Chapter 19

1.8K 40 3
                                    

Pababa na sila ni Hannah sa resort nang tumawag si Lucio sa kanya .

Isa may emergency ako sa bahay I need to go . Tapus na ang meeting natin ngayong araw so you better go home early or do something else you wanted to do . saka ito nagpa alam agad mukhang emergency nga ang pupuntahan nito .

Well ang tadhana nga naman mas makakapagrampa pa pala siya ngayong araw . Nang pababa sila ay napansin niyang marami nang tao . May party palang nagaganap hindi niya alam kaya bigla siyang kinabahan akala niya ay konting audience lang ang makakakita sa kanya in bikini. Di niya akalaing maraming tao at puro mayayaman ang mga nandoroon .

Oh Isa ngayon ay birthday ko nakangiting turan ni Hannah . so I choose this place to celebrate . Darating sila chiffy at Cleo kaya may kakampi ka diyan . It so happen mga gate crasher yang kasama ni Erika kaya nandito sila . Napag alaman nila atang maraming mayayaman ang pupunta kaya kumaripas ang mga social climber na iyan . I dont have choice but to invite Erika kasi ang kapatid niya ay asawa ng kuya ko . Nakangiti nitong turan sa kanya .

No worries Hannah . Happy birthday sorry at wala akong gift ipapadala ko nalng next week ha . sabay pisil sa kamay nito bilang assurance na di siya galit .

Buti naman ang bait mo din katulad ni Chiffy siguradong magkakasundo tayu talaga . and dont bother with the gift . Ang presensya mo lang sapat na . saka sila bumaba ng hagdan papunta sa labas kung saan siya makikipagdigma .

Isa . tawag sa kanya ni Chiffy . Hinagkan siya nito at niyakap . matagal na silang hindi nagkikita ng kambal niya . Sa tuwing dadalaw ito ng bahay niya ay wala siya .

I missed you . kailangan nating mag usap mamaya . baling nito sa kakanya .

Happy birthday Hannah . bati ni Chiffy sa kaibigan . Alam mo na mamaya may mga macho dancers ako . sabay hagikgik ng kakambal niya .

Aasahan ko yan Chiffy ha . ganting sabi ni Hannah .

Oh well lets go and enjoy your day Hannah . si Cleo na mukhang ng eenjoy din .

Nasa sulok sila ng pool nang makita ang mga higad sa kabilang sulok . Pinag huhubad ang mga roba nitong nakapatong sa katawan nila .

Samantala ay naging abala na si Hannah sa kakaestima sa mga bisita nito .

ISABELLA huwag kang magugulat ha . Tradisyon na kasi sa pamilya nila Hannah ang mag bigay ng patimpalak tuwing kaarawan ng mga ito. hindi pa natatapos sa pagsasalita si Chiffy nang sumulpot sa stage ang host .

Hi good evening girls as part of Hannah Montilla's birthday party ay ang pag launch ng bagong clothing line ng pamilya nila . Its called bay watch line . Alam niyo na its a clothing line ng mga bikinis at swimming trunks . So gaya last year we are having an on the spot bikini open contest . Now Nandito na sa akin ang mga listahan ng gustong sumali. Tatawagin ko na sa stage and please come forward .

Isa isang tinawag ang mga babae . Puro magaganda mga ito at sexy . Sumali din pala si Erika at ang limang mga linta . Kasalukuyang Umiinum si Isabella nag mojito nag biglang naibuga niya ang inumin ng marinig niya ang kanyang pangalan . Maria Isabella Valderama step forward please . Nakailang banggit ang host sa pangalan niya kaya kahit alanganin man ay tumayo siya tiningnan niya si Hannah at chiffy . Hindi ito makatingin sa kanya ng deretso . Nyahahay papaano siya rarampa eh maraming tao .

Nahihiya man ay nagpatianod na si Isabella .
Lahat na ata ng mga masasamang mangyayari ay naisip na niya . Naroong baka matapilok siya . Magkaroon ng wardrobe malfunction . oh di kaya ang worse isa si James sa mga hurado . waaaa sana naman hindi mangyari iyon dahil sa 3 iyon ang pinaka iniiwasan niyang mangyari . Ngunit ang tadhana ay talagang kill joy hindi na siya pinagbigyan .

Love and Hate series : Maria Isabella Valderama sisters ( the lonely flower ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon