Eight

1.5K 26 0
                                    

NAKAHIGA si Clementine sa kaniyang kama. Hindi pa rin niya hinuhubad ang damit na ipinagamit sa kaniya ni David. Hindi niya maipaliwanag kung bakit pero kahit anong gawin niya ay hindi ito mawala sa kaniyang isipan. Paulit-ulit niya itong naiisip.

Na-pu-frustrate na bumangon siya. Wala sa loob na inilagay niya ang kaniyang kamay sa bulsa ng trousers na ipinahiram rin nito sa kaniya. Napakunot-noo siya nang may maliit na piraso ng papel na makapa mula sa kanang bulsa niyon. Dali-dali niya iyong hinugot; nakatupi iyon sa apat. Nang tanggalin ang tupi ay tahimik niyang binasa ang nakasulat doon: Please take care of yourself.

Natigilan si Clementine. She was sure she felt her chest constrict; but not because of pain like how it used to feel whenever her father compared her to Parker. It was more like a spark of easing joy. Sa kauna-unahang pagkakataon, pagkatapos ng insidente, mayro'ng isang taong nagparamdam sa kaniya na may pakialam ito sa kaniya.

Parang narinig niya uli sa kaniyang mga tenga ang boses ni David. I'm just really concerned about you, ang sabi nito sa kaniya. And now, as she stared at the messy dribbling on that paper, she felt like he really is concern to her.

Wow, lihim uli niyang naisaloob. What are the chances that she will be found by a really kind-hearted guy while lying helpless on the streets? Sigurado siyang kung iba iyon, ginawan na siguro siya ng masama. But it was David who found her. Sandali niya lamang nakasama ang naturang lalaki pero naramdaman niya sa kaibuturan ng kaniyang puso na mabuti talaga itong tao. He really is indeed like an angel, napapangiti niyang naisaloob.

Tumindig siya ng kaniyang kama. Iniipit niya sa gilid ng picture frame kung saan nakalagay ang kanilang family picture ang kapirasong papel na iniwan sa kaniya ni David. Napapabuntong-hininga na pinagmasdan niya iyon pagkatapos.

"Just a little something to remind me that even you guys don't care about me anymore, someone still does." pagkausap niya doon. "Good night dad, mom, kuya..."

At muli na siyang nahiga sa kaniyang kama.

ALMOST AN ANGEL [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon