Wakas

1.3K 50 9
                                    

AN: Sabi ko nga, hindi mahaba ang story na ito. Kaya pasensiya na po kung hanggang dito na lang ang kwentong ito. Maraming salamat po sa mga nagbasa at sumuporta.

-Pixie.

---------


Let's make love, right here, right now.


"Felicy!" naulinigan niyang tawag sa kaniya.

Marahan niyang iminulat ang kaniyang mga mata. Sumalubong sa kaniya ang mukha ni Ms. Abi na may bakas ng pag-aalala sa mga mata.

"Ms. Abi."

"God! Humahagulgol ka habang natutulog. Anong napanaginipan mo?" nag-aalala nitong tanong.

Kaagad kumunot ang kaniyang noo.

Panaginip?

Mabilis niyang inilibot ang tingin sa paligid. Nasa silid-aklatan siya ng kanilang eskwelahan. Nasa harap niya si Ms. Abi na tila naguguluhan sa inakto niya.

"W-Wala po." tugon niya rito bago tiningnan ang mga librong nasa harap niya. Basang-basa ang isang libro ng kaniyang mga luha. Napapangiwing napatingin siya sa kaharap.

"Hayaan mo na iyan." nakakaunawang sabi nito bago inabot sa kaniya ang isang panyo. Kunot ang noong pinagmasdan niya iyon.

"S-Si Mr. Lance?" tanong niya rito. Pero mabilis na inilihis ni Ms. Abi ang kaniyang tingin.

"Ngayon ang araw na pupunta ang mga nakapasa sa Lurcan. Kailangan mong pirmahan itong memoran—." Hindi pa man nito natatapos ang sinasabi'y kaagad na pinirmahan ni Felicy ang lahat ng dapat pirmahan sa form na ibinigay ni Ms. Abi.

Duda siyang panaginip ang lahat. Pakiramdam niya'y totoong nangyari ang mga iyon. Lahat, ang pagdating ni Lancelot Samañego, pati na rin ang mga panaginip niya sa mga nakaraang taon.

"Hindi halatang gustong-gusto mong ihatid ang mga estudyante." nasisiyahang sabi ni Ms. Abi.

"Nanaginip ako ng tungkol roon, Ms. Abi. Every bit of it was so real. Hindi ako naniniwalang panaginip lamang ang lahat." sabi niyang ikinamaang ni Ms. Abi. "I can feel it! His touches, the way he hugged me. His lips, everything! Alam kong totoo iyon!"

"Felicy..." muling tawag ni Ms. Abi sa kaniya. Bakas rito ang tila tinitimbang na damdamin.

"Mauuna na po ako, baka nag-aalala na si Lola sa akin." paalam niya sa kausap. Pero ang totoo'y plano niyang tumungo sa gubat para talagang mapatunayan na hindi panaginip ang lahat.

Alam niya iyon! Ngunit may kung anong lambon sa kaniyang isipan. Alam niyang nangyari na ang lahat ng iyon pero kapag babalikan niya sa isipa'y parang may kung anong nakaharang na siyang pumipigil sa kaniyang abutin ang kung anong gusto niyang abutin.

Mabilis ang ginawa niyang pagtakbo. Nang makarating sa bungad ng gubat ay tila tinambol ng kaba ang kaniyang dibdib. Nariyan na naman ang pakiramdam na parang may nakasama na siya sa gubat na ito.

Lakas ang loob na pumasok siya kahit na ba medyo papalubog na ang araw. "Arcues! Ashton!" sigaw ni Felicy. Iyon ang mga pangalang paulit-ulit na isinisigaw niya sa panaginip.

Ramdam niya ang pamumuo ng kung ano sa kaniyang dibdib. Takot, lungkot at pangungulila.

"Arc—," natigil siya sa pagsasalita nang makita ang isang bulto ng tao mula sa di kalayuan. Kasama nito ang isang hayop na sa tigin niya'y alaga nito. Malakas ang pakiramdam niyang ang lalaking nakita niya sa ilog at ang lalaking nakita niya ngayon ay iisa.

Herian: Touch [COMPLETED]Where stories live. Discover now