DEATH COMES TO ME (REVIEWS)

72 3 0
                                    

Note: WWBY Administrators are still asking for additional reviews and some haven't submitted their reviews due to personal reasons and busy schedule. We are asking for your kind understanding.


REVIEW BY: EnchantressRena

Any comments on the title?

Nagka-idea kaagad ako kung tungkol saan ang plot ng story just one word from the title which is death. Naisip ko agad na the main character has something to do with death. Maaaring nakatakda siyang mamatay.

Nakakahatak ang title ng interes, despite giving the readers some hint of what is the story all about andun pa din yung mystery like how the characters will be associated with death. Madaling tandaan ang title, unlike other long generic titles na naglipana sa wattpad like for example "The Nerd is in Love with the Campus Crush" (Gawa-gawang title ko lang pero malay natin nag-eexist nga talaga hahaha)

Your comments and reviews on the whole novel here. (You can freely write and organize your thoughts about the book in whatever way you want. However, kindly point out on your remarks: the idea or concept of the story, the flow, how the story was built or told, and the characters. If there's something you want to point out aside with these, just write it all.)

Characters: The story has many interesting characters aside from Adam and Eve, tulad ni Penelope, Paulino, Loki, General Eugenio and Doctor Venice. Si Penelope talaga ang pinaka-nakakagulat sa lahat noong nareveal yung wild side niya. Na-describe mo naman ng maayos ang bawat characters based on how they look and their personalities. May kanya-kanya silang personality na madali ko silang makikilala sa story. Mayroon nga lang mga characters na madaling makalimutan kasi di masyadong naipakilala sa story tulad ni Zi, Max, Tom at iyong mga teachers.

Meron isang character na medyo di ako sure kung nabanggit ba sa mga naunang chapter, si Migo. Nagpakita siya sa chapter 11 at kilala siya ni Eve, hindi ko lang talaga matandaan kung nasa mga naunang chapters siya.

May isa pang character na bigla na lamang sumulpot. Si Emilia na ate pala ni Eve, na asawa pala ni Paulino at may dala-dalang shocking news na anak sa labas si Eve. Hindi ko mahanap sa story kung nabanggit ba sa mga naunang chapters na bukod sa kambal at kay Eve ay may isa pang anak ang mag-asawang Laurel.

Kay Eve naman, para sa akin medyo pabago-bago ang pananalita ni Eve pagdating sa narration niya. Minsan kasi ang lalim ng kanyang Filipino words na ginagamit niya tulad ng naumid, nakasikop at tumipa, minsan naman pure english ang mga sentences niya. Medyo mababaw din ang pinanghuhugutan ng kanyang galit kay Adam sa start ng story.

Idea or concept of the story: The idea or concept of the story is about the destiny of Adam and Eve killing each other. Pero hindi ko masyadong naramdaman yung conflict sa first half ng story. Pero maganda ang nabuong mystery about sa pagkatao ni Adam na dahilan para tuloy-tuloy kong basahin ang story. Iyon nga lang na-disappoint ako sa dulo kasi hindi masyadong napagtuunan ng pansin sa story yung ibang details. Katulad ng libro na nabanggit sa chapter 1 na "Deccan Chronicles: The Origin of Kinnari" nagbigay ng hint na mythical creatures ang mga Kinnari. May nangyaring gulo sa chapter 5 pero wala pang nangyayari na related sa propesiya bukod dun sa nabanggit sa chapter 1 about sa mga Kinnari. Nasa chapter 7 na noong unang nagparamdam ang kalaban.

May mga issue or conflict sa story na hindi na naresolba tulad nung sa Venom na tatlong beses lang nabanggit sa story. Dalawa sa chapter 11 at isa sa epilogue. Walang masyadong details na nabanggit about sa Venom na gustong makuha si Eve. Kulang din ang info about sa mga nagmamay-ari ng High Society bukod kay Adam.

Flow: Medyo mabagal ang development ng scenes sa mga naunang chapters para sa isang 12 chapter story tapos biglang bumilis pagdating sa bandang last chapter. Naging maganda ang umpisa ng story at flow nito, kaso lang 12 chapters lang siya kaya parang nagkulang ang story sa content.

WWBY 2019: FINAL ROUNDWhere stories live. Discover now