8 - The Cutest Mafia Boss by LovelyAkizumi

49 5 3
                                    

BABALA!

Ang mga sumusunod na bahagi ay naglalaman ng mga opinyon ng kritiko. Maaaring tama para sa kaniyang pananaw ang mga ibinahagi niyang mga opinyon, at magkaroon ka ng ibang perspektibo ukol dito na hindi tumutugma sa ibinahaging opinyon. Huwag magpadala sa bugso ng damdamin dahil opinyon lamang ang mga nakasaad dito.

Bilang pagdiriwang ng #BuwanNgWika, ang teksto na ito ay isusulat ko sa Filipino. Mahalin natin ang ating sariling wika. Napansin ko kasi na puro Taglish ang mga naisusulat na akda at hindi ko masisisi ang bawat isa dahil ito'y atin nang nakasanayan. Subalit, binibigyan ko kayo at ang sarili ko ng pagkakataon na ipagbunyi at mabasa ang aking gawa sa ating wika. Hindi ba't nakakagalak kung iisipin?

Salamat sa inyong malawak na pang-unawa. 

(Buwan ng wika kasi eh, kaya napasabak sa Filipino. xD)


Mga Impormasyon sa Kuwento:
Pamagat: The Cutest Mafia Boss
May-akda: LovelyAkizumi
Dyanra: Romansa
Istado: On-Going

C R I T I C

Note: Natapos kong basahin hanggang Chapter Sixteen, pero tanging ang mga unang parte lamang ang paglalaanan ko ng kritiko. (Masyadong mahaba kung iche-check ko pa hanggang dulo. Paulit-ulit lang din ang mali.)

I. Istraktura:

Pamagat:

Natawa ako sa pamagat mo. Natawa ako kasi salungat sa ordinaryo ang ibig sabihin ng pang-uri na ginamit mo para sa isang 'mafia boss.' Hindi magkasundo ang salitang 'cute' at 'mafia boss.' Hindi ako napukaw. Hindi ako napaisip ng symbolismo o malalim na kahulugan na maaari kong i-konekta sa magiging daloy ng kuwento mo.

Opening Paragraph

May ganap naman sa 'opening paragraph', pero hindi nito nakuha ang atensiyon ko. Okay siya  kasi agad na gumalaw na ang kuwento na hindi ako nalilito. Pero mas maganda sana kung mas banayad at angkop iyung mga salita na ginamit mo. Tandaan, ang unang talata ng iyong akda ang hihila sa mambabasa na lalong magbasa o kaya'y magdudulot ng pagkabagot para iwanan ang istorya mo na hindi man lang nakikilala o nalalaman ang nilalaman na pinaghirapan mo. (Tulad ni crush.) Sa madaling salita, dapat mas kaakit-akit ang mga salita mo para mapanatili ang mga mambabasa.

Length

Hindi gaanong mahahaba ang mga talata mo kaya kinaya ko ang pausarin ang kuwento nang hindi ako nababagot dulot ng kahabaan ng mga pangungusap.

Choice of words

Mababaw ang mga ginamit na salita. 'Casual' kung bagaba. Wala naman akong nakikitang mali doon dahil nakakaaliw ang pagtuloy-tuloy ng kuwento. Ang intensiyon mo ay maglibang kaya ayos lang. Pero, kung ang gusto mo bilang may-akda ay mailimbag ang iyong gawa, mas naaangkop kung palitan mo ang pagkakasama-sama ng mga salita na ginagamit mo sa iyong prosa, para mas madagdagan ang kalidad nito.

Characters:

Nakikita ko sa mga karakter mo ang mga karakter sa anime series na "Detective Conan". Kaya para sa akin ay hindi sila orihinal. Ibinase mo doon ang gawa mo, at talagang kinakikitaan ko sila ng pagkakatulad. Mas maganda sana kung mas iniba mo pa sila ng katangian kasi talagang iyon na agad ang pumasok sa isip ko nang mabasa ang mga tauhan na katulad na katulad ang sitwasyon sa nasabing anime series.

Critique Shop for Better Writing  (CLOSED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon