Chapter 6: Flashbacks

35 2 2
                                    

Vape's POV

"Ayoko na nga sayo. Gaano ba kahirap intindihin yon?! Bakit ba hanggang ngayon ayaw mo pa rin akong tigilan? Masaya na ko. Na wala ka. HINDI NA KITA MAHAL, SORRY."

Paulit ulit kong naririnig ang mga linyang binitawan nya.

Alam mo yung sobrang sakit? Gaano ba ko kahirap mahalin? at gaano rin ba ako kadaling saktan?

"Wala na ba talaga? Subukan mo naman oh.Baka may natira pa, pagkakasyahin ko lahat kahit gaano pa kakonti yun, ako na lang ulit." nanghihina ako habang sinasabi ko yun sa harap nya.

"Ewan ko. I just want to give up. this isn't working. Magpakasaya ka na lang na wala na ako sa buhay mo." tumalikod na sya at nagsimulang lumakad

"Hindi ko kaya. Gagawin ko lahat basta ako na lang ulit, kulang pa ba? Dadagdagan ko, I'll do anything you want. Give me another chance to prove how much I love you, Zedd." natigilan sya sa sinabi ko at humarap sakin

"Your love is not enough. I'm done with you. Sorry. Kung ano mang nangyari satin, kalimutan mo na, nakamove-on na ako kaya magmove-on ka na rin. Binura ko na lahat ng meron satin. Wala nang TAYO!" hindi ko alam pero nanghina ako sa mga sinabi nya.

Ayokong ipakitang umiiyak ako sa harap nya pero di ko napigilan ang pagpatak ng mga luha ko.

"Why are you like this? Why are you pretending like you didn't love me? HAHA. Nagjojoke ka lang diba? Okay na, ang galing mo Zedd. Tama na baka maniwala ako eh, masakit yung mga binitawan mong salita parang totoo."

"No, I'm not. Wag mong hayaang paniwalaan mo ang gusto mo lang paniwalaan. AYOKO NA. I QUIT. I DON'T LOVE YOU ANYMORE. Tapos na tayo." inis na inis na mukha ni Zedd habang nagpapaliwanag sakin.

"Wala na lang yun? Lahat? Ang labo mo naman. Yung late night conversations?Dates? Hugs and kisses? Experiences? Yung PROMISES? Itatapon mo na lang lahat yun? Akala ko ba di mo ko sasaktan? Akala ko ba magiging masaya tayo? Akala ko ba FOREVER? To infinity and beyond? Niyakap ko sya para pigilan. I don't want to see him go, without me. Having no place in his heart.

"Vape, Sorry."

Yan na lang ang nasabi mo sakin. You ran off your car and drove away. Iniwan mo kong mag-isa sa gitna ng oval ng school.

Ang dami pa ring tanong sa isip ko. Bakit? Ano? Saan? Paano?

Bakit mo ko iniwan?

Bakit nagawa mong saktan ako?

Bakit ako pa yung sinaktan mo?

Ano pa bang kailangan kong gawin?

Ano bang nagawa ko para saktan mo?

Saan ba ako nagkulang?

Saan ba ko nagkamali?

Paano mo nagawa to?

Wala na ba talaga?

Wala na bang pag-asa?

Wala na ba akong magagawa?

Wala na bang paraan?

Isang bangungot na hindi ko matakasan.

Pagkakamali na gusto ko pa ring itama kahit imposible na.

Mga bagay na bumuo ng pagkatao kung ano ako ngayon, kung bakit ako ganito. kung bakit ayokona. kung bakit ayokong magkamali.

Ang dahilan kung bakit patuloy akong naniniwala na WALANG FOREVER..

Hindi ko maimagine na nagpakatanga ako sa isang katulad nya.

Akala ko iba sya. AKALA lang pala. He's all I ever dreamt about, hindi ko kasi magets yung logic.

Bakit ba nya ako kailangang iwan? Bakit  nakaya nyang igive up ako? Ang sakit kasi hanggang ngayon di ko pa rin makalimutan lahat ng sinabi nya. Tinanggap ko lang yun ng buong-buo. Sobrang desperate ako sakanya knowing na nagmamakaawa pa ako para lang bumalik sya.

It's funny how your so-called "FOREVER"happens to be your WORST NIGHTMARE.

Yes, NIGHTMARE.

Nagising ako na may luha sa mga mata ko, humihikbi pa. Nararamdaman ko yung kabog ng dibdib ko di ako makahinga at sya lang ang laman ng isip ko.

Wala talaga ako sa kondisyong pumasok ngayon, pero naisip ko yung tuition fee na pinambabayad ng Nanay ko sa Academy na yun. Pero ramdam kong hindi magiging maayos lahat para sa akin ngayong araw.

Itanong mo sa BITTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon