NOVEL #2: SERAH

21 2 1
                                    

SERAH

written by: maccheb


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


SA GITNA ng maingay at magulong daigdig, mayroong mahiwagang mundong nakakubli. Isangmundong pinaniniwalaang likha lamang ng imahinasyon at kuwentong bayan. Isang lupaingwalang mortal na nakababatid kung paano patutunguhan o kung ito ba'y tunay.

Sa gitna ng maingay at magulong daigdig, may mga matang mapanghusga. Kung minsa'y ang kakaibang anyo at kapansanan ay ginagawang kakatuwa o kinatatakutan. Nagiging manhid sa mga damdaming marunong ding masaktan. Sa makatuwid, ang mundo ng mga mortal at ang mahiwagang mundo ay nagkakapareho pa rin sa mga bagay at pangyayari, makapagturo man ng maraming pagkakaiba.

Namulat si Serah sa panghuhusga, panglalait at pangmamaliit ng nakararaming kapwaengkantanda't engkantado dahil sa kanyang kakaibang anyo. May mga balat sa buong katawan at hindi pangkaraniwan ang kapal ng kanyang buhok, kilay, at balahibo sa katawan. Natatangilamang ang kanyang gintong balintataw at mapupulang mga labi. Tinatawag siyang bruha, angmalala pa kung minsan ay halimaw. Iginagalang man siya bilang kanilang prinsesa ay dama niyapa rin sa kilos at tingin ng mga ito na ayaw nila sa kanya. Itinuturing ng lahat na sumpa angkanyang kalagayan at ang kanyang ina na si Reyna Talitha ang itinuturong may kasalanan. Lalopa't may mga salot na umatake sa kanilang lupain na ikinamatay ng mga kabataan. Ito umano'ysumpa ni bathala sa paglabag nito sa batas ng kanilang lahi—ang umibig sa isang mortal.

Nang makaranas ang prinsesa ng kakaibang mga panaginip at bangungot ay kinutuban siya ng masama at nangamba kung kaya't nag-isip siya ng paraan upang mahanap ang sagot sa patung-patong niya nang mga katanungan. Higit sa lahat, nag-asam siyang makahanap ng lunas sa sumpang nagpapasakit sa kanya.

Mayroon siyang isang manikin na yari sa isang natatanging puno. Nagkakaroon ito ng buhaysa tuwing sasapit ang gabi ng hiwaga. Iyon lamang ang nagparamdam sa kanya ng pagmamahalna itinuturing niyang napakailap para sa isang katulad niya. Kaya ganoon na lamang angkanyang lungkot nang isang araw ay biglang naglaho si Ceres at hindi na nagbalik pa.

Sa gitna ng labis na kalungkutan ay dumating ang mga mortal na sina Cris at Alex sa kanilang mga buhay. Pakiramdam niya'y nabuo ang kanyang buhay nang sa wakas ay nagbalik at nakilala niya ang kanyang ama na si Alex. Kaakibat ng pagbabalik na iyon ay ang simula ng tunay na laban at pag-ulan ng katotohanan.

Hindi nanunumpa si Bathala, bagkus ay gumagabay at nagmamahal. Hindi siya nagtatanimng galit, bagkus ay umuunawa at nagpapatawad. Ang sumpa ay mula kay Vida na nagbalik mulasa kamatayan upang bumangon mula sa kabiguan. Ang selos niya kay Reyna Talitha at labis napagmamahal kay Alex ay nagbunga ng matinding galit na humantong sa paghihiganti. Naghatidsiya ng panganib sa buong Puting Lupa. Ang ang mga rebelasyong dala niya ang gumimbal salahat, lalong-lalo na kina Reyna Talitha, Serah at Cris.

Dugo ng tunay na pag-ibig ang puputol ng sumpa. Ang natatanging koneksyon at pag-iibigan ng prinsesa at ng mortal na si Cris ang magliligtas sa kanila. Sila ang magiging daan upang matuldukan ang kasamaan.

Sa huli, ang lahat nang masamang ginawa ni Vida sa kanyang kapwa ay magbabalik sakanya. At ang kanilang mga kapalaran ay susunod pa rin sa nakaguhit sa kanilang mga palad athindi sa pangmamanipula niya.

Ang dalawang mundo nina Cris at Serah ay muling maghihiwalay, subalit may hindi maipaliwanag na hiwagang muling maglalapit sa kanila. Hanggang sa ang dalawang mundo nila'y magkaisa—maging isa.


[LINK TO FULL NOVEL IS IN THE COMMENT SECTION BELOW]

WWBY 2019: FINAL ROUNDWhere stories live. Discover now