Kabanata 1

1.3K 39 0
                                    

Ashton.

"Miss, are you okay?" Nakakunot-noong tanong ng lalaki.

"Y-Yeah, I-Im fine." Sagot ni Felicy sabay hingang malalim bago tumayo.

Muli siyang napadaing nang gumuhit ang sakit sa kaniyang balakang.

"Parang hindi naman maayos ang pakiramdam mo. Saan ka ba nakatira para maihatid kita." Napatingin siya sa lalaki. Ngayon niya lamang ito nakita sa gubat.

"I can manage, and besides I don't know you, bakit ako magpapahatid sayo?" Mataray niyang sabi na ikinangiti ng kaharap.

Totoo naman iyon. Hindi pwedeng basta-basta na lamang siyang magtitiwala sa kung sinu-sino.

"Kung natatakot ka na baka may gawin akong masama sayo, nagkakamali ka Miss. Mabuti akong tao." Sabi nito sabay iwas ng tingin nang mabigkas ang huling pangungusap.

Pinasadahan ni Felicy ang kabuuan ng lalaki. Maayos naman ito, malinis, gwapo, tanging ang damit lamang niya ang naiiba sa kaniyang paningin.

"I'm Ashton." He said while smiling.

"Felicy." Maikling pakilala niya. She offered him her hand for a shake, pero hindi nito iyon kinuha.

Napapahiyang binawi na lamang ni Felicy ang kamay at muling tumingin kay Ashton at kay Arcu.

"This is Arcu, he's my buddy. We live here in the forest." Napakunot ang noo niya sa sinabi nito.

Wala namang bahay sa gubat ah. Papaanong dito ito nakatira?

Hindi na lamang siya nagtanong at naglakad na pauwi.

"Sigurado ka bang ayaw mong magpahatid?" Isang tango lamang ang isinagot niya kay Ashton at nagpatuloy na sa paglalakad.

Kinabukasan ay muli siyang bumalik sa gubat. Nasanay na kasi siyang laging pumupunta roon kapag nababagot siya sa bahay o di kaya'y kapag wala na siyang mabasang libro.

"Sabi ko na nga ba babalik ka ulit." Felicy shouted when she heard Ashton. Bakit hindi niya naramdaman ang pagsabay nito sa kaniyang paglalakad?

"Can we be friends? Wala kasi akong kaibigang tao." Napatigil siya sa paglalakad nang marinig ang sinabi nito. "What I mean is that, wala akong ibang taong kaibigan na nagagawi rito." Muling napakunot ang kaniyang noo. Hindi niya ito maintindihan.

"You know, si Arcu lang palagi ang kasama ko." Napatango siya nang sabihin ni Ashton iyon.

Nag-aalangan ma'y ngumiti siya nang matamis. "Sure, from now on, magkaibigan na tayo." Sabi niyang nakangiti kay Ashton.

Nakaramdam si Felicy na parang may lumilipad sa kaniyang tiyan nang makita niya ang pagngiti ni Ashton.

Oo ngumiti na siya sa akin kahapon, pero parang iba ang dating nang ngiti niya ngayon? Bulong ng isip niya.

"Ashton, hindi mo ba alam ang shake hands?" Tanong ni Felicy dahil hindi na naman nito tinanggap ang kaniyang kamay. Pero ngali-ngaling batukan niya ang sarili. Ano ba namang klaseng tanong iyon?

"My hands are dirty, baka madumihan ang kamay mo." Sagot ni Ashton sabay iwas ng tingin.

Hindi niya na iyon pinansin at naupo na lamang sa bato malapit sa tabing ilog.

"Felicy, ilang taon ka na?" Tanong ni Ashton.

"Nineteen, you?" Balik tanong naman ni Felicy habang marahang ibinababa ang paa sa malamig at malinis na tubig.

"Twenty four." Nakangiti ulit na sagot nito.

Nagkuwentuhan lamang silang dalawa hanggang sa inabot sila nang mataas na sikat ng araw. Kaya inihatid na siya ni Ashton pauwi.

Ashton is a good person. Every girl who's looking for a perfect boyfriend, Ashton will fit for it.

Sa edad nitong bente y kuwatro ay malaki ang pangangatawan nito. Matangkad rin at hindi maipagkakailang guwapo. Matangos ang ilong nito, may mahahabang pilik at makapal na kilay. Manipis rin ang labing nitong mapupula. Nakadagdag sa kaguwapuhan ni Ashton ang mahaba niyang buhok na kulay abo.

Weird, but she finds it cool. Ngayon lang kasi nakakita si Felicy nang ganoon. Usually sa mga anime o 'di kaya'y sa manga niya lang iyon nakikita.

"Uhm, is there something on my face?" tila naiilang na tanong sa kaniya ni Ashton. Kaagad niyang inilihis ang tingin at pasimpleng sinapo ang mga pisngi.

"I'm sorry. Masyado lang akong namamangha sa hitsura mo. Kaya hindi ko mapigilang titigan ka." nangingiwi niyang sagot.

"Sa Lurcan ka ba nag-aaral?" tanong ni Ashton habang hinihimas nito ang alagang si Arcu na nasa gitna nila. Kung hindi lamang mabait si Arcu'y baka lumipat siya ng puwesto. Masyadong mabangis ang hitsura nito. Kakaiba ang kulay at tila anumang oras ay lalapain siya kapag hindi nakatingin si Ashton.

"Masyadong mahal sa paaralang iyon." sagot niya. Totoong mahal ang tuition fee sa Lurcan. Mayayamang tao lamang ang kayang makapag-aral sa eskwelahang iyon. Isa kasing kilalang tao sa kanilang bayan ang may-ari ng nasabing paaralan. Si Señor Alejo Samañego.

Kilalang mayaman ang angkan ng mga Samañego. Ito ang pinagkukunan ng mga bigas na dinadala sa iba't ibang bayan ng Ciro.

"Hindi naman." maiksing sagot ni Ashton na ikinalingon ko sa kaniya. "Sa pagkakaalam ko nga'y muling magbubukas ang Lurcan para sa mga magiging scholars ngayong taon. Kung gusto mo, ipapalista kita." nakangiting dugtong nito.

Bigla siyang naguluhan. Kung gusto siya nitong ipalista, ibig sabihin sa Lurcan ito nag-aaral? "Anong family name mo?" tila wala sa sariling tanong niya.

"Kailangan ko nang umalis, Felicy. Kung gusto mong malaman ang pangalan ko, pumunta ka sa munisipyo ng Ciro sa isang linggo. Aantayin kita roon." sabi nito bago siya patakbong iniwan.

Labis ang pagtataka sa kaniyang isipan. Sino nga ba si Ashton?

-

"Nandito ka na naman." Nakangiting bungad sa kaniya ni Ms. Abi. Nasa mga kamay nito ang ilang folders na katatapos lang yatang tingnan. "Ano iyang binabasa mo?"

Maliit ang ngiting napabalik ang tingin ni Felicy sa hawak niyang libro. "Kwento ng Afiora."

Isang matamis na ngiti ang gumuhit sa mga labi ni Ms. Abi. "Alam mo bang may kwento rin ang Ciro?" tanong nito na ikinalaki ng mga mata ni Felicy.

"Talaga? Meron bang libro iyon dito Ms. Abi?" tanong niyang nasasabik malaman kung anong kwentong meron ang bayan niya.

"Nabasa mo na iyon. Kaya lang nalaman ko na ang buong kwento'y nasa silid aklatan ng Lurcan." Mabilis na nagsalubong ang mga kilay niya nang marinig ang sinabi ni Ms. Abi.

Lurcan? Pangalawa na ito na bumanggit sa eskwelahang pinapangarap ng ilan.

"Naku, mukhang hindi ko yata mababasa ang librong iyon." mababa ang boses na sagot ni Felicy bago muling itinuon ang pansin sa binabasang libro.

"May paraan naman."

Nagtatakang napatingin siya sa kaharap. "Ano po?"

"Actually, I'm here to give you this." Nalipat ang tingin ni Felicy sa papel na inilatag ni Ms. Abi sa kaniyang harap. "Fill this out, form iyan para sa pagpasok mo sa Lurcan."

Nanlaki ang kaniyang mga mata. "Pero wala po akong perang pangbayad. Mayaman po kami, pero kulang pa rin, lalo pa't puro anak ng mga namumuno sa mga bayan ang pumapasok sa school na iyan Ms. Abi."

"Sinabi ko bang magbabayad ka?" sabi nitong ikinanganga ni Felicy. "Ang school natin ay hawak ng Lurcan. Kaya madali sa amin ang ipasok ka sa school na iyon. Isa pa'y magiging scholar ka, kaya wala kang iintindihin." paliwanag nito na tila nagpaliwanag sa utak ni Felicy.

"Totoo po?" hindi pa rin makapaniwalang tanong niya.

"Totoo." sagot nito. "Oh siya sige na, umuwi ka na't mag-asikaso. Bukas ang biyahe natin papuntang Lurcan." sabi pa nito bago siya iniwan.

Simula nang umalis si Ms. Abi ay tila hindi pa rin matanggap ng utak ni Felicy ang mga nangyayari.

Papasok siya sa Lurcan?

Ibig sabihin makikita niya si Ashton?

Herian: Touch [COMPLETED]Where stories live. Discover now