Kabanata 1

184 5 1
                                    


"The world is not fair, you can only save yourself, that's my mission, soon to be yours"

Tumatak ang mga katagang Ito sakin, parang biglang tinusok nito ang aking puso. Di ako sigurado kung bakit totoo ang mga huling sinabi ng bida sa nobelang hilig kong basahin ngayon. Nakakalungkot isipin na Ito na ang wakas ng kwentong pinaghirapan kong basahin ng ilang araw na rin, gossshhhh 375 pages kaya yun mga bes.

"Christel, tinatawag ka ng Daddy mo" ani sakin ni Yaya Maria. Napatango na lamang ako. Alam ko kasing Hindi maganda ang pagsasama namin no Daddy. Kumbaga, I never felt him as a father figure, oo binibigyan niya ako mg pagkain, pinapaaral niya ako, binibigay niya lahat ng gusto ko. Pero hindi dapat ang mga material na bagay na ibinibigay niya upang maituring ko siyang Ama. Palagi Kasi siyang tutok sa trabaho niya. Isa Kasi siyang President and CEO ng isang sikat na telecommunication company dito sa Pilipinas. Maaaring Yun nga ang dahilan Kung bakit di niya ako pinapansin ng maayos mula pagkabata ko kasi sadyang busy Lang talaga siya.

But no, I think that's not a valid reason not being close to one simply because his busy. Naniniwala talaga ako na may bumabagabag sa kanyang puso't isipan kung bakit di niya akong kayang pansinin at mahalin.

"Come here Christel" saad ni Daddy na ngayon naman ay walang kibo. Di pa ako nasanay, ganito naman talaga parati si Daddy eh. "Yes po?" tanong ko naman. Dahan dahan akong lumapit sa kanya. Nakaupo siya ngayon sa couch sa loob ng kanyang opisina.

"I need to tell you som-----" di niya na natapos ang sasabihin niya nang biglang bumukas pinto ng Home Office ni Dad. "Sir I'm sorry if I disturb you but I need to inform you that---" nanginginig na sabi ng isang kasamabahay dito saaming bahay, parang kinalabutan din ako sa mga nangyayari ngayon.

Di ko Alam pero biglang napatulo na lang mga luha ko. "That what?" tanong ni Dad, napapanginig din siya sa bawat ibabagkis na salita ng among kasamabahay. "Wala na po si Sir John"

"Wala na po si Sir John"

"Wala na po si Sir John"

Paulit ulit kong naririnig ang mga salitang iyon mula sa aming kasambahay. Di ako makapaniwala. Agad namang tumakbo si Dad sa kwarto ni kuya. Bago siya umalis tiningnan niya muna ako ng malalim. Tinutusok ng kanyang pagtitig ang damdamin ko, na pawang ako ba ang may kasalanan kung bakit wala na si Kuya.

Naistatwa naman ako sa aking kinatatayuan. Kahapon lamang nung niyaya ako ni Kuya John kahapon na at samahan siya sa paglaro ng online games, ngayon wala na siya..

(Kahapon)

Nakatulala ako ngayon sa aking kwarto. Di naman ako hinahayaan no Dad na lumabas ng aking kwarto dahil masama raw Ito para sa akin, makapagpapalala lamang Ito ng sitwasyon ko. Birthday ko din ngayon, naiingit nga ako sa ilang mga kaklase ko na nakikita ang mga post nila sa Facebook at Instagram kasama ang pamilya nila tuwing kaarawan nila, samantalang nandito ako ngayon sa kwarto ko, buo pero damdamin ko'y durog, malusog pero puso ko ay naghihinagpis sa sakit ng damdamin.

Nagulat na lamang ako ng biglang may kumatok sa kwarto ko sa gitna ng aking pag iyak. "Hoy bunso, di mo ba ako papansinin? So Kuya John mo Ito. Happy Birthday to you, Happy Birthday to you!" pag awit niya. Binuksan ko naman yung pinto at nabigla ako ng makita ko isang napakalaking kahon at may dala Sala siyang Cake at Rosas. "Alam Kong paborito mo ang Red Velvet Cake kaya yan ang binake ko" siya pala ang nabake nito? Grabe si Kuya sa pag effort. "At alam ko rin na Red Roses ang paborito mong bulaklak. At huli alam ko rin na matagal mo nang pinapangarap Ang laptop na Ito pero ayaw no Dad na ipabili kasi makakasama raw sayo" Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lamang napatulo ang mga luha ko. Ngayon lang ako nakaramdam ng matinding kasiyahan sa buhay ko. I never felt the love of someone as much as how my Kuya John loves me at this very moment.

Love equals DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon