CHAPTER 17

187 7 7
                                    

Flashback………

                     

Maagang nagising si Ryan dahil sasaglit muna ito sa company nila,bago ito makikipag-kita kay Julia.On his way,nagtataka si Ryan kung bakit gusto siyang Makita ng CEO.Kasi simula nang dumating sila galling Jeju din a sila nagkita o nag-usap man lang.

Nagtataka si Ryan kung bakit siya pinatatawag ni Mr.President nang ganun kaaga,kailangan pa naman niyang makipag-kita kay Julia ng 9AM.

Pagdating niya sa company nila,agad siyang dumeretso sa Presidents Office.Pagka bukas niya nang pinto agad niyang nakita si Mr.Nam na nakaupo sa coach….

“good morning po Mr.President…” wika nito at sabay yuko ng ulo.

“good morning,ryan…maupo ka..” seryosong sabi nito.

At dahan dahan itong lumapit at saka umupo sa harap ng CEO..

“kamusta naman ang practice niyo?” pasimpleng tanong ni Mr.Nam sa kanya..pero parang kinakabahan si ryan sa mga oras na yon.

“ah….o…ok.. naman po Mr.President,sa ngayon po wala po kaming schedule,but starting tomorrow we are going to practice harder for the said event,Mr.President…” ang  paliwanag ni ryan.Nakita niyang nakatitig lang si Mr.President sa kanya…

“ok…I will not take this any longer…. I saw you yesterday… with a girl? Who is she? Your gf? “ ang deretsong tanong nang CEO.Sobrang nagulat si ryan sa sunod sunod na tanong nang CEO.Di niya tuloy alam kung paano sasagutin lahat ito.Dahil simula pa lang alam niyang ipinagbabawal sa kanila ang pakikipag relasyon,dahil maapektuhan daw ang kanilang career.

“Mr.President….kaibigan ko lang po siya…hanggang dun lang po yon…sorry po” sambit ni ryan..habang nakayuko ito.

“Alam mong bawal kayong makipag kita sa mga babae..hindi ba? Iniiwasan natin ang mga scandals na makaksira sa career ninyo.” Ang madiin na sabi ng CEO.

“opo…im sorry po…pero were just friends CEO…di naman po ako sisira sa rules natin…” paghingi nang paumanhin ni ryan,kasalan din naman niya kung bakit di siya nag ingat sa mga lakad niya at ang CEO pa ang nakakita sa kanya…

“ngayon pa lang ryan…putulin mo na ang pagkakaibigan ninyo nang babaeng yon….” Wika ng CEO……

“pero Mr.President……..” yon na lamang ang nasabi ni ryan nang makitang tumayo na ang CEO.

“dahil ang pagkakaibigan nayan,hahantong yan sa pagmamahalan…hindi ba? Tama ako?” ang tanong nang CEO kay ryan….nang lumingon ito sa kanya..

Di man lang makatingin si ryan nang deretso dahil totoo ang sinasabi nito..OO,mahal nga niya si Julia…pero di ito hadlang  sa pagmamahal na yon dahil kaya niyang ipaglaban ito.

“aaminin ko po Mr.President….i like her…” sambit ni ryan. Nang biglang napalingon na naman ang CEO sa kanya…

Ang totoo,ito ang kinatatakot ni Mr.Nam na marinig,dahil mauulit na naman ang nangyari noon,Pero hindi ito papayag sa narinig kay ryan…

“hindi mo pwedeng mahalin ang apo ko!” bigla itong nagalit kay ryan..Bumalot nang nakakatakot na boses ang loob nang kwarto..Sa gulat ni ryan,napatayo ito sa kinauupuan niya…

“a….po…ninyo? si….julia?” na shocked si ryan sa narinig,ang totoo takot na takot ito kay Mr.President.Dahil alam niyang hindi basta basta ang magiging hadlang niya sa pagmamahal kay Julia….

“yes! Apo ko si Julia…malaki ang kasalanan ko sa batang yon,kaya hindi ako papayag sa gusto mo…na mahalin mo siya? Dahil ayoko nang maulit pa ang nangyari noon,naiintindihan mo ba ako ryan?! Madiin na sabi ng CEO kay ryan…

“hindi ko po kayo maintindihan…..hindi po maitutuwid nang isang pang kasalan ang nangyari noon…si Julia po ang nawalan ng ama…dahil sa inyo,Mr.President..” ang  sabi ni ryan,nilakasan na nito ang loob para at least magising si Mr.Nam sa katotohanan..

“anong alam mo sa nangyari ryan? Ha?! Walang kang karapatang pagsabihan ako nang ganyan…!” ito na lamang ang nasabi ng CEO dahil alam niyang totoo ang sinasabi ni ryan.

“alam niyo po ba na…..,sabik siya sa isang ama? At alam niyo po na sa araw na ito,makilala na niya ang kanyang ama?” pagkatapos ni ryan sabihin ang mga katagang ito…nagpaalam na ito sa CEO..pahakbang pa lamang siya patungo sa pinto..nabigla ito sa narinig kay Mr.Nam…

“Patay na ang daddy ni Julia…matagal na…pakiusap ryan,wag mo tong sasabihin sa kanya…” biglang nag iba nang tono nang pananalita ang CEO.

PREVIOUSLY…..

Patuloy pa rin sa pagparinigan ang dalawa…at sobrang nag eenjoy si Julia sa tabing dagat…nakakhinga sya nang maluwag at nakakapag-isip…

“kaya mo siyang ipaglaban? Kahit mawala lahat sayo? Ang career mo?” tanong ni Julia kay ryan..

“oo naman…dahil kung sakali…siya ang lahat sakin…” ang maikling sagot ni ryan..

Bigla namang kinilig si Julia sa narinig kay ryan,may tao pa palang katulad niya..di mapigilan ang ngiti ni Julia…

“whoah! Ang drama mo! Hehhe “ pabiro ni Julia.

“bakit ka natatawa? Im serious,Julia…she will be my everything….” Seryoso nga si ryan sa sinasabi…

Kahit alam nito ang magiging consequences sa mga gagawin niya…

“she’s so lucky if ever…sana…….” Di natapos ni Julia ang sasabihin nang biglang lumapit si ryan sa kanya halos magdikit na ang mga mukha nila…

Di makagalaw si Julia dahil sa isang paling e madadali nito ang lips ni ryan,di niya alam kung ano ang nasa isip ni ryan sa mga oras na yon,kinakabahan tuloy si Julia.

Sa sobrang lapit ni ryan sa kanya,halos naririnig na nito ang heart beat ni ryan at alam niyang ganun din siya kay ryan……amoy na amoy niya ang pabango ni ryan at mas gwapo pala ito sa malapitan….

Gusto na niyang makawala sa oras na iyon ngunit may kung anong tibok nang puso ang nangingibabaw sa kanya…dahil ang totoo mas una niyang minahala si ryan,nung araw na nakita niya ito sa park…

Pero nangingibabaw ang takot kesa sa pagmamahal niya,at iyon ang gusto niyang ipaglaban….sa narinig kanina kay ryan, sa pag aamin nito,doon niya naramadaman ang totoong happiness na sinasabi nila kapag mahal mo ang isang tao….

Ilang sandali…..nangyari ang di inaasahan…hinalikan siya ni ryan ng buong pagmamahal…inumipsahan ni ryan sa noo,sa ilong  at kanyang malambot na bibig…parang nasa mga romantic drama sila sa mga oras na iyon.

Sumang ayon ang panahon sa mga oras na iyon…walang tao sa paligid at tahimik.Alam ni ryan na kinabukasan magiging iba ang takbo nang buhay niya,pero di ito natatakot,dahil alam niyang umaasa si Julia sa kanya…

Biglang na realize ni Julia na mali ang gingawa niya,kumalas ito sa pagkakayap ni ryan….

“ryan….mali ito….umuwi na tayo..’ sobrang kinabahan si Julia.

“im sorry,Julia…..i really like you…please trust me” ang sabi ni ryan ngunit huli na dahil tumayo si Julia at tumakbo palayo sa kanya…

“julia! Mahal kita!!!!” ang sigaw ni ryan,ngunit parang walang narinig si Julia at mas mabilis na tumakbo palayo sa kanya….

Ano kaya ang totoong nararamdaman ni Julia sa mga oras na hinahalikan siya ni ryan….inaamin mahal niya si ryan,dahil hinyaan siyang halikan nito.Ngunit,paano niya sasabihin kay ryan na mahal niya din ito kung ang sinasabi ng utak niya ay hindi.

Hayayaan pa ba ni Julia ang pagkakaton na to? O tatanggapin si ryan nang buong buo.

ABANGAN………

CAN YOU HEAR MY HEART?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon