CHAPTER 19

173 7 2
                                    

Habang nasa lamesa..di mapigilan ni julia na magtanong sa ina nito….Speechless pa rin si Bianca sa mga narinig..si Ryan naman…nakatingin lang kay Julia.

“mom? May tinatago ba kayo sa akin? May di kayo sinasabi?” ang tanong nito sa ina,ngunit di makatingin sa kanya nang deretso dahil guilty ito.

Biglang tumayo si Julia at sinabihan si ryan na umuwi na muna..dahil may tension na naman sa gabing ito…

“pero Julia…”iyon na lamang ang nabanggit ni ryan dahil pinilit na itong pinauwi ni Julia…..

Pagkalabas ni ryan nang bahay,may kung anong pakiramdam na di niya gusto,kinakabahan ito.Na baka magkasagutan ang mag-ina.Ang daldal kasi ni ryan..bakit kasi nasabi pa niya ang mga bagay na yon.Lagot.

Bumalik si Julia sa dining room at doon tinanong ulit ang kanyang ina….

“mom??? May inililihim ba kayo sa akin? Nam Kyoung Jae? Si dad yon di ba? May ari nang NKJ Ent.? Alam niyo ba to lahat mom?” sunod na sunod na tanong ni Julia…

Tumayo ang mom ni Julia at lumapit sa kanya,pero nag aalanagan si Julia sa ina,natatakot ito sa maririnig.Si Bianca nandun lang sa tabi,walang imik at parang alam na nito ang mangyayari.

“Julia,anak. Makinig ka muna sa mommy ok? “ sabi nito habang hawak niya ang kamay nang anak niya..at umupo sila sa coach para pag-usapan.

“mom…sabihin niyo.wag naman ganito…” naiiyak na si Julia sa harap nang ina.

Bago ito nagsalita,hinawakan muna niya nang mahigpit ang kamay ni Julia.Dahil alam na niya ang magiging reaksyon nito.

“hmm..anak,yes..Ang pamilya nang dad mo ang may ari nang company na yon,kaya name nang dad mo ang ginamit kasi nag-iisang anak siya.And ang lolo mo ang ayaw sa atin….” Biglang nalungkot ito habang sinasabi kay Julia ang lahat..pero paano niya sasabihin patay na ang ama ni Julia.

“ang lolo? Kaya iniwan tayo ni dad? Nasan si dad mom??” nagiiyak na si Julia sa ina…” buhay pa siya dib a? sabi mo pupunta tayo pero di lang tayo natuloy….mom…gusto kung Makita si dad now!” pagpupumilit ni Julia sa ina.

“wala na ang dad mo” ayaw na niya itong lihim sa anak,ayaw niyang umaasa pa si Julia saw ala.

Biglang napatayo si Bianca sa kinauupuan,laking gulat nito sa narinig…

“anong sabi niyo?..si dad? Patay na? no!!!!” lalong umiyak si Julia sa narinig.Di nito matanggap dahil hindi pa niya naiilabas ang galit sa amang nang iwan sa kanya.

Samantala,nasa labas lang pala nang pinto si ryan..hindi ito umalis dahil alam niyang may mangyayari sa gabing iyon,hindi na kayang pakinggan ang iyak ni Julia,dahil nasasaktan din ito.Tinakpan niya ang mga tenga at umupo sa labas nang pinto.Hindi siya aalis hangga’t hindi ok si Julia….kasalanan niya lahat ito,dahil kung di daw siya nagsalita sana hindi umiiyak ngayon si Julia.

“kelan mo to nalaman mom?”iyak pa rin si Julia…”bakit di niyo sinabi sa akin,para akong tanga! Na dapat pumunta na ako sa libingan ni dad!” mukhang sinisisi na ni Julia ang ina nito..

“anak.sasabihin ko naman sayo,kaso…” di naituloy nang ina nito ang sasabihin.

“kaso ano mom? Itatago niyo na lang sakin habangbuhay? Kaya ba gusto mo nang umalis tayo dito? Paano kung natuloy tayo kanina? Sa libingan mo pala ako dadalhin mom?!!! I can’t take this anymore!” at biglang tumayo si Julia at deretso sa pinto…tumakbo ito palabas.buti na lang lumipat si ryan sa loob nang kotse nito.At doon niya nakita si Julia na tumakbo Palabas.

Habol nang tawag si Bianca at ang mommy nito..Biglang bumaba si ryan sa kotse nito at pinigilan si Bianca at ang mom nito..

“ano po ang nangyari tita?” tanong nito.

CAN YOU HEAR MY HEART?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon