Chapter 2: Meet Michael Hawk the Newbie

18 2 0
                                    

"Ma'am nan dito na po tayo sa

Elaide Briyers Academy."

Oh nan dito na pala ako, ulit. It's good to be back!

"Salamat po Manong driver. Sigi mauna na po ako."

"Sige ija. Tandaan, Studies muna bago ang love life."

"Manong naman eh. Wala nga akong gusto dun."

"Naku ija, ayos lang yan. Your feelings are safe with me. Di ko yun ipagkakalat."

"Hay naku Manong, baka malate pa ako. At tsaka ang panget naman nung lalaki na yun eh."

I closed the door of the taxi before it went off. But still nakikita ko pa rin si Manong na nagpipigil ng tawa.

"Pambihira naman yung si Manong. "

"Bakit naman?"

Napatalon ako sa gulat. Nilingon ko kung sino yung nagsalita. I'm dreaming, am I?

"O, ba't natigilan ka? Siguro masyado kang kagwapuhan sa akin noh? Pshh. Sanay na akong tinititigan ng mga nadadaanan ko na mga babae. Lakas talaga ng charm ko eh noh?"

Aba mayabang din pala ang isang to.

"E-excuse me. Gwapo ba ang tingin mo sa sarili mo? Eh mas panget ka pa sa palaka eh! Ba't naman magaaksaya ng panahon ang mga babae na titigan ang mala palaka mong mukha?"

"Tss. Kunyari ka pa. Eh parang maghuhugis puso na yang mga mata mo nung tinititigan mo ako kanina nung palabas pa kami ng bahay. Tanda mo pa ba yun? Parang tumutulo na nga rin ang laway mo. Tapos ngayon sasabihin mo na hindi ako gwapo. Ano kaya yun?"

Nakakahiya naman. Nakita niya pang tumutulo ang laway ko. Totoo naman talaga na malakas ang charm niya sa mga babae eh.

"Siya nga pala, anong pinaguusapan niyo ni Manong driver kanina? Ako ba at ang kagwapuhan ko?"

Manghuhula din ata isang ito. Ibang klase talaga oh.

Sinamaan ko nalang siya ng tingin.

"Kung anong pinaguusapan namin kanina, wala ka na dun! Mind your own business tall freak! Bakit ka ba nandito? At tsaka sandali nga lang, hindi naman tayo close ah. Ni hindi nga natin Kilala ang isa't isa. Ano bang kailangan mo sakin?"

"Ah pasensya na. Ako nga pala si Michael. Michael Hawk. Ang pinaka gwapong lalaki dito sa balat ng lupa. Nice to meet you."

Michael pala ang pangalan ni yaman este palaka.

"Ok so, Michael, I know that you are the son of Dave Hawk and the Heir of the Glitz Hotel who keeps a low profile And the owner of the very big mansion in our neighborhood. But tell me, saan ka nag aaral? At bakit nan dito ka pa? Umalis ka na at baka mahuli ka pa sa klase."

"Ah so ganun na lang yun? I introduced my self to you but you didn't introduced your self to me which seems like a little bit unfair on my side. And one more thing, wala kang karapatang ipagtabuyan ako dahil isa na ako sa mga estudyante ng paaralan na to."

"Wait what?! Tama ba ang narinig ko?! Dito na nagaaral? Since when?" What the hell? Seryoso ba siya? Isang anak mayaman na tulad niya ay nagaaral sa school ko?

"Actually it's my first year here in Elaide. New student pa ako dito. Alam kong nakakagulat na ang isang Michael Hawk na sobrang gwapo at sobrang yaman ay magaaral sa paaralan na ito. Hindi nga ako pinayagan ni Daddy pero nagpumilit ako."

He went through a lot of trouble just to enter here in Elaide? Pero bakit naman kaya? Siguro mabigat talaga ang dahilan niya. Ay Teka, ano nga bang pakielam ko dun?

Magtatanong pa sana ako sa kanya pero bigla niyang tinakpan ang bibig ko..

"Mamaya ka na magtanong. Pumasok na muna tayo sa loob ng school. Kung hindi mo pa alam, isa akong magnet. Magnet ng mga mata ng mga babae. Kaya ngayon, kung hindi mo pa napapansin, sa sobrang kagwapuhan ko, kanina pa tayong pinagtitinginan ng mga tao dito."

Tumingin ako sa paligid. Marami na nga talagang nakatingin sa amin dito. Eto naman kasing kasama ko eh, napaka panget! Hehehe

Bigla nalang akong hinila ni Michael papunta sa loob. Muntikan pa akong madapa. Hays nakakainis naman! Sino ba siya para hawakan at hilain ako? Tinanong ko siya habang naglalakad kami patungo sa Main Gate ng school.

"Michael, bakit mo ba gustong pumasok dito sa Elaide? Gaano ba kabigat ang dahilan mo that you almost went through a war with your father just to go here in Elaide?"

"Hmm. Simple lang naman ang dahilan ko. Hindi siya ganun kabigat tulad ng iniisip mo."

"At ano naman yung dahilan na yun?"

"Ba't ka naman curious?" Then he gave me a mischievous smile. Ang taas niyang mangarap ah!

"Curious mo yang mukha mo! Diyan ka na nga you ugly stranger!" Sumabog na yata ang pasensya ko sa kanya.

"Gusto kong magenroll dito dahil nandito ang taong gusto ko! Bakit may problema ka ba dun?" Marunong din palang mainlove ang mga tulad niya. Sa totoo lang naaalala ko kay Michael si Max at yung pangaasar niya sa akin. Kung tutuusin, nakakamiss din yun eh.

"Ha! Matindi ka rin ah. And whose the lucky girl?" Malay natin kilala ko yung crush niya. Chance ko na to para makapaghiganti sa kanya.

"Bakit selos ka?" Di ko inexpect yun ah! Ang daya naman!

"Ako? Nagseselos? Excuse me! Ba't naman ako magseselos? Feeling mo rin may gusto ako sayo? Wag ka nang umasa! Diyan ka na nga!" Ang kapal niya ah. Ayokong masira ang araw ko dahil lang sakanya.

"Hoy selosa!" Sasabog na yata si

Bulkang Louise!

"Ano kamo?! Ako tinawag mong selosa?! Ang kapal mo rin eh noh?! Hindi nga ako nagseselos! Hindi po ikaw yung crush ko! At huwag ka nang umasa! Leche ka sinisira mo na ang araw ko eh" Ano ba talagang gusto ng panget na nilalang na to? Wala na muna akong pakielam sa mga estudyanteng nakatingin sa amin ngayon. Magpapanggap nalang muna din ako na may crush ako.

"Ito naman binibiro lang. Eh sa hindi ko pa alam ang pangalan mo eh. Kanina ko pang itinatanong sayo!" At mukang tuwang tuwa pa siya sa mga pinaggagagawa niya ah.

"Louise! Louise Nicole Haze! Ngayon na alam mo na ang pangalan ko, pwede bang tantanan mo na ako at hanapin mo na yung crush mo!"

Tumakbo na ako palayo. Sana naman hindi niya na ako sinusundan. Habang tumatakbo, tumingin muna ako sa likod just to make sure that he's not following me anymore. Good wala nga siya. Pupunta na lang ako sa cafeteria para--.

"OUCH!" Sabay naming sigaw.

"Aray! Ang sakit nun ah! Pwede bang tumingin ka sa dinadaanan mo?"

----------------------------

How's the Second Chapter? Pumasok na si Michael, sino nanaman kaya ang susunod?

Abangan!

Thank you sa mga nagbabasa at nagsusupport!

Playful FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon