"Hi, ako si Gabriel"
You know that feeling that the world seems to slow down. Yung parang time just stops, and kayong dalawa na lang ang umiikot sa malawak na kabihasnan ng kalawakan. Iyon ang pagmamahal diba? Iyan ang tinatawag nating LOVE. Pero mamumulat na lang talaga tayo sa katotohanan na sa mga fairy tales lang talaga iyon nangyayari, paano ko masabi? Well...
Napasobrahan kasi ang Lola mo ng titig kasy Kyah Gabriel niyo, kaya naman nung parating yung isang kasambahay; nasagi ako nung tray na may orang juice. So dahil tanga ako diba? Natapon ko kay Kyah Gabriel yung isang baso ng juice, dahilan para mapatalon siya sa gulat, sino ba kasi hindi magugulat sa napakalamig na orange juice? Manhid lang ang hindi.
Hindi talaga nangyayari ang mga "slow mo moment" sa tunay na buhay, yung mga time just suddenly stops, mere fiction lang lahat yan, kasi ang pagmamahal ay hindi naman natin nasasabing nararamdaman na natin hanggat di natin nakikilala yung tao.
Pagkatapos ng sobrang nakakahiyang tagpo namin ni Gabriel kanina, hindi ako makatingin sakanya ng diretso habang kinakausap nito si Aling Grace. Napansin ko rin na pamasid-masid siya ng tingin saakin. Ano nga ba ang pakay niya rito? Bakit Kaya siya nandito? Sino siya? Paulit ulit ang mga katanungang Ito sa pagikot saaking isipan.
"Hija, maiwan ko muna kayo, hayaan ko kayong makapag-usap na kayo lamang na dalawa" tugon ni Aling Grace. Hindi ko naman mapawari kung ano nga ba ang pinapahiwatig niya nung magakatagpo ang aming mga mata, may gusto nga ba siyang sabihin? O guni guni ko lamang iyon?
"Ahmmm" pagsira ni Gabriel sa katahimikan na bumabalot dito sa silid na Ito. "Ma'am Christel, ako nga po pala si Gabriel, naparito po ako sainyo dahil ako po ang naatasan ng inyong ama sa therapy mo" paliwanag niya, napakamahinhin niyang magsalita, Yung boses niya, hindi Yung bruskong lalaking matatakot ka kundi yung malalim pero may diin na nakakaakit pakinggan.
"Therapy?" tanong ko, bakit ako ipapatherapy ni Dad? "Yes, therapy, he said that you had a very traumatic week and I would like to help. I am a licensed Psychiatrist and I wish that I can help you with what I know and what I've learnt" dagdag niya. Hindi ko alam kung bakit ang lakas nag tibok ng puso ko, para kasing nakilala ko na siya dati, para kasing nakita ko na siya dati, pamilyar ang kanyang tindig, ang kanyang mga mata at ang kanyang pananalita.
"Magsisimula na ba tayo?" Tanong niya. Napansin ko rin na nahihiya siya sakin, di ko alam kung dahil ba sa nangyari sa juice kanina? O may iba pang dahilan. Di ko kasi maintindihan ang kilos niya, para siyang takot saakin.
Napatango na lamang ako sa kanya. "So shall we start? Ahm, maaari bang doon na lang tayo sa iyong silid upang makapag-concentrate ka ng maayos, also para ma feel mong relax ka and nasa safe atmosphere ka" paliwanag niya. Napatango na lang ulit ako at sinamahan kami ni Aling Grace papunta sa aking kwarto.
"Just sit relax ha, just stay in your comfortable position. I'll ask some questions then it'll be fine if you don't answer them all but I need you to cooperate ok? It's for your own good" tugon niya habang nakangiti sa akin. Pamliyar talaga sa akin yung mga ngiti niya, ang kanyang kilos at pati ang kanyang pananalita. Everything about him seems so familiar but I don't know why.
Nagsimula na siyang magpaliwanag tungkol sa kung paano ang pagtherapy niya ngayon. Ang gaan gaan ng pakiramdam ko sa kanya, oo kahit aaminin ko na naiilang ako dahil ang pamilyar niya saakin, di ko alam kung bakit tila ba nakikinig ako ng malambot at malambing na awitin tuwing magsasalita siya. Ang bawat bukas ng kanyang bibig ay isang orkestra saking mga tenga.
"Ma'am, I'll start asking some questions ok?" Tugon niya na nagpagising sa akin sa aking munting panaginip tungkol sa kanya. Mga simpleng tanong muna ang kanyang tinanong sakin, gaya kung anong nararamdamanan ko, kung ayos nga lang ba ako, at kung may sama ng loob ba ako.
BINABASA MO ANG
Love equals Death
Historical Fiction"Ang pagmamahal ko sayo, hatid ang kamatayan mo"