Chapter 23

1.8K 43 5
                                    

Hindi makapaniwala si Isa sa ginawa . Imagine posing for a clothing line na medyo revealing ang style . Una ay inudyukan siya ni Hannah na mag lingerie model pero kahit siguro nghihirap na siya ay hindi niya magawang mag modelo doon . She respects her body a lot but she believed showing some skin to express your personality as a person isn't bad at all . Medyo revealing ang mga damit na isinuot niya pero hindi naman ka level nag mga fhm shoot . Siya kasi ang kinuha ni Hannah na mag hand paint sa mga desenyo ng mga damit  at na combinsi na ding imodelo iyon . Its kinda Sexy yet classy dresses pero alam niyang nabigla lahat ng pamilya niya .  Na principal's office pa nga siya ng Lolo at Papa niya pero dahil napaliwanagan niya ang mga ito ay tinanggap na lang ng mga ito ang desisyon niya . Hindi niya din inexpect na tatanggapin niya ang proyektong iyon . Aaminin niya na she did it to spite James . He called her a  slut well then patutunayan niya ang linya na "Yes Im a slut but im the best slut in town" . She decided to do things her own . Cool off muna siya kay James . Hahayaan niya munang lumamig ang kung anumang issue dito . Lumipat muna si Isa sa bahay bakasyunan nila na mag pamilya . She wanted to give Robin a nice place to stay .

Pero parang hindi na siya lulubayan ng tadhana . Dahil ilang ulit na siyang tinatawagan ni Lucio at pinapabalik kay James para mag trabaho ngunit ilang ulit niya din tinanggihan . Laking gulat na lang niya na kaninang umaga ay nakatanggap siya ng subpoena. James sued her for bridging her contract . Sigurado siyang pag pinuntahan niya ito sa opisina nito ay sasabog ang galit nito. She know him well kaya alam na alam niya bakit nito ginawa iyon . Oh well mayaman siya at hindi basta basta ang legal team nila . She knows all she have to do is to pay that contract and be over with it . Hindi siya basta basta papasindak dito ngayon .


Sir nandito po ang legal council ng mga Valderama  gusto pong makipag usap sa contrata po ni Isabella sa inyo . pagbibigay impormasyon ng kanyang sekretarya .

Call my legal team at hindi ako magpapa areglo . We will settle it in court . Matigas na diin ni James sa secrketarya nito .

Kanina pa umiinit ang ulo niya nang sinabihan siya ni Lucio na hindi niya ma contact si Isabella at huling usap niya daw dito ipinapasabi nitong :  " sabihin mo kay James este sa  kaibigan mong dragon na  titirik ang mata niya sa kahihintay hinding hindi ako babalik diyan "  . ginaya pa ni Lucio ang tono ng pananalita ni Isabella na lalong nag pairita sa kanya .

Sa nagpupuyos na damdamin ay ipinagpatuloy ni James ang trabaho at nag iisip ng plano na ma corner nito si Isabella . Inaamin niya kailangan niya si Isabella lahat ibibigay niya dito iwan lang nito ang lalaki niya. He will give her everything except his HEART . He will make sure Isabella will be his and tame her by hook or by crook.

Paalis na sila ni Robin papuntang mansion kaarawan kasi ng Mommy at ang bibo niya anak ay naghanda pa ng sayaw para sa mga matatanda mamaya .

Pinagmasdan ng maigi ni Isabella si Robin . Hindi niya naranasang mabreastfeed ito . Ni hindi niya mn lang niya ito nakita noong bagong panganak pa lamang ito . Nagkasya na lamang siya sa photo album nito na ipinadala ni Donya Celia noon . Naiiyak na naman siya maalalang nanggaling sa kanya si Robin . Her Robin na habang patagal ay kamukhang kamukha na nang talipandas nitong ama.

Mommy !! are we going to invite my other Lola also ?? tukoy ng bata sa Mama ni James .

Ahh eh anak we will just visit her later . Im sure she is invited but im not sure if she is coming . pagpapaliwanag niya sa bata .

Then lets come to her house and fetch her Mom.. paglalambing niya sa kanya .

Hindi niya ito mahindian minsan lang maglambing ang anak and she dont want to disappoint her son .

Bigla ay tumawag ang kanyang ina sa kanya. Isabella nasaan na kayu ? Nandito na lahat saka nandito din si Rosario. Ang ina ni James .
May kutob nang alam na ng Mommy ni James ang katotohanan kung kayat kailangan niya itong pakiusapan ito sa mga bagay bagay na mangyayari .

Dumating silang mag iina at patakbong humalik si Robin sa mga tao doon . Nandoon din ang makukulit na triplets nina Chiffy at Kim . Nakipaglaro si Robin sa mga pinsan nito na halus mag iisang taong gulang na .

Napakagwapong mga apo . biglang sabi ng Mommy niya .

Hinanap niya ang ina ni James . Wariy naiingit sa nakikitang mga bata sa mansion nila .Lingid sa kalaman nila ay matagal na din okay ang pamilya nila . Sa katunayan ay matagal nang magkaibigan ang Mommy niya at ang Mommy ni James hindi pla naputol ang komunikasyon sa isat isat pero naging maingat lang ang mga ito para hindi matuklasan ni James .

Nilapitan niya ang ina ni James at dinala sa labas para makapag usap sila ng masinsinan .

Hija . I know the truth . Unang pagkakita ko pa lang kay Robin alam na alam ko nang siya ay ang aking apo . Pagsisimula nito .

Nagpanggap na lng akong walang alam dahil alam ko na amnesia ka kaya kahit sigurado ako na siya ay apo ko ipinaDNA test ko si Robin . Habang natutulog siya ay ginupitan namin siya ng ilang hibla nang buhok . I am so sorry hija if I did that without your permission. Nang dumating ang result 99.99% match sila ni James . Sinabi ko na ito sa Mommy mo pero hindi ko pa nasasabi kay James because I dont have the right to tell him . You must tell him .

Napakagat si Isabella sa kanyang mga labi ng marinig ang kwento ng Mama ni James . Sabagay sino ba namang hindi mag dududa ay kamukhang kamukha ito ni James .

Ma Im sorry hindi ko din alam na anak ko si Robin sa mga panahong iyon . Pero pakiusap po wag niyo po munang sabihin ito kay James . I' ll deal with him when he is not mad enough to listen .

I understand hija . Pero sabik na sabik ako sa apo kaya pwede bang kahit isang beses every week ay sunduin ko si Robin ?

Pwedeng pwede po . Tuwing weekends ay sa mansion siya namin maglalagi ky pwede niyo po siyang hiramin .

Tamang tama hija Kaarawan ng Tito ni James next week . Im planning to bring Robin kahit hindi ko pa sabihin sa kanila . Sigurado namang hindi aatend si James doon . Masyado siyang abala sa kumpanya . That boy doesn't know how to rest and play anymore .. malungkot na sabi ng ginang .

Cge po Tita pwede po ninyong dalhin si Robin .pagsasang ayun niya . Alam niyang hinding hindi siya papabayaan ng ginang at tiwala siya dito .

Salamat hija . sabik na sabik kami sa bata . Walang legitimate na apo sa pamilya namin . All of my husband's siblings are impotent  lahat ay adopted and Im an only child . I only have one son so I pray to God na mabiyayaan kami nang marami pang apo . Robin is my answered prayer . Thanks hija for carrying my grandson .  saka siya nito niyakap na may luha sa mga mata nito

Naantig ang puso niya sa ginang . Gustuhin niya mang madagdagan si Robin ang problema niya ay paano ? kung galit itong anak niya sa kanya . Ayaw naman niyang gumawa ng baby na hindi sila kasal at lalong ayaw niyang galit si James sa kanya habang ginagawa nila ang baby na nasa isip niya . May nabubuo na din siyang plano . She will tame James ........ paano ? hindi niya pa alam kung paano ... Pero pag gusto alam niyang may maraming paraan ....


PS: Ang malaking tanong sino ang ma tatame ? Si James o si Isabella?

Love and Hate series : Maria Isabella Valderama sisters ( the lonely flower ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon