Chapter 1: Da Humble Beginnings

153 6 1
                                    

"Wag mo na kasing ipagpilitan kung ayaw. Ikaw lang naman masasaktan. Mas masaya kaya pag single." comment ko sa isang status ng babaeng nagddrama sa Facebook.

Bakit ba kasi ipagpipilitan pa yung sarili sa ayaw naman talaga sayo? Like watda? Mukha ka na ngang tanga parang di ka pa matae sa kakadrama mo.

Hobby kong mangialam ng buhay ng iba.

JOKE! Hilig ko lang magcomment sa mga status na nakikita ko sa News Feed ko. hindi kasi sila mapakali kakastatus kung hindi tungkol sa pagiging maligayang maligaya nila ng syota nila na maghihiwalay din naman sila, e ayun na nga yung mga taong isshare na nagbreak na sila ng boypren nyang isang linggo pa lang sila may FOREVER nang nalalaman.

Biglang nagpop-out ang chatbox ko kasabay ang tunog na *ting*

"Ano bang pake mo sa buhay ko? Bakit ba nangingialam ka sa status ko? Ikaw siguro yung pinalit sakin ng ex ko!"sabi ni ate na puputok na ata ang butchi sa sobrang galit.

"Ate. Hindi kita kilala concern lang ako. Atsaka bakit ka pa magsstatus kung ayaw mo na may nangingialam sayo? E shinare mo na nga sa lahat ng friends mo eh, anong ineexpect mo?"sa isip ko mahinahon pa ako nyan."May mga tao kasi talaga na mahilig mangiwan. Dahil di nila alam kung anong worth mo. Wag mong sayangin oras mo sa walang kwentang tao. Maging masaya ka kahit wala sya!"dagdag ko.

"Ate kasi huhuhuhuhuhuhuhuhuhu. Salamat. Labyu na <3"sabi nya. Aba tinde.

"Itulog mo na lang yan. Walang kwenta talaga mga lalaki. ^_^"plastic mode ON.

"Sige Ate. Pasensya na kanina. Salamaaaaat. OO wala nga silang kwenta ganda kong 'to sinayang lang nya!"pagmamalaking sabi nya. OMG. Puriin daw ba sarili.

OKAY! Mission accomplished may naturuan na naman akong mag-bitter! Better treat myself. Pero bago pa man ako makaalis sa bahay para bumili ng machichibog, tumunog ang phone ko.

Message

Prend! Sinagot ko na si Kris<3 After 2 months na panliligaw sakin bumigay na ko. E kasi naman. Ang gwapo, gentleman, ganda ng mata, heartthrob. Magchochoosy pa ba ako? Okay lang ba sayo? Libre nya daw tayo lunch tomorrow :">

Yeng tetee? Kelengen pe be nye epenyen ke? Sinagot mo na nga e! Kahit kelan di ko talaga maisip kung bakit naging magkaibigan kami ng babaeng 'to eh!

"Ah. Sinagot mo na eh. Tandaan mo lang lagi na nandito ako, para sabihin sayong walang FOREVER at magbebreak din kayo. Labyu. Oo nga pala, ayokong sumama. Panira lang ako dun. Pakasaya ka pero sasaktan ka din nyan. HAHAHAHAHAHAHAHAHA!"

Yan ang matindi kong reply. HARD. Pero totoo naman eh. Ang sarap sa feeling.

Matagumpay kong nasend ang reply ko sa aking bespren. Iiyak na siguro yun.

Ewan ko ba naman kasi ilang lalaki na nga nanakit sakanya ariba pa ng ariba sa mga nanliligaw sakanya. Ano bang napapala nya dun? E sa huli iiyak rin naman sya ng iiyak?

Habang pababa ako sa hagdan nakarinig ako ng malakas na kalampag sa kusina. Ang lamig ng paligid. Kumikidlat pa. Biglang

"Wag kang tumayo lang dyan. Lagot ka sakin pag nakita kita. Wala kang kawala. Hakhakhak(evil laugh)" sabi nung lalaki.

"Wag kuya! Wag! Bata pa ko! Kunin mo na lahat sa bahay namin! Kahit lovelife ko kunin mo na ayoko nyan! Wag lang ang pagkababae ko kahit mukha akong bading! *cries*" nanginginig na sabi ko.

May naglalakad puting puti suot nya. Kahit lalaki ngayon mahilig nang magdaster astig fashion sense neto hanep! Pumunta sya sa harap ko oh my wag napatili ako ng sobrang lakas hanggang sa binatukan ako ng matinde.

"Ano bang pinagsasabi mo?! Naginarte ka na naman? Galing mong gaganap! Ibebenta mo pa bahay natin ang liit liit na nga. Punyeta ka matulog ka na nga dun, iniistorbo mo ko sa panunuod ng 'Ikaw Lamang, Sapat na j3j3j3!" Bulyaw ng nanay ko.

May ganun palang palabas? Minsan talaga di ko na alam takbo ng pagiisip ng aking nanay. Buti nagagawa pa nyang manuod ng ganun? Kaumay.

Pumanik na ulit ako sa kwarto ko. 11:39pm na at di pa ko natutulog kakahintay sa madadramang tao na magupdate ng status nila, kaso nga-nga. Mukha na kong tangang nilalamok dito. Kaya natulog na lang ako no choice e.

Kahit feel kong 4 minutes ko pa lang napipikit mata ko may mga unfortunate events na nangyayari.

May biglang sumulpot na babae "Welcome sa DreamB 101 Class!"

May sira ba tuktok neto? Nagenrol ba ko dito? Punyeta nasaan ba yung kama ko?

Ano ba yung DreamB? Dream.Believe.Survive.STARSTRUCK.

Ayaw nga ni Naynay na magaudition ako e. Tapos tanggap na ko? PBB?!

*poof*

Nasa classroom na ko. Asteg!

"GoodMidnight Class! I'm your new student teacher Kelly G." Pagpapakilala nung teacher na mukha naman disente bukod sa palda nyang sobrang iksi.

"Our lesson is about how to handle your skill? Which is BITTERNESS? Kaya nga kayo nasa class na 'to"

Sosyal. Pinagaaralan na pala to ngayon? Shete. Alam na ng nanay ko hidden talent ko, labyu Nay! Para sayo magiging Valedictorian ako dito. Magaling yata tong anak mo na to. Maganda pa.

"Okay class. Let's end this 7am na." sabi ni Kelly G.

Nag-alay lang ako ng maikling speech sa Inay ko wala na tapos na? Nagpakilala lang yun na yun? Nag open topic lang? Paasa! Pati ba naman sa panaginip madaming ganun?!

Nararamdaman kong may sumasampal sa cheekbones kong malaki.

"Alas syete na! Bangon! Lunes ngayon! Anong akala mo bakasyon ka habang buhay?" Talak ng talak ang Nanay ko.

"Alas dose pa lang madaling araw ih. Kakapikit ko lang eh" sabi kong tamad na tamad.

Binuhusan ako ng isang balde ng tubig na may yelo. Ikaw bang di magising nun.

"Naaay! Ano ba? Bakit mo ko binuhusan?" galit na galit ako at pinaglalaban kong madaling araw pa lang.

"Nakita ko kasi sa Peysbuk mo, Ice Bucket Challenge daw. Triny ko lang naman sayo, baka kasi camera trick lang yung ginawa dun sa video na napanood ko. Epektib naman pala sa totoo." Habang inaabot sakin ang shampoo at sabon.

Aaarrrggghhhhh! Okay. Wala na kong magagawa. Alas syete na nga talaga ng umaga. Ang bilis ng oras. At take note Lunes pa ngayon T.T

Itanong mo sa BITTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon