Bakit, bakit pangalan ko?
Napasigaw na lang ako sa takot, yun din ang dahilan kung bakit napatakbo na lang papunta sakin ang mga kasambahay sa bahay na ito. "Hija, ayos ka lang?" nag aalalalang tanong sakin ni Aling Maria. "Ahh ahh opo, may ipis lang po kasi akong nakita" pagsisinungaling ko, "Ay pagpasensyahan mo na, luma na rin kasi ang bahay" tugon naman nito, "hayaan mo magsspray ako dito mamaya" dagdag pa niya.
Napatingin na lang ako sa aking higaan pero wala na ang notebook, wala na ito. Tumaas na lamang lahat ng balahibo saking katawan, hunted house ba ang place na to? Ghaaaddd lord help me please. "Sige na hija, aalis na ako" pamamaalam ni Aling Grace pero pinigilan ko siya at hinawakan ang kanyang braso ng sobrang higpit. "Ano ba yun hija?" Tanong nito, "Ahmm ilibot niyo naman po ako sa bahay na ito" sabi ko. Napatango na lamang siya.
Dinala muna ako ni Aling Grace sa kusina, grabe spanish era pa talaga tinayo ang mansyon na ito, luma na kasi yung kabinets pero sobrang ganda parin, yung mga handle naman gawa sa ginto. Wow! Yung countertops naman marble, ang yaman ng may ari nito for sure. Sunod naman naming pinuntahan yung dining area, Wow, wow lang talaga masasabi ko. Yung feeling na para kang nasa loob ng isang palasyo kasi sa laki. May limang chandelier sa ibabaw ng napakahabang mesang gawa sa narra na may gold lining. May malalaki ring bintana na nagpapakita ng napakalaking hardin. Pinuntahan din namin yung music room, art room, ilang mga banyo, dalawa pang sala at iba pang kwarto na di ko na matandaan kung para saan, maliligaw ako sa bahay na to, may sarili pa nga silang prayer room eh.
Hindi ko naman maitanong kay Aling Grace kung kanino ang bahay na Ito, siyempre naninibago pa ako sakanya. Pero sinabi naman niya sakin na tinayo ang bahay na ito noong 1889, sa mga panahon kung kailan mga kastila pa ang namumuno sa pilipinas. Ito raw dati ang tirahan ng Gobernador Heneral subalit binili ito ng isang mayamang pamilya, kami kaya iyon? Oh libre lang mag assume ah. Ilang beses na rin daw nasunog at nasira ang bahay na ito subalit di parin magiba-giba. Lalo naman ang huling parte ng bahay na papasukin namin ang library.
"Ito hija ang sinasabi ko sayong pinaka original na bahagi ng bahay na hanggang ngayon di masira sira, ang library" paliwanag ni Aling Grace at binuksan niya na ang dalawang malalaking pintuan na gawa sa Acacia. Oh my God, am I dreaming? Goshhh grabe para akong nakapasok sa library ng Hogwarts sa Harry Potter, oo parang ganun siya. Bricks na gawa sa bato ang library at may dalawang palapag, may candle chandeliers din sa ceiling nito at Yung mga lalagyan ng libro, kasing taas ng isang palapag na gusali. "Ito ang dating tambayan ng Gobernador Heneral na nanirahan sa bahay na ito, mahilig siyang magbasa kaya pinagtiyagaan niyang ipunin lahat ng librong nakikita niyo riyan. Nasa ilang libo libro rin ang nakatago rito, subalit di pa kasama sa bilang ang ilang orihinal na gawa ng mga sikat na manunulat dahil naipabili na sa auctions, yung mga perang naipon ang naging dahilan kung bakit hanggang ngayon nakatayo parin ang bahay na ito. Napatango na lamang ako, manghang-mangha kasi talaga ako sa mga nakikita ko, para akong bumalik sa makalumang panahon na di man lang umaatras ng isang segundo ang modernong panahon.
Habang patuloy kaming lumilibot sa ala national museum na silid aklatan na ito, nabigla na lamang ako ng makita ko ang isang bagay na kinakatakutan ko, isang bagay na ayaw ko nang makita muli, yung notebook!
"Parang interesado ka sa notebook na iyon hija ah" tugon sakin ni Aling Maria. No no no, I am not interested in that freaking hunted thing. No no no absolutely no! "Tara ipakita ko sayo" tugon niya. Goshhh why? Kalma Christel kalma. Maganda ka, maganda ka! "Wag kang matakot, hindi naman ata ikaw ang tintukoy ng notebook na iyan" huh? Tintukoy? Ano raw??? Gosh si Aling Grace naman oh.
Linapitan namin yung libro, grabe nanginginig mga tuhod ko ng sobra, as in grabe panginig mga bhes. Sobrang grabe. Binasa ko ulit yung mga katagang nasa cover nito, yun parin ang nakasulat pero ibang pangalan na ang nakalagay,
Kristal Vergara
"S-sino po si Kristal?" Nanginginig kong tanong kay Aling Grace. "Ah hija siya at ang kanyang asawang si Ginoong Eduardo Vergara ang huling tumira sa bahay na ito. "So sila po ang nasa painting sa may Sala?" Sunod kong tanong. "Tama ka hija, sila nga. Subalit may isang malalim na dahilan kung bakit sila na lamang ang huling nanirahan dito, kung bakit kahit kayo ay di na nanirahan rito" tugon niya. Bakit parang natatakot ako sa mga susunod niyang sasabihin. Bakit parang tungkol sakin? Hayssttt Christel kalma, kalma, maganda ka, maganda ka.
"Gusto mo bang malaman kung ano ang ibigsabihin ng katagang Yan?" Tanong sakin ni Aling Grace. Mag oo ba ako sasabihin kong ayaw ko? I don't know why pero napatango na lang ako. Goshhh why body? Why? "Kahit humindi ka kailangan mo paring malaman Ito" tugon niya at sabay tingin sakin ng malalim. Wait what? Kailangan kong malaman?
"Ang ibigsabihin niyan ay sa bawat taong mamahalin mo, katumbas ang kamatayan ng taong iyon" diretso niyang Sabi sakin. Bawat taong mamahalin ko? "Nagkakamali ata kayo--" hindi ko na napatauloy ang sasabihin ko dahil bigla na lang siyang nagsalita. "Hindi ako nagkakamali hija, sampung limang henerasyon ang hinintay ko para sa pagkakataong Ito, limang henerasyon. Kailangan mong labanan hija ang sumpang binigay sayo ni Salvacion" seryoso niyang sabi sakin. "S-sino si S-salvacion?" Nanginginig kong tanong. "Hayaan mong ikuwento ko sayo"
"Si Eduardo, ang iyong great great great great grandfather ay umibig sa isang tagapagsilbi ng mga Vergara sa mansyong ito. Bawal ang pag-iibigan nila kaya tago silang nagmahalan. Ang babaeng minahal niya ay si Salvacion" panimula niya. Tumaas na lamang lahat ng balahibo ko sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya.
"Sa una, hindi pa ganoon kakomplikado ang kanilang mga buhay, oo tago silang nagmamahalan pero totoo at walang halong kasinungalingan ang nararamdaman. Dumating ang panahon na nalugi sa negosyo ang mga Vergara kaya kailangan nilang matali sa isang mayaman at kilalang pamilya upang mapatuloy ang kanilang pamamayagpag sa mundo ng maharlika. Hindi ito alam ni Eduardo kaya nabigla na lamang siya nang malaman niyang nakatakda na siyang ikasal kay Kristal" pagpapaliwanag niya. So arranged marriage pala sila? So hindi pala talaga mahal ni Eduardo si Kristal? Pero bakit sinumpa sila ni Salvacion? Anong koneksyon ko? Goshhh!
"Nang magkausap si Eduardo at Kristal inamin niya na hindi talaga siya ang lamang ng puso niya. Tinanggap naman Ito ng buo ni Kristal dahil buko't sa maganda ito, napakabusilak rin ng kanyang puso ay ayaw din niyang magpakasal sa taong di siya mahal. Gumawa sila ng planong hindi ipagpatuloy ang kasal subalit si sila nagtagumpay. Nalaman parin ng ama ni Eduardo ang kanilang Plano na siya namang kinagalit nito. Gumawa ng kondisyon ang ama ni Eduardo na papatayin si Salvacion kung hindi matuloy ang kasal" dagdag niya. Grabe naman sila. Grabe talaga. Kung ako siguro nasa panahong ito lumayas na lang ako.
"Hindi na muling nagkita sina Salvacion at Eduardo dahil mas hinigpitan ng kanyang ama ang pagbabantay sa bahay na ito, sa mga oras din iyong unti-unti nang umuusbong ang katipunan na siyang pupugsa sa kastila. Dahilan upang hindi maghinala ang mga tao sa mahigpit na pagbabantay" pagpatuloy niya.
"Habang umuusad ang panahon, patuloy namang nahulog si Eduardo kay Kristal. Siya kasi ang pinakamganda at pinakamabait sa lugar nila nung mga panahon na iyon, dagdag mo pa ang yaman nila. Kahit Bata pa lamang sila ay hinahangaan na ni Eduardo ang natatanging kagandahan ng puso niya, kaya't hindi nahirapan si Eduardo na mahalin siya. Plinagplanuhan ni Eduardo ang muli nilang pagkikita ni Salvacion, akala ni Salvacion na muling babalik ang pagmamahalan nila pero hindi, umamin si Eduardo na ayaw niya na, may Mahal na siyang iba" what the f? Goshh ganun na lang kadali iyon? Gerald pala si Eduardo eh. Goshhh.
"Araw ng kasal nila, matindi na din ang labanan sa pagitan ng kastila ang mga rebeldeng grupo. Sa kalagitnaan ng seremonya ng buksan ng isang babae ang pinto ng simbahan, iyon si Salvacion. Duguan siya at punit punti ang damit, halatang dumaan siya sa kahirapan kakabit ang kamatayan! Hindi makakalimutan ang mga sinabi niya noon; 'mahal kong Eduardo tinaksil mo ako, hiniwalayan mo ako. Mula ngayon isusumpa ko ang ika limang henerasyon ng pamilya mo, sa bawat mamahalin niya ay kaakibat ng pagmatay nito gaya ng limang buwan mong pagtusok sa puso ko. Mauulit ang ating kwento subalit ngayon kasing talim ng isang daang espada ang hirap na dadaanan nito, humanda kayo sa pagbabalik ko' kinalasa siya ng mga Guardia civil at walang awang pinatay. Ikaw ang ika limang henerasyon hija"
Napatulala na lamang ako, hindi ko Alam kung ano ang aking gagawin ko. May itatanong Sana ako pero biglang nawala si Aling Grace saking tapat. May bumukas naman ng isang pamilyar na babae, nanginig bigla ang aking mga tuhod s-si Aling Grace?
"Hija, San ka pumunta? Kanina pa Kita pianghahanap?" Hingal na hingal niyang tugon.
Sino kausap ko kanina?
BINABASA MO ANG
Love equals Death
Historical Fiction"Ang pagmamahal ko sayo, hatid ang kamatayan mo"