Chapter 3: Enter Max the Heartthrob

30 1 0
                                    

"Aray! Ang sakit nun ah! Pwede bang tumingin ka sa dinadaanan mo?"

"P-pasensya na po hindi ko sinasadya." Pagpapaumanhin ko habang inaabot ko sa kanya ang kamay ko para tulungan siyang makatayo.

Ngunit tinabig niya lamang ito at kusa siyang tumayo.

"Hindi na kita papatawarin kung nagalusan tong gwapo kong mukha!" Sigaw niya. Halos iduldol na nga niya ang mukha niya sa akin. Grabe nakakatakot siya.

"Sa susunod na....."

Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya nang may biglang sumuntok sa kanya. Napahiga siya sa sahig sa lakas ng pagkakasuntok sa kanya. Hindi ko nakita kung sino siya dahil bago ko pa siya na tignan, hinila na niya ako papunta sa likod niya. Hindi ko rin makita yung lalaki na nabangga ko kasi ang tangkad ng lalaking sumuntok sa kanya. Narinig ko naman na nagsimula nang magbulungan ang mga tao sa paligid namin. Di ko mapigilang marinig ang isa sa mga bulungan ng mga tao.

"Mukang pamilyar yung mukha ng lalaking yun ah."

"Oo nga eh. Kanina ko pa ring pilit na tinatandaan kung sino yun."

"Di kaya siya si Prince Charming natin dati?"

"Waahh! Oo nga! How could I possibly forget him?!"

"Bumalik na pala siya! Ba't ngayon lang natin nalaman?"

Prince Charming? Bumalik na? Sino?

"Sa susunod na sigawan mo pa siya, hindi lang yan ang aabutin mo sa akin. Naiintindihan mo ba?"

"O-opo. Hindi na po mauuulit." Nauutal nitong sabi habang nagaalanganing tumayo nang nakatingin na nanlilisik na mga mata ng sumuntok sa kanya. Halata sa boses niya ang takot.

"Siguraduhin mo lang. At yang mukha mong yan tinawag mong gwapo? Nagpapatawa ka ba?"

Sabay ang pag walk out niya. Sinamaan niya ako ng tingin nung dumaan siya sa gilid ko. Nakita ko rin na dumudugo na ang labi niya. Naawa tuloy ako sa kanya. Ako naman kasi talaga ang may kasalanan eh. Tapos siya yung naupakan.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ng lalaking tumulong sa akin. Hindi ko pa rin makita ang mukha niya dahil hindi pa siya humaharap sa akin.

"Ah. Uhm. O-oo! A-ayos lang naman ako." Nanginginig yata ako dala marahil sa kung anong nangyari kanina at sa kung ano naman ang gagawin sa akin ng lalaking ito.

Narinig ko naman siyang tumawa ng mahina. Ano naman kaya ang nakakatawa?

Tumingin nalang muna ako sa sahig. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula sa pagpapasalamat sa kanya.

"Kung akala mo may gagawin ako sayong masama, nagkakamali ka."

He slowly turned to face me but my head is still bowed down.

"Uhm... Ano nga pala..." Nauutal kong Sabi.

"Bumalik ka na pala."

Huh? Anong ibig sabihin niya na bumalik na ako?

Inangat ko na ang ulo at bumungad sa akin si....Si Max?!

Siya ba ang tumulong sa akin?! At bakit naman niya ako tutulungan?! At anong ibig sabihin nila kanina na bumalik na siya? Ay teka wala na nga pala akong pakielam sa kanya.

"Wag mo nga akong titigan! Nagmumuka kang Ewan!" Sigaw niya sakin na parang natatawa.

"S-sorry. It's just that......"

Sa dami ng tanong sa isip ko, hindi ko na namalayan na tinititigan ko na siya. Ano na ba ako ha? Si titig Queen? Ngayon nahihiya na tuloy akong magpasalamat. Bukod sa tinitigan ko siya kanina, ex crush ko pa siya!

Playful FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon