Prologue

66 4 2
                                    

Habang nabubuhay tayo dito sa mundo, we can't avoid for someone to enter our lives. Hindi man natin yun gustohin, Mangyayari at mangyayari pa rin yun.

Hindi ko naman sinasabi that it's bad to meet someone. Well, ang inaalala ko lang ay kung paano nila tayo maaapektuhan.

Kagaya ko, isang simpleng estudyante sa 3rd Year Highschool na mayroong tahimik na buhay. Hindi ko hinayaan na may maging isang malaking parte ng aking buhay.

Kung iisipin niyo, malungkot ang mundo ko. Oo, tama kayo, malungkot nga, pero dati yun. But I'm not exactly alone. Of coarse I have best friends.

Itinutuon ko nalang ang atensyon ko sa pagbabasa ng libro at pag aaral. As far as I know, what I'm doing now is what's best for my future. I want to be successful.

Mahirap noon pero nakaya ko naman. Hindi naman ako sobrang na left out kasi marami pa rin namang aware sa presence ko. Yun nga lang ubod ng kulit. Sagabal pa sa pag aaral ko.

Dahil nga mahilig akong magbasa, halos lahat ng libro sa library nabasa ko na. Ang salitang halos ay napalitan na sana ng lahat kung hindi ko ba naman iniiwasan na basahin yung mga aklat na may halong romance. Para sa akin, kung magbabasa ka ng mga ganyan, mas lalo kang aasa. Aasa na may dadating nga sa buhay mo na mamahalin ka, aalagaan ka at poprotektahan ka. Yung tipong gagawin dawng mala fairy tale yung mundo mo.

Kalokohan. Isa yung malaking kalokohan para sa akin.

Iniisip niyo siguro, pusong bato ako. Pero hindi yata yun yung salitang makapaglalarawan sa akin. Tawagin niyo nalang akong DUWAG. Tama nga kayo. Isa akong malaking duwag. Takot akong magmahal dahil natatakot akong masaktan.

Kagaya na lang nung libro ni William Shakespeare, yung Romeo & Juliet. Iniisip kong parang ang tanga naman nila. Nagpakabulag sila para sa pag ibig. Yan tuloy namatay silang dalawa.

Actually yun yung first book na nabasa ko na may halong romance. Grade 6 pa ako nun.

Nung Grade 6......

Maraming nangyari sa akin nung Grade 6 pa ako. Marami akong nakilala at nagkaroon ako ng maraming kaibigan. Magkasundo kaming lahat ng mga kaklase ko. Syempre, hindi din natin maiiwasan na magkaroon ng crush, di ba? Hehehe

Si Max Sieves. Ang first and last crush ko. Gwapo, matangkad, matalino, sikat, isang magaling na player ng Basketball at ang lider ng pinaka sikat na grupo dito sa Elaide Briyers Academy, ang school ko. Elaide Knights ang tawag sa grupo nila. Lahat ng miyembro na kasali dun sikat, mayaman at siyempre gwapo, kaya sila palaging pinagkakaguluhan ng mga babae sa school kahit Grade 6 palang sila noon. Lahat din sila, mga Varsity ng Basketball. At dahil sikat sila, syempre mayabang. Nagtataka nga lang ako, bakit kaya nila napapansin ang isang low leveled girl na katulad ko? Palagi nila akong nililikot at inaasar. Narinig ko rin na malakas daw silang mangbully. Kaya natatakot ako sa kanila noon. Pero habang tumatagal, they seem harmless naman. Lahat nga sila palagi akong ginugulo at inaasar, mas lalo naman si Max. Parang palagi nalang niya akong gusting likutin. Palagi akong trip niya. Kaya napagkakamalan kaming lovers noon eh. Tapos tuwing magaaway kami, palagi nilang pinagkakamalan na nag LQ kami. Dahil sa pangaasar niya, dun ako nadevelop sa kanya. Hanggang sa isang araw, biglang kumalat na nabusted daw si Max ng crush niya. Gumuho bigla yung mundo ko noon. Hindi ko man lang alam na may gusto siyang iba. Ang alam ko lang noong mga araw na yun ay ang kausapin siya kahit masakit para sa akin.

Nung makita ko siyang nagmumukmok sa isang sulok, nilapitan ko siya. Emotionless ang mukha niya. Sinabi ko sa kanya na parang nakakarelate naman ako sa kung anong nararamdaman niya. Alam ko kung gaano kasakit na hindi ka gusto ng taong gusto mo.

Biglang naging seryoso ang tingin niya sa akin. Tinanong niya ako kung totoo ba talaga na may gusto ako sa isang tao. Nakakatakot siya ngayon. Ganito ba talaga siya kapag naka serious mode siya?

"O-oo. B-bakit parang..." Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko sa kanya dahil Bigla nalang niyang ginulo ang buhok ko. Na sa Mapangasar na Mode naman siya ngayon. Sobrang lapad ng ngiti niya sa akin. Alam kong gusto niyang malaman kung sino yung special guy na yun, pero hindi pa ako handa na ipagtapat yun sa kanya. Kaya tumungo nalang ako kasi parang namumula yung mga pisngi ko.

Once again ginulo niya ang buhok ko bago siya umalis.

Nung Graduation, nag graduate akong Salutatorian. Oo Salutatorian lang ako. Nahigitan lang naman ako ni Max. Anong klaseng talino ba ang taglay niya? Wow ganun? Built in? Todo study na ang ginawa ko pero eto pa rin yung resulta. Nakakapanghinayang naman.

Lumipat ako ng school pagkadating ko ng Highschool. Kaya naman wala na akong narinig na balita tungkol kay Max. Nakakalungkot isipin na hindi ko na siya muling makikita pa.

Unless gusto pa kaming pagtagpuin ng mapaglaro na tadhana.

---------------------------

By: Shanaise468

Copyright 2014

First story ko to guys! Hope you like it!

Playful FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon