Chapter 6- Not with her man

4 1 0
                                    

Agad na natapos ang pang umagang klase. Lunchbreak na, agad ako lumabas at dumiretso sa cafeteria. Bumili ako ng kanin , ulam at softdrinks.
Diko feel na mag junk foods ngayon kaya eto ang binili ko.

Agad akong umalis ng cafeteria at dumiretso sa likod ng auditorium kung saan ang napili kong tahimik na lugar kahapon. Naisipan kong dun na lang ulit tumambay.
Pagkarating duon agad ulit akong naupo sa ilalim ng puno, nilagay ko sa kandungan ang binili kong styro na may kanin at ulam na ,nilapag ko naman sa gilid ko ang softdrinks.

Binuksan ko ang styro at sinimulan ng lantakan ang pagkain.
Habang kumakain tumitingin tingin ako sa paligid ko, ngayon ko lang napagmasdan ang ganda at linis nitong lugar. Parang laging nililinis meron ilang dahon pero parang mas nakadagdag pa yun sa ganda ng paligid ,tumingin ako sa kanan ko at nakitang may mga nakatanim na bulaklak ,iba iba ang kulay meron din ako nakitang dingding na may pintura sa kabilang dulo.
Parang sinadyang gawing maganda ang lugar para mag mistulang tambayan.

Agad akong tumingin sa paligid ko at naghanap ng tao. Naisip kong hindi lang ako ang tumatambay sa lugar na ito. Pero nang itingala ko ang aking muka.Nakangising muka ni Travis ang nakita ko.

"Hi sunget" wika nya

Napairap naman ako.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko na may halong inis

"Kumakain" sabi nya sabay taas ng styro na may lamang pagkain.

Napataas ang kilay ko.
Obvious naman na kumakain sya!

Inirapan ko na lang sya nagpatuloy nang kumain, pero maya maya nagulat na lang ako ng bigla nanamang may tumalon sa harap ko. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat. Inis akong napatingin sakanya

"Hindi ba uso sayo na bumaba ng dahan dahan?! Kailangan tatalon?!" Inis kong sabi.

Nakakagulat naman kasi! Buti di ako nabulunan sa gulat!

Napabungisngis naman sya at pinitik ang kamay na parang bakla.

"That's what you call ninja moves watcha!" Sabi pa nya habang parang umaakto na parang ninja, aba may pasipa sipa pa sa ere! Sya kaya sipain ko.

Inirapan ko na lang sya. Bakit ba pinayagang mag aral to dito? Bakit hindi sa mental pumasok ang isang to?

"Crazy" bulong ko at nagligpit ng pinagkainan. Nawalan na ko ng gana

"Hoy narinig ko yon!" Sabi nya

"Malamang may tenga ka!" Sabi ko sabay tayo.

Tinaasan nya ko ng kilay.

"Pasaway ka" sabi nya habang nakataas ang kanang kilay.


"Tss" yan na lang ang nasabi ko at umalis na ,iniwan ko sya.

Nakakainis! Kahit saan ako nandun din!

Habang naglalakad palayo agad ko namang naramdaman ang mga yabag nya tanda na sinusundan nya ko.
Argh!


Dumiretso ako sa room ,nilagay ko ang mga pinagkainan ko sa bag ko at padabog na naupo. Nakita ko naman syang dumiretso sa tabi ko at padabog din umupo pero halata naman sa kilos nya na ginagaya nya ko para mang inis.



Kakainis talaga!
Naisipan kong harapin sya nagkibit balikat ako at tinaasan sya ng kilay nang napansin nyang nakaharap ako sakanya humarap din sya at ginaya ang ginawa ko.

Argh! Pesteng peste


"You're so kulit! Pwede tigilan mo na ko?" Inis kong sabi at umirap.

Goodbye Travis Where stories live. Discover now