17. World Drive by Haru_dreamer

54 5 3
                                    

Story info:

Title: World Dive

Author: Haru_dreamer

Genre: Science Fiction

Language: Filipino

Status: On-going

C R I T I C 

Note: Prologue lamang ang aking binasa at ginawan ng kritiko. Lahat ng mga opinyon at mga isinaad kong critique ay para lamang sa mga parte na iyon at hindi para sa buong libro.

Dear Haru_dreamer,

Hatid ko lamang ay constructive criticism, ang pananaw ko ay maaaring hindi katulad ng sa iyo.

Title

The title is confusing to me, pero nae-emphasize nito na ang genre ng story ay SciFi.

Characters

Isang character lang ang pinakilala mo sa Prologue kundi si Daryl Lacsano. Hindi ko nagustuhan na ipinakilala mo lang siya at wala siyang ginawang aksyon sa dapat kong abangan. Hindi epektibo ang style din na pagpapakilala mo sa kaniya. Ni wala nga akong naramdaman na conflict, aside sa atmosphere mo. Napansin ko kasi na narration lang ang inilahad mo. I just hoped na sana situation ka na agad nag-start na may konek kung paano nagsimula ang story mo, para at least makilala ko na ang ilan sa mga importanteng characters.

Plot

Phasing

Short lang ang prologue, pero ang bagal ng phasing. Literal akong nagbabasa ng backstory na maling-mali sa para sa akin. The story should start na. Ayoko ng may paligoy-ligoy muna. Bago mo lagyan ng backstory, start ka muna para alam sa mismong conflict para alam ko kung bakit ko inaalam ang nakaraan.

POV

There's nothing wrong with the POV. Malinaw ang pagkakasabi sa POV. Okay na siya. 

Conflict

Your conflict is clear, however di ko nagustuhan kung paano mo siya inumpisahan. I must know how the character itself was bothered by the conflict. Gusto kong malaman kung bakit ganoon na lang ang dahilan kung bakit ito dapat solusyonan. Make your story real, despite it being fiction. Make it relatable though you're bringing me to another dimension. 

Atmosphere

I would like to commend you for the atmosphere. Hindi ko nagustuhan ang istorya mo dahil magulo ang galaw nito, pero nagandahan ako sa atmosphere at choice of words mo. I felt as if I'm in that time era, dahil sa mga ni-narrate mo. So far, tingin ko ito ang galing mo, ang mag-built ng atmosphere. Keep up the good work for this part.

Technical

Paragraphs

The length of your paragraphs is not balanced. Ang hahaba, though puwede mong i-cut. Please lang, per paragraph gawin mo na may aksyon. The real reason why I did not move to Chapter One and Two, dahil prologue palang ay di ako napukaw. However, baka sariling pananaw ko lang ito. Baka gusto ng iba ang writing style mo, pero personally talaga gusto ko nagsisimula ang istorya na may nangyayari na.

Grammar

When it comes to grammar, wala naman. May iilang typo ka lang sa capitalization and punctuation. Napansin ko ang tuldok na mali mong nilagay, pati iyung name n'ung character, di mo na-capitalize ng maayos.

Tips

1) Re-construct your work and put more action.

2) Balance narration and dialogues. So far, walang dialogue ang prologue mo. 

Conclusion

Prologues are critical parts of our books. It dictates whether a reader will continue or not. Kung prologue mo palang di makitaan ng interes ng reader, I'm sure they will not read it. Gawin mong interesting ang prologue mo para maenganyo ang mga mambabasa na basahin ang libro mo.

Sincerely yours,

E ❤️

TheCosmologist


Critique Shop for Better Writing  (CLOSED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon