Chapter 24: The New Beggining

181 11 6
                                    

<p>

 ONE WEEK LATER...

~~~~

GLYDEL's POV

One week na ang nakalipas simula nung niligtas ako ni Mike.

 Wala kaming ibang pinagsabihan tungkol sa nangyari Dahil ayaw na naming lumala pa ang gulo. Kahit kay Best hindi ko sinabing kinidnap ako dahil baka mag hesterical lang yon.

+

And after that incident, hindi kona nakita ang grupo nila Vivien. At kahit si Annabelle ay naglahong parang bula. Nag drop sya sa University at nawalan na kami ng balita sa kanya.

Maaring bumalik sya sa Canada at pwede ding nag transfer sya sa ibang University. Pero wala talagang nakakaalam kung nasaan ang babaeng yon XD

+

Kamusta na ako?

Well, okay na ako at hindi na ako galit kay Annabelle. Parang humupa na nang tuluyan yung inis, galit, selos ko sa kanya...

Hindi ko rin naman sya masisi dahil nagmahal lang sya. Lahat naman tayo gagawin ang lahat para sa pagmamahal...Maging mabuti man ito o masama.

+

Lunes ngayon, walang pasok. Dahil may meeting ang lahat ng professor.

Ewan ko ba! Pero kahit sa college, nawawalan din ng pasok dahil sa meeting ng mga teacher. I think sa highschool lang nangyayari to XD.

+

Lumabas na ako sa kwarto ko at tinungo ko yung Kitchen.

Inilibot ko ang paningin ko. Gusto ko mag bake pero hindi naman ako marunong, nakakabored na kasi halos pare-pareho ang ginagawa ko araw-araw. Ayoko naman manuod ng TV dahil sawang-sawa na ako. Isa pa nandoon si Mike at nanonood ng Movie.

Nangalumbaba ako sa lamesa. Wala akong maisip gawin.

Gusto ko sana pumunta kina Jellyca dahil hindi pa ako nakakapunta sa bahay nila. Kaso baka nandoon si Daniel at baka ma-OP lang ako dun, syempre bonding moments nila yun

-___-

Nag-iinat na tumayo ako. Alam kona ang gagawin ko. Maglalaba nalang ako.

Pumasok ako sa Laundry Room. Nasa pink na hamper ang mga damit ko habang sa isa naman na kulay blue ay kay Mike.

Kadalasan nung nasa mansion pa ako si Manang Belen ang kasama ko maglaba, kaya safe ang damit ko.

"Hmmm, nasaan na kaya yung tide?"

Isa-isa kong binuksan ang cupboard. Napangiti ako ng makita ko yung isang box ng tide at kinuha ko iyon.

My Angels: Im A Lover Butler And She's My Boss [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon