CHAPTER 22

218 7 0
                                    

Nagkataon na on the same day nang event ay ang araw na lilipad sila Julia puntang America…hindi pa alam ni Julia kung paano niya ito sasabihin kay ryan.Dahil busy si ryan sa mga rehersals and walang tigil na practice.

Tatlong araw bago ang event..hiniling niya magkita sila ni ryan ngunit di magawa ni ryan dahil napaka hectic nang schedule nila…kahit siya ang apo nang company wala itong magawa.

Simula na naging ok sila nang lolo niya halos everyday pumupunta siya sa mansion para bisitahin ang kanyang lolo.Kahit na sinabihan na siya na lumipat doon ay hindi pumayag si Julia dahil ayaw niya humiwalay sa ina nito.Ni hindi sila nagkikita ni ryan…ayaw nang lolo niya.

“lolo! Im here!” masayang pumasok si Julia sa malaking sala bitbit ang pasalubong nito sa kanyang lolo.Ang homemade kimchi nang mommy niya.

“oh apo ko…ano yang dala mo?” paglabas nang kanyang lolo sa opisina nito.

“kimchi po lolo,gawa ni mommy” sagot nito at sabay hug sa kanyang lolo.at naglalambing.

“lolo….pwede ba ako pumunta dun sa dorm nila ryan?” habang kaharap ang kanyang lolo sabay pa cute.”hmmm? juseyo…lolo” sabi pa nito.

“hindi pwede apo…bawal ka dun at babae ka pa…and also baka masundan ka pa nang mga reporters,mahirap na.” sabi nito kay Julia.sabay laglag naman nang mukha nito.

“hay naku apo….nagseselos na ako kay ryan ha..”kunwaring nagtampo ang kanynag lolo.

“ehhhh lolo naman…syempre..sa ngayon ikaw ang unang lalaking love ko” bawi nito sa lolo niya.

“totoo ba yan?”tanong nito sa apong kanina pa naglalambing.

“opo! Hehhee” at sabay yakap na naman sa kanyang lolo.

Samantala…..si ryan hindi na magkaundagaga sa pag papractice buong araw…kailangan kasi maging successful ang magiging performance nila.Na mimiss na niya si Julia..at alam na rin niyang ok na sila nang lolo niya.Masaya si ryan sa nangyari at ngayon kailangan lang niyang patunayan sa lolo ni Julia na deserving siya kay Julia.Walang alam ang mga kapwa niya members sa relasyon nila ni Julia…dahil pag nangyari yon alam niyang magagalit ang mga ito.Kaya itatago na muna nila hanggat kaya pa.

Pumunta si ryan sa backdoor para tawagan si Julia..ilang araw din naman na di sila nagkikita kaya sobrang miss na niya ito…

“hello…..bakit?”tanong agad ni Julia.

“I miss you so much” yon agad ang nasabi ni ryan..

“miss na rin kita ryan ko…hindi ba tayo pwedeng Makita…ayaw kasi ako payagan ni lolo na pumunta jan eh” sabi ni Julia.

“sorry Julia ko,gusto na din kitang Makita…pero sa ngayon Malabo pa..hirap na hirap na ako…ikaw kasi ang lakas ko…kawawa nman ako” paglalambing ni ryan.

“ahhhh…ryan ko,hindi ko kasi alam kung anong gagawin,babalik na kami sa America…kaso paano si lolo dito? Ayoko ding mahiwalay kami ni mommy at Bianca….” At last nasabi na niya kay ryan ang gumulo sa isip nito.

“kung gusto mo talagang sumama sa mom mo,ok lang naman yon,,,kaso paano na tayo? And I understand kung ayaw mong humiwalay kayo nang mom mo….” Malungkot na sabi ni ryan..kahit na ang totoo ayaw din nitong umalis si Julia…

“naguguluhan na ako ryan..kailangan na tayong magkita bago kami umalis man lang” sabi nito.

“kelan ba ang flight niyo?” tanong ni ryan.

“sa araw din ang event niyo,ryan ko” mahinang sagot ni Julia.

“huh?! Pero……Julia.” Hindi alam ni ryan kung ano ang sasabihin dahil kahit siya nagulat din.

CAN YOU HEAR MY HEART?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon