Kabanata 5

57 2 0
                                    

Oktubre, 1889

Panibagong tirahan, panibagong buhay. Tila nasanay na ako sa walang katapusan naming paglipat-lipat namin ng tirahan. Ngunit sabi saakin ni ama na magiging maligaya raw ang aming panunulyuan rito sa bayan na ito, siguraduhin niya raw iyon. Subalit sa ilang taon kong nararanasan ang ganitong pangyayari, hindi na ito bago saakin at naniniwala ako na hindi rin totoo ang sinabi ni ama dahil nasisiguro ko na sa mga susunod na Buwan, ibang tirahan nanaman ang aming tutunguhin.

Pagbaba ko ng kalesa, agad naman akong napamangha. Ang gara gara kasi ng mansyon na ito, bukod sa napakalaki ng lupaing sakop ng bahay na ito, angat na angat din Ito sa natatanging disenyo nito na nagpapaangat sa mga karatig na ikabahayan.

"Magandang Umaga po sainyo Binibini" bati saakin ng isang babaeng nakangiti at puno ng sigla. Agad kong napansin ang kanyang mahahabang buhok at kulay tansong mga Mata, ang kanyang kayumangging kulay ang tunay na nagpapaangat sa kanya kasama ng ngiting ubod ng ganda.

"Ako nga po pala si Salvacion" pagpatuloy niya. "Ako po ang inyong magiging tagapagsilbi". Sa totoo lang, kung hindi sa kanyang kupas na kasuotan, di ko mababatid na siya'y tagapagsilbi lamang, ang kanyang gandang nangigibaw ay maaaring iayon sa mga mayayaman.

"Ah Salvacion, tulungan mo muna ang iba pang tagapagsilbi sa paghahanda ng pagkain para sa tanghalian mamaya" tugon ng isang matandang babae.

"Grasya, kamusta ka na?" Bigla namang Sabi ni ama. Nagulat na lamang ako na magkakilala pala sila.

"Maayos naman po ako Señor. Nakahanda na po ang inyong mga kwarto subalit inaayos pa po ang hardin at ang ilang bahagi ng silid-aklatan" tugon naman nung tinatawag niyang Grasya.

"Ah, Siya nga pala, si Aling Grasya ang namumuno ng mga tagapagsilbi rito sa ating Mansyon, siya rin ay katulong ko at ng inyong Ina sa pangangalaga sainyo" paliwanag ni ama, napatango na lamang ako pati na rin ang aking mga kapatid.


Pagpasok ko sa bahay ay agad naman akong napamangha sa kakaiba nitong kagandahan. Lahat ng muwebles nito ay halatang mamahalin at lubos na inaalagaan ng mga naglilinis nito. Ang bawat sulok ng bahay ay may kung anong gintong palamuti, ito may maging hawakan o kagamitan sa kusina.

Ako pala ay panghuli sa tatlong magkakapatid na nagngangalang Patricio at Valeria. Ang kanilang mga pangalan ay hinango mismo sa pangalan ni ama at ina; Paciano at Victoria.

Komportable ang aming pamilya, si ama kasi ay kilala bilang isa sa pinakamaunlad na mangangalakal sa bansa, kaya't di kami humihinto sa iisang lugar lamang. Nais kasi ni ama na parati kaming kasama sa kanyang mga paglalakbay dahil ayon sa kanya, kami raw ang nagbibigay lakas at katatagan sa kanya tuwing siya'y nasa trabaho.

Malaki rin ang impluwensiya ni ama sa pamahalaan, bilang isa sa mga tanyag na mangangalakal sa bansa, di mapawaring malapit siya sa mga politiko, lalo sa Gobernador-Heneral. Kaya nga ganoon na lamang kadali sa kanya makuha ang dating tirahan ng Gobernador-Heneral na ngayo'y aming tinutuluyan.

Samantala si Ina naman ang isa sa mga ginagalang na babae sa mga lugar na aming pinupuntahan. Bukod kasi sa natatangi nitong ganda, higit na hinahangaan siya sa kaniyang napakagandang asal. Matulungin kasi si Ina lalo na sa nangangailangan, hindi rin siya mahirap kausapin at parating pinapanigan ang tama.

Ang dalawa kong nakakatandang kapatid ay may kanya-kanya na ring tinatahak na daan. Ang aking Kuya Patricio ay nag-aaral ng medisina, ang aking Ate Valeria ay may planong mag madre at papasok na sa simbahan sa susunod na taon.

Ako naman? Heto, wala paring direksyon sa buhay, nais ko rin sanang magsilbi sa simbahan subalit ayaw ng aking mga magulang. Nais raw nilang makita ang isa sa kanilang anak na babae lumakad sa altar at maikasal. Subalit wala naman akong pinupusuan na lalaki, halos lahat kasi ng lumalapit saakin at aakyat ng ligaw ay di ko naman gusto. Ayaw naman nina Ama at Ina na mapasok ako sa isang relasyon na di ko naman mahal ang makakasama ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 24, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love equals DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon