SERAH (REVIEWS)

51 3 0
                                    

Note: WWBY Administrators are still asking for additional reviews and some haven't submitted their reviews due to personal reasons and busy schedule. We are asking for your kind understanding.


REVIEW BY: YSAI CARINIO

Sadya ngang ang pinakamalakas na sandata laban sa kasamaan ay ang Pag-ibig. Malinaw na naipakita iyon sa kuwentong ito.

Si Serah at ang mahiwagang mundo. Obviously, nasa title na agad kung ano ang nilalaman ng kuwento. Kaya nagkaroon agad ako ng idea sa babasahin ko. Nga lang, walang dating sa akin iyong title. Ginamit ng writer ang name ng protagonist pero, ewan ko, ang plain kahit ilang beses binanggit sa story ang meaning ng Serah. Madaming elemento sa story na ito na puwedeng gamitin o puwedeng panggalingan ng titulo. Think out of the box. Be creative lang talaga.

.Isa sa importanteng elemento ng fantasy story ang setting o world-building. Gumamit kasi ng dalawang mundo ang writer. At nakulangan lang siguro ako sa pagpapakita niya sa mundo nila Talitha. More on telling, kaya siguro hindi ko ramdam ang mahiwagang mundo. Oo, maganda ang mundo nila Talitha, pero gaano kaganda? Anong makikita? Anong anyo ng kabahayan? Ano ang kaibahan nito sa mundo ng mga tao? Can't feel the magical place, e. Kulang na kulang (for me).


Idea/Concept

Hindi na bago sa akin ang ganitong konsepto. Iyong may isang mortal na umibig sa isang engkantada, may dalawang mundo at may batas na nagbabawal sa kanilang magmahalan o humaharang sa kanilang pag-iibigan? Tapos, may revenge mula sa isang sawi? Ganito rin kasi ang ideya ng mga palabas sa tv na Okay Ka Fairy Ko at Pedro Penduko (Komiks). Clichè yes, pero ayos lang. May unpredictable scenes naman sa bandang dulo. Bumawi si writer doon. Naks! :)

Paulit-ulit kong nabasa ang word na mortal. Mortal ang mga tao, yes. At mortal ding matatawag ang mga engkantada/o dahil namamatay "rin" sila. Namamatay at nananatiling patay hangga't walang bumubuhay. In short, hindi imortal sila Serah, Talitha at iba pang kalahi nila. Lahat ng may buhay ay nagwawakas, o higit na tama, may kamatayan. Dahil ito mismo ang literal na kahulugan ng 'mortal,' mula sa salitang Latin na 'mortalis' o kamatayan.

Storytelling and Characters 

Narration is good. Actually, okay talaga siya sa akin kasi may mga pagkakataon na ganito rin ang storytelling ko kapag ganitong genre. May problema lang ako sa voice. 

Gumamit si writer ng third person point of view at maayos naman ang pagkakagamit ng panghalip. May ilan lang na naoverlook si writer, pero keri na. Ang kaso lang, may pagka-boring ang dating. Nakakaantok (sorry sa term) ang voice ng narrator o storyteller. Aaminin ko, ilang beses kong nakatulugan ang pagbabasa at hindi magandang sign iyon. Bigyan sana o subukan sana ng writer ang iba pang teknik sa storytelling. 

Dapat balanse ang showing at telling. Dito sa story na ito, more on telling kaya imbis na ma-feel ko as a reader ang story, na-bore ako sa ilang parte. May mga ganap pa na hinahanapan ko ng detalye at mayroon ding sobra. Hindi bale na sanang sobra ng slight, huwag lang kulang. Sayang kasi iyong mahahalagang ganap na hindi naipakita kung paano, ano at bakit nangyari.

Example diyan iyong eksenang nakabalik sa Alex sa mundo nila Talitha. Malabo. Napakalaking bahagi iyon ng kuwento, e. Naroon iyong transition kaso nakulangan ako. Oo, may nailagay pero nalalabuan ako. Kasi for me, malaking bagay iyon sa kuwento. Naging transition ang muling pagpasok niya sa story. Ang muli niyang pag-apak sa mundo ng mga engkantada ang isa sa malaking part ng story. Kumbaga, dinala ni Alex ang kuwento sa climax.Tapos may alam pa si Alex sa plano ni Vida, di ba? Paano? Parang, okay, gumawa ng lagusan si Vida mula sa mundo ng mga mortal patungo sa mundo nila Talitha. Doon dumaan si Alex at kung paano niya nalaman ang tungkol sa lagusan, walang nabanggit si writer. Wala ring nabangggit kung paano nalaman ni Alex na ibang-iba na si Vida o kung paano niya o saan niya nakita lahat ng impormasyong ibinalita niya sa mga engkantado/a. Si Alex, para siyang kabute na bigla na lamang sumulpot sa isang tabi.

Sa chapter 8, nabanggit ni Alex na nakita niya sa Serah sa salamin ni Vida kaya siya agad naglakbay papunta sa roon. Paano nga natagpuan ni Alex ang lagusang iniwang nakabukas ni Vida? Paano? Loophole kasi gayong napakalaking papel ang pagbabalik niya sa mundo ng mga engkantada.

Isa pa, iniisip ko talaga kung bakit kailangang pag-aralan ni Talitha ang buhay ng mga tao kaya siya dumayo o tumawid sa mundo ng mga tao. Anong mapapala niya kapag napag-aralan na niya? Ikauunlad ba ng lahi at mundo nila ang matututunan niya sa mundo ng mga tao? Alam ninyo iyon? Hindi malinaw kung bakit. Umasa kasi ako na malalaman ko rin ang sagot pero wala. Umasa na naman ako. shrugs

Nabitin ako sa chatacter ni Serah knowing na siya ang protagonist. Nakulangan ako sa characterization niya. Hindi ko siya naramdaman; hindi ko naramdaman yung longing niya sa ama, hindi ko na feel na nabubully siya, hindi ko naramdaman ang lungkot niya. Nandoon, naipakita ng writer pero hindi naiparamdam. Kaya kahit gusto kong magkaroon ng simpatya sa kanya, hindi na lang. Hindi ko naman ramdam yung paghihirap niya, e. shrugs

Yung ibang character, bahala na sila sa buhay nila. Malalaki na sila, kaya na nila ang sarili nila. Chos! De, wala naman na akong makitang kapuna-puna sa iba.

Any suggestions for improvement? 

Sa narration, sana ma-improve pa. Boring kasi talaga lalo na sa umpisa. Alamin kung kailan gagamit ng SHOWING at TELLING. Balanse dapat. Iwasan maging dragging.

Who was your favorite character? Why?
Cris, gusto ko yung character niya. Interesting. Malakas ang dating.
Talitha. Ramdam ko siya.
Jemina, ang tapat na lambana. Lahat naman siguro tayo gusto ng ganoong klase ng kaibigan. Wala lang, I just like her.

Which was your favorite part of the book? Why is it your favorite part?
Fave scene iyong revelation scene ng character ni Cris at yung nasa kawalan si Serah. Ang vivid sa imagination. 

Do you have a least favorite part of the book? Why is it your least favorite?
Wala naman. :) 


WWBY 2019: FINAL ROUNDWhere stories live. Discover now