Chapter 13: Help part II

232 11 6
                                    

MIKE's POV

 <p>

Its all ready 9pm. Halos one and a half hours narin ang nakakalipas matapos kong makipagbakbakan sa grupo nila Ruzzel. Akala ko nung una hindi ko sila kaya dahil malalaki sila, pero nung makita ko ang nakakaawang posisyon ni Glydel kanina sa loob ng Room Biglang dumilim ang paningin ko at nakalimutan kong malalaki sila. Mabuti na nga lang nagawa ko siyang ipagtanggol.

~~~

Pagkatapos ng nangyari saamin sa School niyaya na ako ni Glydel umuwi gagamutin daw nya kasi ang mga sugat ko. Nung una umaayaw ako kasi di pa nga ako nasakay sa ferris wheel pero sa huli sya parin ang nasunod.

 **FLASHBACK**

Hindi ko alam kung bakit pero hindi ako makatulog. 30mins ng natutulog si Glydel sa Dibdib ko. Gusto kona nga umalis dahil gusto ko ng sumakay sa Ferris Wheel, Pero gusto ko parin manatili sa posisyon namin ngayon..

Aist ang gulo!!

>_<

Bakit ganun? Pag tinitignan ko si Glydel ay parang may nag uudyok saakin na lumapit sa kanya.?

Parang...

...

Parang gusto ko siyang halikan..

Pero HINDE!! Hindi pwede!!

Hindi naman ako yung tipong magte take-advantage sa walang kalaban laban na babae eh.

^____^

"Ibang klase ka talaga." sabi ko ng mahina habang pinagmamasdan syang matulog.

"Bat ba lagi kang napapasok sa ganitong gulo? me balat ka siguro sa puwet noh?"

Natawa ako. "Pero hayaan mo naririto lang ako.. Handa kitang protektahan hanggang sa makakaya ko."

Naramdaman kong gumalaw sya sa Bisig ko.

Pumikit ako. Ewan ko ba, pero nag papanggap akong tulog pa.

Tahimik ng ilang sandali. Hanggang sa maramdaman ko na naman ang daliri nya sa gilid ng labi ko.

Nag salita sya ng mahina.

"Sorry Mike ah. Kasalanan ko to eh. Kung hindi dahil sayo baka may nangyari saakin."

Ang sarap naman sa tenga ang mga sinabi nya.

Kung alam mo lang Glydel, na handa kong ibuwis ang buhay ko para maprotektahan ka.

Gumalaw siya. Parang humarap sya saakin. Natukuran pa nga ng tuhod nya ang hita ko eh! Ang saket!

Potek! Muntik na kong mapa-aray eh!

My Angels: Im A Lover Butler And She's My Boss [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon