Tahimik ako ngayong kumakain. Maraming nangyari sa araw na Ito. Di parin mapawari saking isipan ang lahat lahat. Namatay ang kuya ko, pinalayas ako ni Dad, nakatira ako sa bagong bahay at minumulto pa ako. Ang dami dami talaga. Hindi ko rin alam kung ano dapat ma feel ko, am I supposed to be sad? Or happy? Or both? I feel like I don't know myself anymore. A question keep bugging my mind is the question of who am I? Totoo ba ang sinabi sakin nung matanda kanina? About sa faith ko?
"Hija, panu ka ba nakapunta kanina sa library?" Pagsira sa napakahabang katahamikan sa dining room. "Ahhh may napansin lang po kasi akong double doors so na curious ako" pagsisinungaling ko. "Natakot kasi ako, naiwan lamang kita ng ilang sandali eh nawala ka na" pag-aalala niya. Napatango na lamang ako.
Tumungo na ako sa aking kwarto para magpahinga. I took a deep breath and said to myself "Kaya mo to Christel, you can do this". Yes there is still doubt pero mas nangingibabaw sakin yung fighting spirit ko, that no matter what kakayanin ko, dahil pagsubok lang yan.
Nag on repeat na lamang lahat ng nangyari sa araw na Ito, everything that happened is a mere mystery to my eyes, like a piece of sand in a vast beach, I still dont know where to put myself on.
Pinikit ko na lamang ang aking mga mata, at mandilim lahat ng paligid ko, dahil sa pagod ko, napatulog na lamang ako.
"Hindi ka man maniwala pero wala ka nang magagawa, iyan ang nakatadhana sayo Christel. Para mawala ang sumpa, kailangan mamatay ng taong mamahalin ka at mamahalin mo, subalit hindi lamang basta-bastang pagmamahal ang mararamdaman mo, tutusukin ang puso mo mg limang espada dahil sa galit ni Salvacion. Kung hindi ka magtagumpay, buhay mo ang kapalit. Kaya mo 'yan apo"
Tugon sakin ng isang pamilyar pero di ko kilalang boses, nasa gitna ako ng isang madilim at masikip na lugar. Parang lahat ng nararamadan ko ay pawang hapdi at sakit. Sino ba ang babaeng iyon? Maniniwala ba ako sa kanya? Sinumpa nga ba talaga ako?
"AHHHHHHHHHH!"
Napasigaw na lamang ako ng parang biglang yumugyog ang mundo ko.
"Christel, Christel! Gumising ka, binabangungot ka!" Napagising na lang ako sa sigaw ni Aling Grace, hingal na hingal at ang sakit ng ulo ko. Para bang may biglang pumasok sa isip ko, at iyon ay ang mga katagang sinabi nung babae sa panaginip ko! Sumpa? Totoo ba yun? We are in the modern world, hindi na uso iyon, pero I think that's the reason why so many people don't care for me, nor love me in one way or another, I feel like I'm a constant loop of depressing stones breaking bit by bit.
Napabuntong-hininga na lamang ako. If this is true, kailangan ko ng signs, maraming maraming signs. "Bumaba ka na, at kumain, may ipapakilala ako sayo mamaya" sabi ni Aling Grace. The way she says 'may ipapakilala ako sayo mamaya' sounds a little bit strange, in fact to strange. Parang may pinapahiwatig siyang excited siya, or is it just me? Haysstttttt what am I talking about? Napaparanoid na ako, lord I need signs!!
Kumakain kami ngayon, pero di parin mawala sa isipan ko ang aking panaginip, ang aking malalim at madilim na panaginip. Sobrang tahimik ng hapag-kainan, napapansin ko rin na parati akong iniiwasan ng mga tao rito, maliban kay Aling Grace. They seem like they don't want to get too attached, after ng trabaho nila wala na silang kibo.
Napagdesisyunan kong pumunta sa library para magbasa. Oo, creepy talaga ang lugar na ito kasi di ko parin makalimutan ang pagtatagpo namin nung 'Aling Grace Look-a-like'. Pagbukas ng pinto agad umihip ang hangin at parang tinutulak ako nito papunta sa stand kung saan nakalagay yung notebook, it wants me too see it, to open it. Baka pag binuksan ko Ito, it will change everything, baka dito ko mapapaliwanag na hindi totoo lahat ng nangyayari, it's time for me to grow up and face this damn notebook.
Dahan dahan akong lumapit, nanginginig ang aking mga binti, at tumataas ang lahat ng balahibo saking katawan. Every step I take is like a leap of faith, na parang magkamali lamang ako ng hakbang, kamatayan abot ko. Yeah, it is strange pero yun talaga ang nararamdaman ko.
Pagharap ko rito ay agad ko itong binuksan para di ako matakot sa mga katagang nasa cover nito. At nagulat na lamang ako sa mga nakasulat sa unag pahina, it is not a simple notebook, bagama't isa siyang taalarawan, Isa siyang Diary.
"Taalarawan ni Kristal Vergara"
"Mukhang napilitan ka ring basahin ang taalarawan na iyan hija" nagulat na lamang ako ng biglang magsalita si Aling Grace. "I-ikaw ba talaga yan?" Tanong ko, di ko alam kung totoo ba siya o hindi, kung talagang siya si Aling Grace. "Oo, ako ito hija. Ako rin yung nagkwento sayo tungkol sa notebook at sa misyon mo, oo ako iyon. Sadyang sinusubukan lamang kita nung mga araw na iyon, kung kakayanin mo ba, at sa tingin ko oo ang sagot sa tanong na iyon" paliwanag niya. Magsasalita na sana ako ng magkwento siya.
"Alam mo kasi hija, daang taon na akong nabubuhay rito sa mundong Ito, matagal na akong naninirahan sa pamamahay na Ito, naghihintay sa pagdating mo. Kaya ka rito pinadala ng iyong Ama. Ako kasi ang dating nagbabantay kay Kristal nung nabubuhay pa siya, nung maisumpa siya, ako lamang ang naniwala kaya humingi ako sa Panginoon ng pagkakataong mabuhay ng matagal para magabayan ka sa iyong misyon, para magtagumpay ka at matapos ang kasamaan ni Salvacion" kwento niya, napanganga na lamang ako sa mga sinabi niya. Like what? Ilang hundred years na siyang nabubuhay!
"Ngayon, kailangan mo na lang maniwala sa akin, sa misyon mo. Tama ang sinabi ko, mauulit ang lahat ng nangyari. May iibig sayong isang lalaki, isang maginoo, guwapo, matalinong lalaki. Siya ay nakatakda sa puso mo, pero di mo dapat siya mahalin, di ka dapat mahulog sa kanya, kasi pag siya ang namatay, hindi ka magtatagumy sa misyon mo, magpapatuloy ang sumpa hanggang sa pagbabalik ng Panginoon dito sa lupa" dagdag pa niya, wala naman akong masabi sa mga salitang lumalabas sa bibig niya.
"At oo, dahil sa pagmamahal mo, dahil sa pagbigkas mo ng mga salitang 'Mahal Kita', hatid nito ang kamatayan niya" paliwanag niya pa. Kaya namatay si Kuya? Dahil sa gabing nagsabi akong Mahal ko siya? Totoo nga ang sumpa???
"Maisusulat muli ang tadhana, subalit ibang panahon, ibang mukha, ibang lugar subalit iisang kwento. Ipapagtagpo kayo, subalit hindi kayo para sa isa't-isa".
Tanghali ngayon, nasa kwarto lamang ako, di parin mawala saking isipan ang mga nangyari kanina. So it's true na sumpa nga ako, na di dapat ako magmahal. I thought the we live in this world to love, nabuhay Tayo para magmahal, pero I think in my case hindi.
"Hija, may humahanap saiyo" tugon ni Aling Grace sakin, tumayo ako at hinawakan niya ang aking mga kamay. "Maisusulat na muli ang tadhana" bulong niya.
Pagbaba ko may isang lalaking nakaupo sa Sala, hindi ko alam pero bigla na lamang huminto ang aking mundo, that one second feels like hours, years even. Napatulala na lamang ako ng makita ko siya.
"Hi, ako si Grabriel".
