Not that it isn't true, pero...
Also, ang tibay ni Ari dahil hindi niya napapansin yung pinaggagagawa namin.
"Sir, is everything alright?"
Nagulat kami sa biglang pagsulpot ng waiter kaya agad akong bumalik sa pagtingin sa menu. I also saw Ari raising her head at Ollie, at ngayong na sa kanya na ang atensyon, lalo lang siya namutla. Tsk, kasi di pa naupo eh.
"No. I mean, yes. Yes, everything's fine."
Akala ko hindi na magaalinlangan si Ollie at uupo na siya sa tabi ni Ari, pero napahinto ako sa pagbuklat ng menu nang sa tabi ko siya umupo. I stared at him incredulously, but he paid me no mind as he stole the menu from me. Anong ginagawa niya??
BINABASA MO ANG
My Second Lead
TienerfictieIn every love story, there will always be two main characters, also known as the couple who will gallop off into the sunset after conquering all the trials and consequences that fate or destiny has thrown their way. Mayroon ding mga kontrabida na si...