Chapter 4: Cafeteria

13 1 0
                                    

"M-Max! Saan mo naman ako dadalhin?"

"Manahimik ka nalang diyan."

Loko toh ah! Kakaladkadin nalang ako bigla kung saan saan. Sapakin ko kaya siya. Hayss. Nakakainis.

Hinila niya ako mula sa lobby papuntang....... Cafeteria?

"Ano naman ang gagawin natin dito ha?!"

Pagkatingin ko sa mga tao sa Cafeteria, halos lahat tinitigan kami ni Max. Yung iba ang sama ng tingin sa akin at yung iba naman nagbubulungan. May problema ba?

Hinila nanaman ako ni Max papunta sa bilihan ng Pizza. Agang aga patay gutom tong nilalang na ito.

Kukuha na kami ng table tapos nagsettle down na kami.

Sa tabi ng table namin, may dalawang babae at mukang ang lalim ng pinaguusapan. Engot din yung dalawa eh. Nagbubulungan na nga, rinig na rinig naman namin.

"Grabe ang gwapo talaga ni Max noh?"

"Oo nga kahit basagulero siya, super hot pa rin niya!"

"Narinig ko may gulo daw kanina sa lobby. Sinuntok daw ni Max si Steve?"

"Ha? Bakit naman?"

"Niligtas niya daw yung isang babae eh."

"Ganun? Ano naman ang pangalan nung babaeng niligtas ni Prince Max natin?"

"L- Lou.. Louise! Louise Haze daw ang pangalan niya!"

"Grabe naman yung babae na yun! Inaagaw sa atin si Prince Max! At di ba siya yung dating Salutatorian ng batch natin? Ang pagkakaalam ko lumipat na daw siya ng school."

"Oo natatandaan ko. Siya nga yung Salutatorian dati. Grabe naman, gaano kaya kakapal ang mukha niya para pumatol sa isang Valedictorian na katulad ni Max?"

"Hayaan mo best friend. Kapag nakita natin yung Louise na yun, kakalbuhin ko siya!"

"Hahaha! Gusto ko yan best friend!"

Tapos nag high five yung dalawa.

Kinilabutan tuloy ako bigla kaya ngayon hindi ko na napigilan na manginig sa takot. Ano naman kaya ang gagawin nila sa akin?

Tumawa nanaman ng mahina si Max. Tinaasan ko nalang siya ng kilay. Wirdong mokong.

"You look and act so ridiculous." Sabi niya sa akin habang nagpipigil pa rin ng tawa.

"Huh?"

"Nanginginig ka. Tapos ang mukha mo para kang tinamaan ng kidlat."

Lang hiya. Natatakot na nga ako't lahat, nakapagbiro pa siya.

Bigla nalang niyang ginulo ang buhok ko habang ang ngiti niya akala mo aabot na sa Neptune.

"Don't worry. As long as I'm here, I won't let them lay a finger on you. So don't be afraid, kay?"

Hindi ko alam pero parang kinilig ako kahit alam ko na hindi na ako pwedeng makaramdam nun. Ano ka ba Louise? Gumising ka nga! Rival mo siya eh! Kaya huwag kang magpapadala sa kanya.

Hindi ko na namalayan na nagkatitigan na pala kami kanina pa.

Ang masama pa, dun saktong dumating ang dalawa kong best friend.

Halata naman na napadaan lang sila.

"Oh. My. Gosh? LOUISE KAYO NA?!" Sa lakas ng pagkakasigaw ni April

(Isa sa mga best friend ko), halos lahat ng tao sa cafeteria, napatingin na sa pwesto namin.

"Louise kayo na pala at last?! Ba't di mo naman kami ininform? Alam mong mamamatay na kami sa kahihintay ni Heather for this day to come. Nagtatampo naman ako sayo!"

Ano ba tong si April, parang nakalunok ng microphone. And she always easily jumps to conclusions.

"A-ano bang pinagsasabi niyo? At ikaw Max, tulungan mo naman ako oh!"

Tumingin nalang sa malayo si Max. Wala yatang balak na tulungan ako. Kasalanan pa naman niya ito!

"Naku naman Louise huwag ka nang mahiya! Best friends mo naman kami eh! Hindi mo pa nga kami sinipot dun sa court dahil kasama mo pala si Max. Grabe ang layo na pala ng naabot niyo!"

Naku nakalimutan ko nga pala na nagtext sakin kahapon si April na magkitakita daw kami ngayong umaga sa court. Eto naman kasing si Max eh at yung Michael na yun. Mga panira ng araw ko! Sana wala nang Ibang malas na dadating.

"Teka, April, Heather! Nagkakamali kayo ng inii...."

"Ay! Naku Max, Louise, nakakaistorbo pa kami sa date ninyo? Pagpasensyahan niyo na itong si April. Maiwan na namin kayo. Enjoy your date!"

Umalis na yung dalawa habang bumubungisngis.

Paano na to? Akala ng lahat dito, kami na ni Max. Ito ba ang Welcome Back gift sa akin ng Elaide at ng Tadhana? Kung ganun, hindi ko yun nagustuhan!

Nilingat ko agad yung kasama kong nakatingin pa rin sa malayo.

"Hoy Max Andrew Sieves! Ba't di mo man lang ako tinulungan kanina ha?! Kanina lang din, iniligtas mo ako dun sa lalaking nabangga ko na hindi ko alam ang pangalan, at tinulungan mo rin ako dun sa case namin ni Carol. Pero ngayon, hindi mo man lang ako tinulungan na magpaliwanag kina April at Heather na nagpagkamalan tayong magjowa!"

"Bakit ayaw mo ba yun? I thought you were enjoying it."

Aba mas makapal pa yata sa dictionary ang mukha ng nilalang na to ah!

"A-anong bang pinagsasasabi mo diyan? Are you insane? Sino bang mag eenjoy dito sa case natin ngayon?"

"Lahat naman yata mag eenjoy eh. Yung iba nga halos tumalon na sa bangin dahil sa tuwa. Bukod tangi kang hindi."

"Yun lang naman yung mga babaeng patay na patay sayo. Hindi naman ako isa sa kanila. I'm not dumb enough to risk my life on you."

Pagkasabi ko nun, natahimik na kaming dalawa.

Ang bagal namang kumain ni Max. Mamaya malate pa kami eh. Teka nga lang..... Anong oras na ba?

I raised my hand to glimpse at my wrist watch.

" 7:35?! "

----------------------------

Natapos ko na ang 4th Chapter! Grabe ang hirap din pala talaga!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 04, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Playful FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon