Chapter 1: First Day Encounter

30 2 0
                                    


Louise's POV

First day of school na naman. Anong mga kalokohan nanaman kaya ang mangyayari sa akin sa 3rd Year ng Highschool ko?

"Louise pambihira ka naman. Ba't nakatulala ka lang diyan? Mahigit isang oras pa ang byahe papuntang school mo tapos hindi ka pa nakakakain ng almusal! Tignan mo kung anong oras na!"

Sabi ni mama nang makita akong hawak hawak lamang ang almusal kong tinapay. Inaantok pa ako. Ang aga kasi akong ginising ni mama. Bigla naman akong natauhan at tinignan ang relo ko.

6:32?!

Ganun na ba kabilis tumakbo ang oras ngayon? 7:20, magriring na ang bell. Hindi ko pa alam ang section ko.  Baka madetention pa ako! Makakasira yun sa image ko!

"Bye mom! Gotta go!" Agad kong binitawan ang tinapay sa kamay ko and hurriedly reached for my bag. Sabay labas ng bahay para maghanap ng taxi.

"Louise, sandali lang! Yung almusal mo! Wala pang laman ang tiyan mo! Bumalik ka muna dito!

Nilingon ko saglit si mama tapos nag flying kiss ako with a wink. Tapos tumakbo na uli ako. Pagkadating ko sa kanto, nakapara agad ako ng taxi.

"Manong sa Elaide Briyers Academy lang po ako bababa at pwede po bang pakibilisan? Malapit na po kasi akong mahuli sa klase."

"Opo ma'am." Replied the driver.

Naeexcite akong bumalik sa Elaide. But aside from my excitement, I feel scared. Scared of how will they treat me. Alam kong may experience na ako dun. Pero paano nalang kung mas lumala pa ang mga ginagawa ng mga miyembro ng Elaide Knights? Nakakatawa ngang isipin na Knights ang tawag nila sa sarili nila. Besides wala nanaman akong babalikan dun except sa mga Best Friends ko.

Hindi ko rin alam kung nandun pa ba si Max. Pero kung nandun man siya o wala,  wala na akong pakielam. Matagal ko na kasing napagisipan na kailangan kong mag focus sa studies ko.

Hindi na ako magpapatalo kay Max. Hindi na rin ako mahuhulog sa kanya kahit ano pang charms ang ibibigay niya sa akin. Humanda ka, Max Sieves! Bwahaha!

Pagkaandar ng taxi, biglang nagvibrate ang phone ko.

Mom calling...

Naku lagot! Siguradong sesermonan ako nun!

Decline......

Hindi pa ako handang masermonan.

Maya maya, nagvibrate nanaman siya. Napakagat nalang ako sa labi ko habang iniisip kung sasagutin ko ba o hindi. Masagot na nga lang. Baka mas lalo pang magalit si Mom eh.

"H-hello ma?" Natataranta pa yata ako.

"Anak, you left your lunch here. Wala ka pa namang sapat na pera para bumili mamayang lunch niyo."

"Ha?! Talaga po?!"

Binuksan ko agad yung bag ko para tignan kung naiwan ko nga ba talaga. Anak ng tipaklong! Wala nga! Nagmamadali na kasi ako kanina kaya nawala na sa isip ko yung lunch ko.

"Uhm, ma.. Pwedeng ihatid mo nalang po ang lunch ko dito sa school? Kahit ihabilin mo nalang po sa guard. Ako nalang ang kukuha." Nilambutan ko ang tono ng boses ko. Sana pumayag na siya.

"O Sige, susubukan kong pumunta diyan mamaya. Sa susunod kasi, makinig ka muna sa akin. Hindi yung aalis ka nalang ng bahay na parang hangin."

Napakagat ako saglit sa labi ko.

"O-opo ma."

"Sige anak ingat ka ha?"

"Opo ma, bye! Muah!"

Sabay end ko ng call. Buti nakalimutan na ni mom na sermonan ako. Saved! Pambihira naman o! Ba't ko ba kasi naiwan yung lunch ko? Stupid me....

I just focused on the view outside while hugging my bag.

Marami pang naghahanda na mga  estudyante papuntang school. Yung iba naglalakad. Yung iba naman naghihintay ng masasakyan na jeep at yung iba, hinahanda na yung private cars nila. Nakakaexcite mga ba ang first day of school mo? Pwes, para sa akin, ang tawag ko dito 'The end of the fun and the start of the disaster'. Bakit ba kasi kailangang dumating ng araw na ito?

Were already half way to our school when I suddenly saw a very big mansion. They say that the owner of the mansion was very very very rich but no one in our village have seen him before because the owner only visits this mansion maybe twice a year. Come to think of it, it's just a waste of money. Imagine, they built a very big mansion right here with a very high security, tapos Wala namang gumagamit dahil 2 beses sa isang taon lang sila bumibisita dito. Hayaan ko na nga sila. Maybe they have their own reason.

Na sa tapat na kami ng main gate ng mansion tapos bigla kaming huminto nung may lumabas na isang magarang kotse na lumalabas sa gate ng mansion.

Biglang bumaba yung bintana ng backseat ng kotse tapos nakakita ako ng isang gwapong nilalang, este binata. Kahit na sa loob siya, halata mo na matangkad siya. Grabe ang gwapo! Sino kaya siya? Anong pangalan niya? Siya kaya yung may-ari ng mansion? Teka hindi pwede eh, mukang napaka bata pa niya. Sa sobrang gwapo niya, hindi ko napigilan na titigan siya. Napansin niya yata akong nakatitig sa kanya kaya nilingon naman niya ako. Tapos ngumiti siya sa akin. Grabe natutunaw na yata ako!

And then...... And then........ He winked at me before the window closed.

Ano ba naman yan! Pinapagpantasyahan ko pa siya eh! Epal na bintanang yan!

"Ma'am" Biglang tawag sa akin ng driver.

"Bakit po kuya may problema po ba?"

"Wala naman po. Sasabihin ko lang po sana sa inyo na malapit nang tumulo ang laway niyo. Di bale gwapo naman po talaga yung binata sa kotse kanina eh di ba?"

Nagulat ako sa sinabi ni Manong driver. Hinawakan ko ang labi ko. May laway nga. Ginayuma siguro ako ng lalaking yun. Leche talaga oh! Pero gwapo naman talaga yung lalaki eh.

"Kilala niyo po ba yung lalaki kanina?" Di ko na napigilan ang sarili kong magtanong.

"Hmm. Oo kilala ko siya. He's the only son of David Hawk, the owner of the Glitz Hotel. Nangangahulugan lang naman yun na yung binatang yun ang tagapagmana ng lahat ng kayamanan ni David Hawk."

Glitz Hotel? Pamilyar ata sakin yun ah. Di kaya yun yung.....

"Manong yung Glitz Hotel, yun po ba yung pinaka malaki, pinaka mahal at pinaka sikat na hotel dito sa

Pilipinas? Dun din po nagsastay yung mga importante at kilalang mga tao mula sa isang bansa di ba?"

"Oo yun nga yun. At kung nagtataka kayo kung bakit biglang nagkaroon ng tao sa mansion, diyan kasi munang gustong tumira ng anak ni Mr. Hawk. Hindi ko na alam kung bakit eh. At mukang interesado ka talaga sa kanya ah."

"H-hindi naman po sa ganon kuya. It's just that his life is very interesting to talk about."

"Asus nagkukunwari ka pa. Studies first ija okay?"

"Hay naku kuya. Ewan ko sa inyo. Ang kulit niyo."

Tumingin nalang ulit ako sa harapan. Aba, nandun pa rin yung kotse ni yaman. At mukang parehas pa kami ng daan na tinatahak. Posible kaya na parehas kami ng school? Pshhh. Imposible yun. Saksakan sila ng yaman eh. Hindi naman siguro siya pagaaralin sa mga school na katulad ng Elaide Briyers. Marami pa namang mas mamahalin sa school dito.

"Ma'am nan dito na po tayo sa

Elaide Briyers Academy."

---------------

End of First Chapter! Thank you sa mga nagbabasa! Muah!

Playful FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon