Kabanata 3

850 37 0
                                    

Hera Mansion

Alas-diyes ng gabi nang magising si Felicy. Masyadong napalalim ang pagtulog niya kaya't hindi na siya nakapananghalian.

Ramdam ni Felicy ang pagkalam ng sikmura't pagkatuyo ng lalamunan. She went to the kitchen to look for something. Baka, may iniluto ang mga kasamahan niya o di kaya'y si Manang.

Kaagad na napasimangot ang mukha ni Felicy nang wala man lang makitang nakalagay sa lamesa. Maging ang microwave ay walang laman. Marami namang laman ang ref, iyon nga lang kailangan pang iluto. May mga matatamis katulad ng cake, pero hindi naman siya mahilig doon. Kaya wala siyang nagawa kundi ang pagsilbihan ang sarili. Kung hindi naman kasi niya iyon gagawi'y magugutom lang siya.

Felicy grabbed some potatoes, milk, and butter. Maraming karne sa freezer, pero mas pinili niya ang karne ng baka.

Wala naman sigurong magagalit kung magluluto siya di ba? Isa pa, dito na rin naman siya nakatira. Kung bawal man ang ginagawa niya'y bahala na bukas.

Napapangiting inamoy ni Felicy ang usok na galing sa nakasalang na karne. Pagkatapos ay nagmamadali nang hinango ang nilalaga niyang patatas. She wants some mashed potatoes kaya raramihan niya ang gagawin.

"Ohh...such a wonderful smell, nakakagutom." Muntik nang mapatalon si Felicy nang may biglang magsalita sa kaniyang likuran.

Nakatayo mula sa pintuan ang isa sa mga kasama niya sa bahay. Ang chubby pero cute na lalaking halos tumulo na ang laway habang nakapikit.

"What are you cooking?" tanong nito. Saglit niyang pinakalma ang malakas na pintig ng puso.

"Uh, garlic butter steak." sagot ni Felicy habang inaayos ang platong paglalagyan. "Do you want some?"

"I was actually planning to eat noodles, but I think I changed my mind." Halos maghugis puso na ang mga mata nito. Mabilis na naupo ang lalako sa bago humarap sa kaniya. "I'm Cleio Santi."

Bigla siyang natigilan. Oo nga pala, ni isa sa mga kasama niya sa bahay na iyon ay hindi niya kilala. "I'm Felicy."

"I know." Kumunot ang noo ni Felicy dahil sa pagtataka. "You love books right? Mukhang magkakasundo kayo ni Yuta." Mas lalong lumalim ang kunot sa noo niya sa sumunod na sinabi ni Cleio.

"Yuta?" takang tanong ni Felicy. Nagkakaroon na siya ng hinala na ang tinutukoy ni Cleio ay ang lalaking payat na may salamin.

"Yup, bababa iyon sila maya-maya, hindi pa rin kasi sila nakakapagdinner."

"But it's already eleven o'clock." sagot ni Felicy bago muling nagluto ng steak. Biglang tumunog ang kaniyang tiyan dahil sa gutom. Ang nauna niya kasing niluto'y ibinigay niya kay Cleio. "Sino naman iyong dalawang babae kanina?"

"Ah, si Stellar iyong mahaba ang buhok. Si Nadia naman iyong may teddy bear." sagot ni Cleio habang sarap na sarap sa pagkaing nasa harap. "Tulad mo, galing rin kami sa iba-ibang bayan ng Ciro. Napunta kami rito dahil ito ang gusto ng mga magulang namin."

Awtomatikong nagsalubong ang mga kilay ni Felicy. Akala pa naman niya lahat ng nag-aaral dito ay iyong mga estudyanteng talagang nangangarap na makapasok sa Lurcan.

Tahimik na ipinagpatuloy ni Felicy ang pagluluto. Nanlalaway man ay pinilit niyang huwag ipahalata kay Cleio.

Nang matapos ay mabilis niyang dinala ang pagkain sa hapag. Nasa harap niya si Cleio na abala pa rin sa pagkain. Maging ang mashed potatoes na ginawa niya'y nilantakan nito.

"Hera Mansion ang tawag dito sa tinitirhan natin. Lahat raw ng tumitira rito'y espesyal sabi ng ilan. Pero ewan ko kung totoo, hindi ko naman kasi maramdaman." Bigla ang pag-angat ng ulo ni Felicy dahil sa narinig.

Herian: Touch [COMPLETED]Where stories live. Discover now