CHAPTER 1: REESE

797 36 17
                                    

CHAPTER 1: REESE

“Didn’t know that the Campus Queen is not only a bitch but a certified cheater, huh? And what’s the name of the guy? Andy?—oh! Hindi ba siya ang best friend ng boyfriend mo? How cruel you are, Laura. Mag-bestfriend pa talaga ang tinuhog mo. Kawawa naman sila,” Umiiling na sabi niya habang nakataas ang isang kilay. Bakas sa boses niya ang pang-aasar.

Parang natuod sa kinauupuan si Laura ng marinig nito ang kanyang sinabi at namutla. Napangiti siya ng palihim ng makita niya ang reaksyon nito kaya naman lumapit pa siya dito ng kaunti at bumulong, “You know karma is a bitch most of the time so you better stop what you’re doing, girl.” Aniya.

Nakita niyang mas mas lalong hindi nakapagsalita ang babaeng kaharap at parang estatwang natulala. Unti-unting sumilay ang isang ngisi sa kanyang labi. Tumingin siya sa mga kasama nito at nakita niya ang pagkalaglag ng mga panga nito. Based on their reactions, she believes that she has hit a nerve.

‘Well, you don’t mess with me, bitch!’ She sneered.

“That’s…that’s not true! You’re…you’re just making a story, Reese!” Galit nitong sabi sa kanya matapos makahuma. She even gave her a death glare. Natawa na lang siya ng malakas sa sinabi nito dahilan upang mapatingin ang ibang mga estudyanteng kumakain din sa cafeteria. Naisip niyang pasalamat ito dahil hindi niya nilakasan ang mga sinabi niya kanina kung hindi paniguradong sirang-sira na ang reputasyon nito ngayon. She wonders what will be her schoolmates’ reaction kung narinig nila ang mga sinabi niya—and oh, her boyfriend. She’s thrilled to know how her boyfriend will react on this once he knew what his girlfriend is doing behind his back.

She raised a brow and crossed her arms, “Seriously Laura, you’re making me laugh. You know better what I’m saying so stop denying. It’s disgusting.” She mocked.

Tatayo sana si Laura upang sampalin siya pero mabilis niyang nahawakan ang braso nito at tiningnan niya ito ng masama. “You’re going to slap me? I’m telling you, once na tumama ‘yang kamay mo sa mukha ko, I’ll make sure you’ll regret it forever.” Matalim na sabi niya dito at marahas na binitawan ang braso nito. Sumandal siya sa upuan at humalukipkip, “I wonder what will be our schoolmates’ reaction once they knew that the Campus Queen of this school is not only a certified bitch but also a professional cheater.” She smirked.

Laura gritted her teeth and shot her again with death glares. “Hindi pa tayo tapos, Reese.” Gigil na wika nito sabay tayo at mabilis na naglakad papaalis. Nakita niya pang tiningnan siya ng masama ng mga kasama nito kaya naman tinaasan niya ang mga ito ng kilay. Nang tuluyan ng makaalis ang mga ito ay nagpakawala siya ng isang malakas na buntong hininga at nailing na ipinagpatuloy na ang naudlot niyang pagkain ng tanghalian.

“What was that?” Napaangat siya ng tingin at nakita ang nakangising kaibigan niya na si Ellise na nakatayo sa harapan niya at nakahalukipkip. Ngumiti lang siya dito bilang sagot at ipinagpatuloy ang pagkain.

“Hey, Reese! Anong nangyari? Why Laura the bitch looked like she saw a ghost before she and her good-for-nothing gang left you?” Muling tanong ni Ellise sa kanya na ngayon ay naupo na sa katapat niyang upuan kung saan naupo si Laura kanina at curious na nangalumababa sa harapan niya.

She shrugged her shoulders and swigged her favorite choc-o, “I just told her to back off.”

“That’s it?” Nakakunot noong tanong nito sa kanya at kita sa mukha nito ang pagdududa.

“Really, Ellise. Hindi ka talaga titigil hangga’t hindi mo nalalaman ang nangyari ‘no?” Natatawang wika niya sa kaibigan. Mabilis itong tumango sa kanya at ngumisi.

“Well, it just so happen your friend—“

“Excuse me, I never befriended a bitch,” Ellise snickered cutting her off. Tumawa siya dito at umiling.

“So, ayun nga. She tried to bully me,” Sabi niya at nagkibit balikat.

Nananahimik siyang kumakain mag-isa kanina ng bigla na lang siyang lapitan ni Laura at ng mga kaibigan nito. She didn’t know why at first. But when Laura started blabbering in front of her, naisip niyang siya na ngayon ang target nitong i-bully. Laura is pretty but the problem is--she’s just pretty outside. She may be the Campus Queen but her attitude sucks.

“Wala na naman sigurong magawa ‘yang si Laura the bitch kaya ikaw ang pinagdiskitahan,” Naiiling na sabi sa kanya ni Ellise at kinuha ang tinidor na hawak niya at nakikain sa kinakain niyang spaghetti.

“Yeah. I believe so. Pero sorry siya. Nagkamali siya ng binangga,” Sagot niya dito at ngumisi.

Siya ang tipo ng tao na kalmado lang. Tahimik lang din siya at hindi palaaway. Pero dahil sa sobrang naiirita na siya kay Laura kanina dahil hindi niya matapos-tapos ang kanyang pagkain at nawala ang katahimikan na gusto niya ay pinatulan niya na ito. She has a ‘special talent’. At iilan ang nakakaalam noon. When she said ‘iilan’ that only includes her family and her best friends, Elise and Celine. What she did to Laura was only an example. She can do more than that.

“Right! When I saw her face kanina nang makasalubong ko siya, gusto ko talagang humagalpak ng tawa. Her face is just so…so epic!” Ani Ellise at humalakhak.

“Well, I hope she learned her lesson,” Sabi niya kay Ellise at inubos ang laman ng iniinom niyang choc-o. “Where’s Celine anyway?”

“I think she’s at the library. She’s busy doing her homework. Hindi daw kasi siya nakagawa kagabi kaya naghahabol.” Sagot nito sa kanya.

“Pasaway na bata.” Natatawang sabi niya. “Ikaw? May assignment ka na ba?”

“Wala pa.” She answered with a sheepish smile on her face at nagpaawang tumingin sa kanya, “Pakopya ako ng assignment, please?”

“Manigas ka, Ellise!” She smirked at her. Iningusan naman siya nito bilang sagot at umirap. Natatawang inayos na niya ang kanyang bag at humanda na sa pagpasok sa susunod na klase.

***

She's a FortunetellerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon