Kabanata 6

742 35 1
                                    

Arcues Lurca

Sandaling tinitigan ni Felicy ang nakatunghay na head master na si Lancelot Samañego. Sinuri niyang mabuti ang pangangatawan nito bago muling inilipat ang tingin kay Arcu.

"Let's go, Arcu," nakangiti niyang sabi bago tumayo. Hindi niya alam kung anong dahilan at ipinatawag siya sa opisina ng tinawag ni Mr. Samañego na Mr. Lurca. Hindi rin niya sigurado kung ang Lurca bang tinutukoy nito ay si Ashton.

Mas gugustuhin niyang si Ashton ang nagpapatawag sa kaniya kaysa sa iba pa nitong kaanak. Hindi pa man niya nakikita ay kinakabahan na siya. Paano kung nakakatakot pala ito?

"Sino pong Mr. Lurca?" Tanong ni Felicy sa nasa unahang si Mr. Samañego. Muli ay hindi mapigilan ni Felicy ang mamangha nang makita ang mukha ng head master. Napakaguwapo talaga nito at ang tindig ay halos magbigay ng ibayong kaba kay Felicy. Dagdag pa ang tila mapanuri nitong mga mata.

Nasa likod ang mga kamay na humarap ito sa kaniya. Saglit silang tumigil sa pasilyo ng main building ng Lurcan. "Sir Ashton Lurca. I guess you already met each other since he knows you too well," seryoso nitong sabi na halos ikalunok ni Felicy.

Marahang pagtango ang ginawa niya bago sumagot. "We've met in the forest."

"Forest? Sigurado ka bang si Sir Ashton iyon?" Salubong ang kilay na tanong nito sa kaniya.

Akma na sanang sasagot si Felicy nang magulat silang dalawa ni Mr. Samañego sa biglaang pag-alulong ni Arcu. Halos panindigan siya ng balahibo sa nakikitang ekspresyon sa alagang kasama niya. Matalim ang mga mata nitong nakatingin kay Mr. Samañego. Nakalabas rin ang dalawang naglakakihang pangil.

"Arcu," malumanay na sabi ni Felicy bago niya hinaplos si Arcu. Kaagad itong kumalma at muling bumalik ang pagiging maamo.

"Well I guess, I don't have a choice but to believe in your words," marahang sabi ni Mr. Samañego na ang tingin ay na kay Arcu. "Let's go."

Nagtataka man ay kaagad na lang na sumunod si Felicy sa naunang head master. Marami na namang mga bagay ang pumapasok sa kaniyang isipan. Katulad nang parang may nangyayaring kakaiba sa dalawang kasama. Pakiramdam niya'y hindi ordinaryo ang ginawa ni Arcu. Pakiramdam niya'y may dapat siyang malaman.

Nang tuluyang makaakyat sa pinakahuling palapag ng gusali ay kaagad silang pumasok sa isang silid. Malawak iyon at makalaglag-panga ang disenyo. Too exaggerated but that's how she described places with full of books. Hindi nga talagang maipagkakaila ang pagkahilig niya sa mga libro.

"Feels like heaven." Mahinang sabi ni Felicy bago sumunod kay Mr. Samañego na muling pumasok sa isa pang pinto.

Doon bumungad kay Felicy ang isang mahabang pasilyo. "After you," mahinang sabi sa kaniya ng head master. Gulat man ay kaagad na siyang tumalima.

"I'm sorry, but you do sounds like a butler." nakangiwing sabi ni Felicy kay Mr. Samañego. Isang ngisi ang pinakawalan ng head master bago siya iginiya sa hagdan pababa sa kung saan.

"I am." sagot nitong ikinatigil niya sa paghakbang. Salubong ang kilay na tinitigan niya ito. Seryoso ang mukha ni Mr. Samañego na talagang hindi kababakasan na nagbibiro lang ito.

"I'm sorry?" sabi niyang gustong ipaulit kay Mr. Samañego ang sinabi.

"Butler ako ni Sir Ashton."

"And you're also the head master. How's that-,"

"That's another story, don't expect me na ikwento iyon sa iyo," maliit na ngiting sagot ni Mr. Samañego. Ilang saglit lang ay muling bumalik ang pagigig seryoso nito. Yeah, that's how a butler should act. Geezz, he's so intimidating. Para bang nakakatakot magkamali ang sinuman kapag alam na nasa paligid lang ito. Kaya siguro si Mr. Samañego ang ginawang head master dahil may kakayahan ito at talagang nararapat sa titulo.

Herian: Touch [COMPLETED]Where stories live. Discover now